Chapter 5

2598 Words
“YOUR wife is experiencing memory loss because of the accident that happened to Mrs. Montevasco and the brain injury she sustained. The thing Mrs. Montevasco remembers is when she was nineteen years old and the other events that followed there she can no longer remember,” paliwanag ng Doktor kay Louie at sa Mama ni Giana. Matapos ang mga test kay Giana ay iyon ang sinabi ng Doktor habang nasa kwarto naman sila ng asawa at nandoon din ito at tahimik na nakikinig. “Nangyayari ang ganoong memory loss sa mga nakakaranas ng aksidente at nagkakaroon ng injury sa ulo. What your wife is going through is only natural because her shock of the accident may not have subsided because of injury,” mahabang paliwanag ng General physician ni Giana. “May ganoon ba talaga na nangyayari, na ang tanging naalala lang niya ay noong nineteen years-old siya? Parang hindi naman kapani-paniwala ang sinasabi niyo!” inis na tanong ni Louie. “Mr. Montevasco, ang kailangan ngayon ni Mrs. Montevasco upang gumaling siya ay ang pagsuporta at pag-iintindi mo bilang asawa niya. Hindi magtatagal ang kalagayan ng asawa mo at babalik din siya sa normal,” tugon ng Doktor sa kaniya. Hindi na nagsalita si Louie at muling tinignan si Giana na punong-puno ng kaguluhan ang emosyon ng mukha. --- UMALIS na ang Doktor at naiwan si Giana, ang Mama niya at si Louie na asawa raw niya ayon sa Mama niya. Mukhang alalang-alala ang Mama niya at nakatingin ito sa kaniya habang ang asawa niya ay nakakunot ang noo saka bumuntonghininga at umupo sa sofa. “Mama,” tawag niya sa ina kaya nilapitan siya nito. “Totoong-totoo na talaga ito at totoong asawa ko ang taong iyan?” hindi pa ring makapaniwalang tanong niya sa ina. “Oo, Iyang. Si Louie ay talagang asawa mo saka hindi ka na nineteen years old ngayon kundi twenty-seven years old ka na,” tugon ni Mama. Nanlaki ang mga mata ni Giana sa gulat nang sinabi ng ina kung ilan-taon na siya at hindi makapaniwala. “Twenty-seven years old na ako?” bulalas niya. “Paanong nangyari na natulog lang ako pagkatapos paggising ko ay malaki na ang agwat ng edad ko?” “Didn't the Doctor say to you earlier why you're like that? You have memory loss. That's why you are like that!” inis na sabat ni Louie. “Alam ko! Hindi lang ako makapaniwala dahil ang natatandaan ko lang naman ay noong nasa edad akong nineteen, ni hindi pa nga dumarating ang birthday ko para maging bente! Kahit siguro ikaw ay lumagay sa kalagayan ko ay ganoon din magiging reaksiyon at sasabihin mo, ‘no! Ang epal nito hindi naman siya ang kausap!” inis na tugon niya kay Louie. “What?” inis na bulalas ni Louie. “What-what-tin mo mukha mo! Panay ang English, Pilipino naman at dito naman sa Pilipinas nakatira! Masiyadong pa-feeling sosyal!” inis na sabi niya. Nagsalubong ang kilay ni Louie at masama siyang tinignan. “Iyang, huwag mo namang ganiyanin ang asawa mo. Siguradong nag-aalala rin siya sa kalagayan mo,” sita ni Mama sa kaniya. “Hindi naman halata! Kanina pa nga gigil na gigil sa akin ang lalaking iyan, eh!” inis na tugon niya. Tumingin si Mama kay Louie. “Pasensiya ka na, Louie. Mukhang totoong nagbalik sa pagkabata si Iyang dahil sa ugali niya ngayon at kasungitan niya na mayroon noong bata-bata pa siya,” sabi ni Mama kay Louie. Humalikipkip siya at masamang tinignan si Louie. Humingi pa tuloy ng pasensiya si Mama samantalang kasalanan naman ni Louie kaya ganoon ang pakikitungon niya rito. Sinaktan pa siya nito dahil ayaw lang siyang pauwiin. “Lalabas lang ako para bumili ng pagkain,” paalam ni Louie saka muling tumingin sa kaniya. Hindi na nakakunot o salubong ang kilay ni Louie nang tignan siya pero malamig ang pagkakatingin nito sa kaniya. “Baka may gusto kang pagkain at bibilhin ko?” tanong nito sa kaniya. “Pancit canton! Iyong kalamansi at may itlog na sunny side up. Masarap pang-agahan iyon!” masigla at nakangiting tugon niya kay Louie. “Wala naman paglulutuan ng pancit canton dito, anak. Ibang pagkain na lang,” sabat ni Mama. Napanguso si Giana. “Kasi tinanong niya ang gusto kong kainin at iyon ang pumasok sa isip ko kasi kahapon sabi ni Kuya Gio, ay agahan daw na ihahanda niya ay ang paborito naming pancit canton na may itlog,” tugon niya. “Hindi pala kahapon. Bago mawala ang alaala ko,” pagtatama niya. “Sige. Kung iyan ang gusto mo ay magpapaluto na lang ako sa cafeteria ng Ospital,” payag ni Louie. “Thank you. Medyo naging mabait ka na sa paningin ko ng slight,” nakangiting sabi niya. Kumunot na naman ang noo ni Louie pero hindi na ito nagsalita saka tumingin kay Mama. “Ikaw po, Ma? Anong agahan gusto niyo?” tanong ni Louie. “Kape at tinapay na lang sa akin,” tugon ni Mama. Tumango lang si Louie saka umalis at iniwanan sila. Lumapit si Mama sa kaniya at umupo sa upuang katabi ng kama niya. “Paano ko naging asawa ang taong iyon, Mama? Oo guwapo siya at mukhang papasa naman sa panlasa ko pero mukhang masama ang ugali niya saka laging nakakunot ang noo at salubong ang kilay. Ang alam ko, hindi ako mahilig sa mga lalaking laging nakasimangot at ang mga tipo ko iyong mahilig ngumiti at masayang kasama. Mukhang boring naman kasama ang taong iyon at parang palaging seryoso sa buhay,” usisa niya sa asawa. “Hindi ko alam sa’yo, Iyang. Dahil ikaw naman ang niligawan ng asawa mo noon at mabuting tao ang asawa mo,” nakangiting tugon ni Mama sa kaniya. Iyong ngiting mukhang natutuwa sa inaasta niya ngayon. “Niligawan pala ako ng lalaking iyon? Paano ako napasagot ng taong iyon sa ganoong itsura niya, na laging nakakakunot ang noo at salubong ang kilay? Parang mas gugustuhan ko pang jowai si Sandrong–negro dahil sa sense of humor niyon kaysa kay Louie,” aniya. Natawa naman si Mama sa sinabi niya. “Mama naman! Bakit mo ako pinagtatawanan!” inis na sita niya sa ina. “Natawa lang ako kasi mas kakayanin mong maging nobyo si Sandro kaysa sa asawa mo pero noong niligawan ka niya ay hindi pa umaabot ng isang oras ay binasted mo na siya at pinauwi,” anito. “Niligawan ako ni n***o?” gulat na tanong niya. “Oo, anak. Bente-uno anyos ka noon at inasar ka pa nga ng mga kapatid mo kaya inaway mo si Sandro at binantaan na huwag nang pupunta sa bahay para umakyat ng ligaw,” kuwento ni Mama. “Ang lakas ng loob!” bulalas niya. “Mabuti at hindi siya inaway ni Kuya Gio! Akala ko takot siya kay Kuya?” aniya. Nawala ang ngiti ni Mama at umiwas ng tingin sa kaniya na ipinagtaka niya. “Mama?” tawag niya sa ina. “Wala kasi ang Kuya mo kaya naglakas-loob siyang manligaw,” tugon ni Mama. “Saan pumunta si Kuya?” tanong niya. “Sa malayong lugar,” tipid na tugon ni Mama saka nginitian siya pero may lungkot ang mga mata nito. “Malayong lugar? Sa abroad po ba, Mama? Natuloy ang planong pag-abroad ni Kuya?” tanong niya. Tumango lang si Mama saka muling hinaplos ang pisngi niya at kitang-kita sa mga mata ng ina ang kalungkutan na ipinag-alala niya. “Huwag na kayong mag-alala sa akin, Mama. Ayos na ayos na ako kaya huwag na kayong malungkot,” sabi niya sa ina. “Hindi mo maiaalis ang pag-aalala ng isang ina, anak. Pero alam ko naman na hindi magtatagal ay mawawala itong pag-aalala ko,” tugon nito sa kaniya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ng ina saka hinaplos iyon. “Mama, sorry po kasi pinag-alala ko po kayo at umiyak ka pa kanina dahil sa naging kalagayan ko,” hingi ng tawad sa ina. “Iyang,” umiyak na bulalas ni Mama sa palayaw niya at niyakap siya ng mahigpit. Narinig ni Giana ang pag-iyak ng ina habang yakap-yakap siya kaya niyakap na rin niya ito at hinaplos ang likod ng ina. Nang dumating si Louie ay dala na nga nito ang pagkain na hiniling ni Giana sa asawa at kaagad na maganang kinain niya iyon habang masayang pinagmamasdan siya ng ina na umiinom ng kape at si Louie naman ay nakaupo pa rin sa sofa at seryosong nag-aagahan din. “Mama, kung tumanda na ang edad ko ay ibig sabihin po ba nag-matured na ako?” tanong niya sa ina. “Oo, anak,” nakangiting tugon ni Mama. Bumaba si Giana sa kama at nagpunta ng banyo para tignan ang sarili sa salamin doon at nanlaki ang mga mata niya sa itsura niya. Mayroon si Giana na mahabang buhok na curly subalit napakalambot tignan. Hinawakan pa iyon ni Giana at napagtanto niya talagang napakalambot ng buhok niya na hindi katulad ng natatandaan niyang matigas at dry na lagi pa niyang itinatali para maitago ang kulot niyang buhok. Heart-shape ang mukha niya na hindi katulad noong nine-teen years old siya na medyo chubby at kahit ang katawan niya ngayon ay ang sexy at hindi man kalakihan ang dibdib ay hindi naman iyon nabawasan ang ka-sexy-han niya. Maputi at makinis na rin ang balat ni Giana ngayon na sa tingin niya ay alagang-alaga at wala na siyang kahit anong peklat sa tuhod na noon ay mayroong isa at medyo hindi siya kaputihan dahil sa pagiging gala. Ngayon na nakikita ni Giana sa salamin ang pagbabago ng itsura niya ay hindi maiwasang makadama siya ng paghanga sa kagandahan niya ngayon. “Oh, my God!” sigaw niya na ikinagulat ni Louie at napatayo ito saka lumapit sa kaniya. “What happen?” tanong nito sa kaniya. Napatingin siya kay Louie na abot-tenga ang ngiti na kahit nakakunot na naman ang noo nito ay hindi na niya alintana. “Ang ganda ko!” bulalas niya. “Ang ganda-ganda ko na ngayon,” masayang sabi niya kay Louie. “What the—“ Hindi itinuloy ni Louie ang sasabihin sana at iritadong ginulo ang buhok pero kagaya noong una ay hindi pa rin niya ito alintana. Basta masaya siya sa pagiging maganda niya. Nakangiti naman ang ina na nagmamasid sa kaniya. “Mama, nawala na rin ang mga tagihawat ko sa mukha at hindi na ako chubby!” masayang sabi ni Giana sa ina. “Matagal nang nawala, Iyang. Simula nang nagtrabaho ka dahil talagang inaalagaan mo ang balat mo,” nakangiting tugon ni Mama. “Hindi ko akalain na aarte rin pala ako sa balat ko? Samantalang noong bata pa ako kahit magkandasugat-sugat kakatakbo sa kalsada at maging negra dahil hindi nagpapayong kahit tanghaling tapat, ay wala akong pakealam,” natatawang sabi niya. “Ganoon talaga kapag nagdadalaga na kaya nga niligawan ka ni Sandro dahil mas gumanda ka lalo,” nakangiting tugon ni Mama. “Siguro ang laki na rin ng pagbabago nina Kuya at Henry ngayon, Ma, ano? Saka si Papa at ilan ko pang mga kapatid. Baka kagaya ko ang gaganda na rin nila Arealli at Henrieta,” nakangiting sabi niya at nakadama ng kasabikang makita ang mga kapatid. Nawala na naman ang ngiti ni Mama na ipinagtaka niya saka umiwas ng tingin sa kaniya. “Oo, Iyang. Ang gaganda at ang gaguwapo ng mga kapatid mo na ngayon,” tugon ni Mama. Nagtataka pa rin siya sa inaasta ng ina kapag nababanggit ang Kuya niya at ngayon pati nga kapatid at Papa niya pero hindi naalis ang kasabikang makita ang mga ito. “Mama, bakit hindi po sila sumama sa inyong dumalaw sa akin? Hindi ba nila alam na naaksidente ako?” tanong niya sa ina saka lumabas ng banyo. “Nag-aalala sila kaya lang ay mga abala rin naman sila saka lagi ko naman silang binabalitaan habang nandito ako,” tugon ni Mama saka bumalik sa upuan nito at umupo. “Halika na nga rito, Iyang, at magpahinga ka na ulit,” utos nito sa kaniya. “Gusto ko rin silang makausap at makita kagaya mo, Mama,” aniya. Nilapitan niya ang ina saka umupo sa kama. “Makikita mo rin sila, anak. Sa ngayon ay magpagaling ka na munang mabuti para may lakas kang makita sila,” nakangiting tugon ni Mama. Ngumiti naman si Giana sa sinabi ng ina. “Tiyak ko magugulat sila kasi ang ganda ko na—“ “—ah, oo nga pala. Alam na pala nila. Ako lang ang nagulat kasi nagkaroon ako ng memory loss,” sabi niya sabay tumawa. Natawa naman si Mama sa sinabi niya habang si Louie naman ay mukhang gulat na gulat na nakatingin sa kaniya. “Anong tinitingin-tingin mo diyan?” sita niya kay Louie. Nagsalumbong na naman ang kilay ni Louie saka umiwas ng tingin sa kaniya at tumutok sa hawak na cell phone. “Biglang nagka-pride at umiwas ng tingin sa akin, eh, halata namang gandang-ganda sa akin,” bulong niya. “I heard that,” tugon ni Louie sa kaniya. “Hmmp! Ewan ko sa’yo!” tugon niya saka pinaulanan ng irap ang asawa. KINABUKASAN ay dinalaw na naman si Giana ng Doktor na may kasamang Nurse para palitan ng gasa ang sugat niya sa ulo at sinuri pa iyon ng Doktor kaya medyo natagalan ito sa kwarto niya. “Malapit na siyang gumaling at sa tingin ko ay maari ka na ring makauwi, Mrs. Montevasco. Mamaya ay may mag-MRI ka at ilan pang checks-up at kapag normal pa rin ang naging result ng lahat ay makakauwi ka na bukas,” nakangiting balita ng Doktor sa kaniya na ikinangiti naman niya kaagad. “Talaga, Dok? Makakauwi na ako?” masayang tanong niya. “Oo. Pero kailangan mo pa ring magpahinga habang nasa bahay ka lalo na at hindi pa rin bumabalik ang alaala mo,” tugon sa kaniya ng Doktor. “Ayos lang iyon. Ang mahalaga ay makauwi na ako,” nakangiting tugon niya. Ngumiti lang ang Doktor at Nurse sa kaniya saka na tuluyang umalis ang mga ito at doon niya hinarap ang ina. Wala si Louie paggising niya at ang sabi ni Mama ay may mahalaga raw inasikaso pero hindi pa rin ito bumabalik kahit matapos ang tanghalian. Mas ayos naman sa kaniya na wala si Louie dahil pakiramdam niya ay hindi ito natutuwa sa kaniya at nakakadama siya ng inis sa pagiging ganoon sa kaniya ng asawa. “Mama, makakauwi na ako bukas!” masayang sabi niya sa ina. “Makikita ko na rin sila Papa at mga kapatid ko!” Mapalad siyang ngumiti. “At, Ma, ipagluto niyo ako ng paborito kong adobong pusit dahil miss ko nang kainin iyon,” hiling niya sa ina. Nakatingin ang Mama niya sa kaniya at may pag-aalala sa mukha nito. “Pero, Iyang, hindi ka sa amin uuwi kundi sa asawa mo,” tugon ni Mama na ikinawala ng ngiti niya. “Pero, Mama, hindi ko naman siya nakikilala saka parang hindi naman niya talaga ako gusto kahit mag-asawa kami,” tugon niya sa ina. “Ipagkakatiwala niyo ba ako sa taong hindi ko naman nakikilala?” tanong niya sa ina. Bumukas ang pinto at napatingin siya sa taong pumasok na may malamig na tingin sa kaniya at hindi man lang siya nginitian kahit saglit. Hindi niya alam pero nakakadama siya ng munting kirot sa pagiging malamig nito sa kaniya at isa iyon sa hindi pamilyar na nagpapagulo rin sa isip niya. Kung bakit may ganoon siyang pakiramdam?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD