Prologue

426 Words
PILIT na minulat ni Giana ang mga mata kahit dama niya ang hilo at sobrang sakit ng ulo. Naksubsob ang mukha niya sa manibela ng sasakyan at may kung anong likidong dumadaloy mula sa ulo hanggang mukha niya at nang unti-unting iangat ang ulo ay basag na salamin sa harap ng sasakyan ang nakita sa paglilinaw ng mga mata niya. Maraming tao sa labas na nakikiusyoso at naririnig pa ni Giana na nag-uusap ang mga ito subalit lumalabo ang paningin niya at dama ang sakit nang buong katawan na halos hindi magalaw. Gustong magsalita ni Giana at humingi ng tulong ngunit walang lumalabas sa bibig niya na kahit ng boses at halos hindi rin niya maibuka ang bibig. “Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nandito?” iyon ang tanong sa isip ni Giana. Muli ay napasubsob ang ulo ni Giana sa manibela at nagdilim nang tuluyan ang paningin. Narinig pa niya ang maingay na bulungan ng mga tao sa paligid at busina ng mga sasakyan bago siya tuluyang nawalan ng malay.   Hindi alam ni Giana kung ilang oras na ba siyang nawalan ng malay subalit nang muling dahan-dahan niyang imulat ang mga mata ay nakahiga na siya at nanlalabo ang matang nakikita ang mga liwanag ng ilaw sa kesame na panay ang galaw dahil na rin sa hinihigaan niyang itinutulak. Gusto na naman niyang magsalita pero wala pa rin lakas ang bibig niya at wala rin lumalabas na boses sa kaniya. Mga nakaputi ang nasa paligid niya na nagtutulak ng hinihigaan at nakita niyang napatingin sa kaniya ang isang babae na puti rin ang suot. “Doc, nagkamalay po ang pasyente!” sabi ng babaeng nakasuot ng puti. May isang kwarto kung saan siya ipinasok at kaagad na lumapit ang nakaputing lalake sa kaniya na tinawag ng nakaputing babae na Doc. “Mrs. Montevasco, anong nararamdaman mo? Masakit ba ang ulo mo? Nararamdaman mo ba ang katawan mo?” sunod-sunod na tanong ng doktor sa kaniya. Hindi nagawang sumagot ni Giana pero naramdaman niyang bumuka na kahit konti ang bibig niya.  May hawak ang doktor na umiilaw at inilapat iyon sa mga mata niya habang binubuka ng Doktor ang talukap ng mga mata at tumingin doon. Hindi pa rin ni Giana maintindihan ang nangyari sa kaniya pero hindi niya maramdaman ang buong katawan at waring namamanhid na ang pakiramdam niya. Naguguluhan man si Giana, ay wala naman siyang magawa dahil hindi rin siya makapagtanong at mayamaya ay nawalan na naman siya ng malay at hindi na alam kung ano na ang sumunod pang nangyari.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD