ILANG-ARAW nang natahimik ang buhay ni Giana dahil matapos ang pag-aaway nila ni Louie patungkol sa pagbabawal nito na tawagan niya ang mga magulang ay hindi na ito lumabas ng buong maghapon sa kwarto at nang puntahan niya dahil ginabi siya sa pakikipagkuwentuhan kay Juana at pagtuturo rin nito sa kaniya kung paano gamitin ang cell phone niya na bigay ni Louie ay mahimbing na itong natutulog. Kinabukasan ay nagtrabaho na si Louie at gabing-gabi na ito nakauwi kaya tulog na rin siya at paggising niya naman kaninang umaga ay wala na si Louie dahil maagang umalis. Mas palagay si Giana kapag wala sa paligid ang asawa dahil sa tingin niya ay ‘konting pagkakamali lang ang nagagawa niya ay nagagalit na kaagad ito at natatakot din siya sa asawa pero nakakaramdam din siya ng kakaiba kapag kapilin

