Daig pa ni Maxine ang atungal baka ng makita ang anak na nakatayo sa harapan nya. Di nya alam kung paano ito hahawakan. Sobrang baby palang nito ng huli nya itong makita pero heto ngayon ang laking bulas at sobrang guwapo pinaghalo ang mukha nila ni Marco. Hindi nya ito nakita kagabi dahil nawalan ulit sya ng malay. Nagising sya nasa hospital na sya nagulat pa sya ng malaman na mahigit 3 years na pala syang nakatulog at ngayon 4th birthday na ng anak nila ni Marco at mag aaral na din pala ito sa isang private school. Pinipilit syang patahanin ni Marco na umiiyak na rin gaya ni Jenvive at manag Hilda na nasa loob ng hospital room nya. Umiiyak sya dahil namghihinayang sya na di man lang nya na subaybayan ang paglaki nito. Akala nya saglit lang syang nakatulog pero taon na pala halos 4 na

