GABING-GABI na nang umuwi si Louie sa bahay niya at madilim na ang buong bahay kaya sa kwarto na siya dumiretso at nagulat nang wala ang asawa sa kama nila kaya hinanap niya ito sa buong kwarto. Nakadama kaagad ng kaba si Louie dahil baka umalis na naman ang asawa at kung saan nagpunta kaya mabilis na naglakad siya palabas ng kwarto at sisigaw sana para tawagin ang mga kasambahay pero isang bulto ng katawan ang nasagi ng paningin niya at napalingon siya doon. May taong nakatayo sa gilid ng swimming pool kaya nagmamadali siyang lumakad patungo doon at walang iba iyon kundi ang asawang nakasuot ng maiksing short at sandong kulay puti na kanina ay pinasuot niya rito. Hinablot ni Louie ang braso ng asawa dahilan para magulat ito at mapalingon sa kaniya na may takot sa mga mata. “What the f

