ISANG malinis at malawak na pool ang nabungaran ni Giana sa ibaba at sa paligid ng pool ay mga kulay berding halaman na dumagdag sa kagandahan ng paligid. May mha puno rin na hindi naman kalakihan pero dumagdag iyon sa kagandahan ng paligid ng pool. “Grabe, Iyang! Paano ka nakapangasawa ng mayaman? Anong kembot ang ginawa mo para makatuhog ka ng kasing-yaman ni Louie?” tanong niya sa sarili na lumabas mismo sa bibig niya. Pero pumasok sa isip niya ang pakikitungo ni Louie sa kaniya at kung paano siya nito pinagsalitaan ng masasama at ikinulong sa cabinet. Nagbanta pa nga si Louie sa kaniya kanina. “Paano nga ba ako nagkagusto at nagpakasal sa taong kagaya ni Louie? Paano nakalagpas sa akin ang ganoong ugali ng isang lalake samantalang ang pagkakaalam ko, ay hindi naman ako mahilig sa ma

