UMIWAS ng tingin si Giana sa asawa at hinayaan na lang ang pagyakap ni Louie sa kaniya. Hindi na niya magawang magsalita pa dahil baka umiyak lang siya sa sakit na nadarama at mas lalong sumaya si Louie na makita ang pagtangis niya. “I will admit that I felt happy when Nanay Cora told me that you were jealous of Bettina, but I still want to hear from you the truth. Did you feel jealous of Bettina? Tell me, Giana,” tanong ni Louie sa kaniya. Napabuntonghininga si Giana para alisin ang bara sa dibdib niya. “Hindi naman masamang makaramdam ako n’on kasi asawa pa rin kita. Selos nga yata ang naramdaman ko dahil nakita ko na hinalikan ka ng ibang babae at ang sweet mo pa sa kaniya,” amin niya. Kinagat ni Giana ang labi para hindi tuluyang maiyak. “At kung paulit-ulit mong gagawin iyon p

