NASA biyahe na si Louie pauwi sa bahay nang makatanggap na naman siya ng tawag mula sa kasambahay. Hindi na lang muna niya iyon sinagot dahil nagmamaneho siya at malapit na rin naman siya sa bahay kaya pinabayaan niyang tunog iyon nang tunog. Pagdating ni Louie sa bahay at pagpasok ng kotse sa loob ng gate ay nakaabang na si Juana sa labas ng pinto na ipinagtaka niya saka lumabas siya na nakakunot ang noo sa dalaga. Bakas kay Juana ang matinding pag-aalala at nang makita siya nito ay nagmamadali siyang lumapit. “Sir, kanina pa po kita tinatawagan. Gusto po sana naming buksan na lang gamit ng susi ang kwarto ni Ate Giana kaya magpapaalam sana kami sa’yo kaya lang hindi niyo naman po sinasagot ang tawag ko,” salubong sa kaniya ni Juana. “Hindi pa rin ba hanggang ngayon binubuksan ni Gia

