“LOUIE, gusto ko sanang magpunta ng mall para mag-grocery at bumili ng sanitary napkin ko. Mayroon na kasi ako ngayon at naubos na ang stock ko,” paalam ni Giana sa asawa na ngayon niya ang necktie. “Sige, magpasama ka na lang kay Juana para may tutulong sa’yo mag-grocery,” payag ni Louie. “Okay,” nakangiting tugon niya. “Pahingi ako pera.” Inilahad niya ang palad sa asawa na ikinangiti nito. Kinuha ni Louie ang wallet sa bulsa saka may kinuhang card doon at inabot sa kaniya. “Alam mo naman nang gamitin iyan at tinuruan na kita kaya iyan na lang gamitin mo,” anito. “Okay.” Ngumisi si Giana sa asawa. “Lagot ka! Uubusin ko ang laman nito,” pananakot niya sa asawa. “I don't have a problem spending the money there, but you can hardly spend it in just one day,” nakangiting tugon ni Lo

