“Jen. Mapapagalitan tayo ng kuya mo.” ani Maxine ng makitang hila hila na ni Jenvive ang maleta nito. “Ayoko na talaga Ate Max. Hindi puwede na mag kukulong nalang tayo dito. Ayoko ng ganitong buhay na nagtatago. Sayang naman ang mga binabayad ni Kuya sa mga bodyguard natin kung nagtatago lang tayo dito.” “Pero sabi ng Kuya mo uuwi na din naman tayo bukas ng umaga. Mag hintay nalang muna tayo.” “Ayoko na and beside if ever na makasalubong ko man si Papa. Im sure di nya ako sasaktan anak nya ako.” “Pero minsan ka na nyang ginawan ng masama.” “Noon yun Ate Max hindi naman na naulit you see kahit naka drugs sya noon di naman natuloy kasi nga anak nya ako.” “Pero ———— “Please ate hayaan mo na ako. Mag iingat ako promise susunod naman agad kayo diba.” Wala ng nagawa si Maxine ng sumakay

