NANIGAS ang buong katawan ni Giana at sobrang sakit ang nadarama dahil sa mga sinabi ng Papa niya. Wala nang tigil ang mga luha sa mga mata niya habang tulalang nakatingin sa ama, na kahit ‘konting pagmamahal ay walang makikita sa mga mata nito. Nagtatanong sa sarili kung bakit naging ganoon ang ama sa kaniya, na kilala niyang mapagmahal, malambing at mahabang pasensiya na ama para sa kanilang magkakapatid at kailan man ay hindi nakita ni Giana na nagalit ito nang ganoon sa kanila. “Umalis ka na at huwag mo nang guluhin pa ang buhay namin!” galit pa ring taboy sa kaniya ng ama. “A-anong nangyayari, Papa? Bakit niyo ako ginaganito?” hindi makapaniwalang tanong niya sa ama. “Hindi dapat magmula sa’yo ang tanong na iyan! Hindi ba dapat sa amin? Na anong naging pagkukulang namin sa inyo pa

