Chapter 3

1330 Words
NAPATINGIN si Giana sa lalaking nagngangalang Louie na ngayon ay nasa harapan niya at nakatitig sa kaniya na may pagtataka ang emosyon ng mukha. Matangkad si Louie na sa tingin niya ay malayo ang agwat sa kaniya dahil five feet and four inches lang ang taas niya at guwapo rin ito. Tall, dark and handsome nga ito na may mapula at manipis na labi at matangos na ilong. Maganda rin ang pangangatawan nito na fit na fit ang suot na polo na kulay itim at pinarisan ng itim ding jeans. Sino ba ang guwapong nilalang naito? Bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya ngayon nang ganoon? “Mabuti at dumating ka na, Kuya Louie. Iyang asawa mo nababaliw na yata at muntikan pang tumakas dito sa ospital dahil uuwi raw siya sa pamilya niya!” may inis na sumbong ni Sabrina kay Louie. Asawa? Bakit sinasabi nilang asawa ko ang guwapong ito? tanong niya sa sarili. “Gia, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Louie sa kaniya. Tinanguan na lang niya si Louie bilang pagsang-ayon.“B-bitiwan n’yo ako,” pakiusap niya sa mga humawak sa kaniya. “Let her go. I can handle her,” utos ni Louie sa mga humawak sa kaniya. Nagkatinginan naman ang guard at tumuon ang paningin sadoktor na waring tinatanong kung gagawin ba nila ang inuutos ni Louie. “Follow what Mr. Montevasco said,” sabi ng doktorsa dalawang guard. Binitiwan na siya kaagad ng dalawang guard saka siya nilapitan ni Louie at hinawakan siya nang magaan sa braso. “Gia, you still need rest and you still can't leave your room and visit your family. We will go to them when you are sure that you are well,” sabi ni Louie sa kaniya. “Huwag mo akong hawakan,” mahinang tugon niya kay Louie. “Gia—” “Hindi kayo ang kailangan ko!” sigaw niya saka tinulak si Louie at nagmamadaling tumakbo. “Oh, my God! She's running away!” sigaw ng ina ni Louie. “Gia!” tawag naman sa kaniya ni Louie. Pero hindi niya pinakinggan ang tawag sa kaniya ng mga taong iyon at patuloy siyang nagtatakbo palayo dahil ang tanging gusto niya ay makauwi at makasama ang pamilya at sa tingin niya ay sila ang makakasagot ng lahat ng katanungan niya, hindi ang mga estrangherong tao na humahabol sa kaniya. “Gia!” Narinig niyang tawag ni Louie sa malakas ang boses. Napalingon si Giana at nakita niyang tumatakbo si Louie para habulin siya kasama ang ilang nurse at isang guard. “Hindi! Kailangan ko silang matakasan!” sigaw ng isip niya. Kaharap ng ospital ay isang malaking highway at tatakbo na sana siya patawid nang mapahinto siya at makaramdam ng pagkaantok. “Iyong tinurok sa akin kanina na pampakalma raw ay marahil ay pangpatulog,” hinuha niya sa isip. Subalit habang may malay pa si Giana ay patuloy pa rin siyang naglakad hanggang nasa harap na siya ng highway at nagmamadaling tumawid. “Giana, no!” sigaw ni Louie. Pero desidido na si Giana hangga’t may malay pa siya at kaya pa niyang makalayo sa mga estrangherong iyon ay gagawin niya kaya nagmamadali siyang tumawid kahit hindi siya sigurado kong ligtas ba iyon. Narinig niya ang malalakas na busina ng sasakyan na iniwasan siya at sunod-sunod na iyon kaya napalingon siya sa paparating na rumaragasang sasakyan pabunggo sa kaniya. Nagulat na lang siya nang may malakas na puwersang humila sa katawan niya at kinaladkad siya ng dalawang kamay na iyon sa balikat niya paalis sa highway. “s**t, Giana! You almost got hit by a car!” galit na sabi ni Louie sa kaniya. Unti-unti nang bumibigat ang mga mata niya at hindi na makayanan pang pigilan iyon. “B-bitiwan mo ako. H-hayaan mo akong makauwi sa amin,” sabi niya kahit sa mahinang boses. “Sinabi ko na sa’yong hindi pa puwede dahil hindi ka pa lubusang magaling!” inis na tugon ni Louie. Tinignan ni Giana si Louie kahit lumalabo na ang paningin niya. “L-Louie,” tawag niya rito saka tuluyang bumagsak ang talukap ng mga mata niya at nalukobna siya ng kadiliman at pagkahimbing.   --- NADALA na ni Louie si Giana sa kuwarto nito kasama ang kapatid at kaniyang ina. Napabuntonghininga si Louie. Kanina lang ay sobrang kinabahan siya dahil muntikan nang masagasaan ang asawa dahil gusto nitong takasan sila at umuwi sa pamilya. Naguguluhan si Louie kung bakit ganoon ang inaasta ng asawa at nag-aalala rin dito. Isang buwan din na-coma ang asawa matapos mabunggo at maoperahan ang ulo dahil nabagok ito sa pagkakabangga at wala namang ibang naging injury si Giana kundi iyon lang at wala ring naging bale sa buto nito. Malakas lang ang pagkakauntog ng noo nito sa window frame ng kotse at nagkaroon din ng bubog ang asawa sa ulo, na malalim ang pagkakatarak kaya kinailangang operahan. Pinag-alala siya ni Giana lalo nang ma-coma ito nang isang buwan kaya noong tinawagan siya ng ina at binalita na gumising na raw si Giana ay kaagad siyang nagpa-schedule ng flight pauwi galing Singapore na kinabukasan ang schedule ng alis. May trabaho kasi siyang inasikaso doon kaya kinailangan muna niyang iwan ang asawa sa pangangalaga ng ina at kapatid. Nang makarating siya ng Pilipinas ay kaagad siyang nagpadiretso sa driver sa ospital at pinauwi na lang ang mga gamit niyang dala sa bahay nila mag-asawa. Bumukas ang pinto at pumasok ang ina niya kasunod si Sabrina. “Anong sabi ng doctor sa sitwasyon ni Giana, Mom? Bakit nagkakaganoon siya?” tanong ni Louie sa ina. “Sabi ni Doc, ay natural lang daw iyon sa mga taong galing sa coma. Nakakaranas sila ng disoriention, agitation, anger, impulsiveness, or they’ll be extremely emotional. At ilan iyon sa naranasan ni Giana, pero sandali lang naman iyon at sa tagal-tagal ay aayos din ang lagay ng asawa mo,” tugon ng ina niya. Nakahinga naman si Louie nang maluwag.  “Hindi kaya dahil sa pagkakabagok ni Ate Giana ay naalog ang utak niya at nabaliw na,” sabat naman ni Sabrina. Masama niyang tinignan si Sabrina at nawala naman ang ngisi nito sa labi. “Mabuti pa sigurong umuwi na kayo, Mom, Sab. Magpahinga na po kayo at ako nang bahala kay Giana. Salamat po, Mom, Sab,” aniya. “Ikaw ang kailangan ng pahinga, Louie.Galing ka pa sa Singapore at dito ka dumiretso,” tutol naman ng ina niya. “Dito na lang po ako magpapahinga, Mom, kaya umuwi na po kayo,” aniya. “Oo nga, Mom.Umuwi na tayo at may lakad pa tayo bukas, hindi ba? We need to rest,” ayon naman ni Sabrina. “Sige, anak, tawagan mo na lang kami kapag kailangan mo ulit ng magbabantay kay Giana at kung anong lagay ng asawa mo.” “Opo, Mom,” tugon niya. “Oo nga pala. Iyong parents ni Giana, kailan ba ulit dadalaw rito? Hinahanap pa naman sila ng asawa mo nang magising kahapon,” tanong ni Mama. “Tinawagan ko na po sila at sabi ni Mama ay bukas daw dadalaw siya,” tugon niya. “Mabuti naman,” tugon ni Mama. “Magpahinga ka na muna, anak, habang tulog pa si Giana.” Tumango lang siya sa ina. “Aalis na kami,” paalam nito. “Bye, Kuya,” paalam naman ni Sabrina. “Ingat kayo,” bilin niya. Nang makaalis ang ina at kapatid ay nilapitan ni Louie ang nahihimbing na si Giana at nagulat siya nang biglang ngumiti ito kahit natutulog. “She’s smiling,” aniya at nakadama siya ng matinding kalungkutan saka hinawakan ang kamay ng asawa. Matagal nang hindi nakikita ni Louie na ngumiti ang asawa. Iyong ngiting totoo ni Giana na ngayon niya lang ulit nakita at natutulog pa ngayon ito. Lumapit ang labi ni Louie sa labi ng asawa at binigyan niya ito ng mabilis na halik saka hinaplos ang pisngi ng asawa at bigla na lang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD