TEASER

292 Words
Rebellious. 'Yan ang tingin ng mga magulang kay Yumi. Kabaligtaran sa totoo niyang pangalan na Mayumi. Palagi rin siyang ikinukumpara sa kaniyang Ate Vianah. Ito ang mas matalino. Ito ang mas magaling. Halos lahat nga ng pabor mula sa kanilang mga magulang ay narito na. Kaya naman kabaligtaran ang ginagawa niya. Sinusuway niya ang gusto ng mga magulang nila. Isang gabi, pakiramdam ni Yumi, patapon na ang buhay niya. Pakiramdam niya, wala ng kuwenta. Iyong anxiety niya mas pinalala pa ng nararanasan niya sa pamilya niya. She decided to end her life. Pero hindi siya nagtagumpay dahil sa lalaking bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan at nagligtas sa kaniyang pagtatangka. Buong araw at buong gabi na hindi siya niyon iniwan para lang masiguro na hindi na niya uulitin ang ginawa niyang kapangahasan. At ang gabing iyon ay nagbunga pa ng isang mainit na tagpo sa pagitan nila ng guwapong estranghero. Akala ni Yumi, hindi na sila magkikita pa ng lalaking iyon. Hanggang sa dumating ang kinatatakutan ni Yumi. Iyon ay ang kontrolin ng mga magulang niya ang buhay niya. Tutal, pasaway siyang anak. Mas maigi pa raw na mag-asawa na siya at baka tumino pa siya. Pero papayag ba naman siya na magpatali at magpakontrol sa mga magulang niya? Hindi. Kaya naman tumakas siya na lingid sa kaalaman ng lahat. Pero hindi niya inaasahan na may hahabol sa kaniya. At ang mas nakakagulat? Hinding-hindi makakalimutan ni Yumi ang guwapong mukha na iyon. Mukha ng lalaking pinagbigyan niya ng kaniyang unang karanasan. Dinala pa siya nito sa isang pribadong isla matapos siyang paamuyin ng pampatulog. Pero ang higit na nakakawindang? Ito pala ang tinakasan niya na lalaking itinakda sa kaniya! "Don't you dare to runaway again from me, my dearest fiancee."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD