Chapter 6

1597 Words
Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit kahit anong gawin nyang piglas dito hindi siya nito hinahayaan na makalayo. "Please, Austin maawa ka sa asawa mo, kahit na sinong babae hindi gusto ang ginagawa mo!" Aniya rito, pinahid niya ang luha gamit ang palad at humarap dito, lumuwag na rin ang higpit ng yakap nito sa kanya, hinawakan niya ito sa buhok at inayos, tinitigan nita ito sa mga mata wala ni isa na gustong magsalita sa kanila tila gustong namnamin ang bawat sandali, lumambot ang ekpresyon ng mukha nito ng pinagdikit niya ang kanilang noo. "Please, let me go, I don't deserve this, I deserve better!" Ipinikit nito ang mata maya maya lamang tumulo ang luha nito sa mata at hindi na napigilan ang luha na gustong kumawala. Yumugyog ang balikat nito at kinabig siya payakap. "I'm sorry, Zav!" Bulong nito sa kanya. "I'm an asshole!" Patuloy nito habang sinisisi ang sarili, hindi na niya rin napigilan ang kanyang luha, mahal niya ang binata ngunit may mas mahal na siya ngayon hindi nila pwedeng ipagpatuloy ang kanilang pag iibigan sapagkat hindi ito tama, kung ang tanging paraan ay ang paglayo rito hindi siya sa magdadalawang isip upang maging maayos ang kanilang buhay at walang matapakan o masaktan na ibang tao. "Palayain na natin ang isa't isa upang hindi na tayo makasakit pa!" Niyakap niya ito ng mahigpit. "I ... really love you, Zav ... , I really ... do!" Anito sa pagitan ng pag hikbi. "Ssssshhhhh!" Alo niya sa binata. "Since we parted our ways, please learn to love your wife!" Tumango ito sa kanya pagkatapos pinunasan nito ang luha sa mga mata at tumingin sa kanya ng masinsinan, maya maya pa ay kinabig siya nito at hinalikan sa mga labi, masuyo at malalim, napapikit ang mga mata nyang hilam sa luha, kapwa sila hingal ng bumitaw sa isa't isa. "You are still my greatest love!" Tumango siya upang sumang ayon dito. "You too, I already forgave you Austin!" Madamdaming aniya. Umayos ito ng tayo. "Can I invite you for a lunch? for the last time!" Napangiti siya ng makita sa mukha nito ang pagaalinlangan kung papayag pa siya o hindi. "Yeah sure!" Aniya, agad gumihit sa mukha nito ang kasiyahan, inilahad nito ang kamay sa kanya at agad naman nyang tinanggap. Inalalayan siya nitong hanggang makarating sila ng sasakyan, sa kalagitnaan ng byahe napagusapan nila ang buhay ng bawat ito, napagdesisyon nilang manatiling magkaibigan sa kabila ng lahat, alam naman nila parehas na naging maayos at mabuti ang kanilang relasyon wala narin ang sakit na parehas nilang dinamdam noon. Tila nabunutan siya ng tinik sa kanyang lalamunan gumaan ang kanyang pakiramdam nang makapag usap sila, nalaman niya na hinanap siya nito sa buong palawan upang makahingi ng kapatawaran at para na rin magkaroon sila ng maayos na paguusap, naliwanagan sila sa isa't isa at maluwag sa loob na pinalaya ang mga sarili. Katulad ng dati nagtungo sila sa paborito nilang restuarant sabay silang pumasok, pinaghila siya nito ng upuan bago ito umikot sa pwesto ng binata hinalikan nito ang kanyang noo, napangiti siya sa ginawa nito. Ang binata na ang pumili ng kanilang kakainin wala pang ilang minuto dumating na rin ang kanilang pagkain. "You can continue your business in Manila, Zav, we're still a business partner!" Anito sa kalagitnaan ng kanilang pagkain. "Gusto ko!" Huminto siya sa pagkain at nilapag ang kutsara, napa angat ito ng tingin dahil sa kanyang sinabi. "Gusto ko pero iniisip ko ang asawa mo, ayaw ko syang bigyan ng rason para magisip at higit sa lahat ayaw ko syang masaktan ng dahil sa akin dahil babae rin ako!" Mahabang litanya, huminto na rin ito sa pagkain. Mababakas sa mukha nito ang kalungkutan dahil sa kanyang naging desisyon. "I'm sorry!" Hingi nito ng tawad. "I'm sorry, I didn't think to what possible happen." Patuloy nito, tumango siya bilang pag sang ayon. "We still can be friends but, not so closed!" Hinawakan nito ang kamay nyang nakapatong sa table at pagkatapos tumingin sa kanyang mga mata ngunit ang tingin na iyon ay napunta sa kanyang likuran pataas para itong nakalunok ng isang buong yelo dahil namutla ito na tila nakakita ng multo. Lumingon siya at nagtaas ng tingin, ngunit mabilis ang naging pang yayari ng may kumuha sa kanyang kamay at sapilitan syang itinayo at hinila palabas ng restaurant, para syang isang papel kung hilahin nito muntikan pa syang masubsob dahil sa pagmamadali, agad naman sumunod sa kanya si Austin, nagtataka siya kung sino ang lalaki na humihila sa kanya sinubukan nyang bawiin ang kamay nang nasa labas na sila. "Sino kaba!" Sigaw niya ngunit agad syang napalingon ng tawagin ito ni Austin sa pangalan, kasabay non ang pagkagulat ng bumulagta ito sa sementong sahig. Gulat na gulat siya sa pang yayari, nais nyang puntahan at daluhan si Austin na kasalukuyan nagpupunas ng dugo sa labi ngunit mahigpit na hawak ng lalaki ang kanyang kamay, walang inaksaya na sandali si Austin at tumayo, humarap siya sa binata. "Mali ka ng iniisip Nick!" Aniya ngunit hindi siya nito pinansin dahil natuon ang mabalagsik nitong mata kay Austin. "You know her?" Hindi makapaniwalang tanong ni Austin ngunit hindi nagsalita si Nick dahil sa ginawa nito kita niya sa mukha ni Austin ang matinding galit na rumehistro. Binitawan siya ng binata ng sumugod si Austin dito, hindi niya kayang awatin ang dalawa dahil parehas ito ng pangangatawan at laki, wala syang nagawa kundi panoorin ang mga ito kung paano magpalitan ng suntok, sinubukan nyang magsisigaw upang marinig siya ng dalawa at huminto na sa ginagawa, humingi na rin siya ng tulong sa mga taong nanonood ngunit hindi sila kayang awatin, hindi na niya napigilan ang mga luha na kumawala sa kanyang mga mata hindi niya na iintindihan ang nangyayari. Patuloy parin ang dalawa sa pakikipag palitan ng suntok nang makaisip ng paraan agad syang kumilos, pumagitna siya sa dalawa at niyakap si Austin upang hindi na ito masaktan ni Nick dahil alam niya na kung sino sa dalawa ang labis na nasaktan dahil sa kanyang mabilis na kilos hindi na napigilan ni Nick ang kamao na dapat kay Austin tatama ngunit siya ang nakasalo, napadating siya sa sakit nang tumama iyon sa kanyang tagiliran, tila hindi siya nakahinga sa kirot agad na nanlambot ang kanyang tuhod kasabay ng pagpapawis ng malamig, napapikit siya kasabay ng pagbagsak ng kanyang katawan. Nawala kay Nick ang atensyon ni Austin bagkus sa kanya, halos takot na takot ang mukha nito ng suriin ang kanyang katawan. "Are you alright?" Tanong nito sa kanya, mas lalong sumidhi ang galit sa mukha nito dahil sa nangyari. "f*****g asshole!" Sigaw nito kay nick ng hindi siya magsalita. Akmang tatayo ito ng hawakan niya sa kamay at saka umiling. "Wag ... paki ... usap ... !" Aniya sa pagitan ng pagdaing sa sakit at pagsasalita, agad siya nitong hinawakan sa bewang at braso upang itayo, hindi rin makapaniwala si Nick sa kanyang nagawa dahil hindi ito gumalaw sa kinatatayuan habang pinagmamasdan sila. Nakahinga siya ng maluwag ng tila huminto na ang mga ito. "Whatever your plan is, Wag si Zav, Nick!" Pakiusap nito sa kaharap. "Don't interfere!" Sagot nito kay Austin, nalilito na siya sa mga pinagsasabi ng mga ito. "Bakit kilala niyo ang isa't isa!" Tanong niya na nagpahinto sa dalawa, umayos siya ng tayo at napatingin sa mga to agad nagiwas ng tingin sa kanya Nick, kaya humarap siya kay Austin. "He's the bestfriend of my wife!" Anito sa kanya gulat syang napabaling kay Nick nagtatanong ang mga mata na tumingin dito ngunit wala itong sinabi o hindi man lang nagpaliwang upang ipagtanggol ang sarili. Natawa siya dahil sa naisip, nagtataka na tumingin sa kanya si Austin. "So!" Aniya at pinabitin ang salita agad syang bumaling kay Nick. "Plano niyo to lahat, ano?" Tanong niya rito, tumingin ito deretso sa kanyang mga mata pagkatapos ngumiti, halos umakyat ang kilabot sa kanyang batok. Umusbong ang galit sa kanyang pagkatao, umayos siya ng tayo at huminga ng malalim baka tumatalon lang siya sa mga pangyayari masyado syang nagiisip ng mga posiblidad. "Magpaliwanag ka Nick!" Aniya, ang kaninang ngiti nito ay napunta sa paghalakhak, nagtataka ang kanyang mga mata na bumaling dito, nagbabadya ang luha na gustong kumawala, pakiusap Nick mali ang iniisip ko! Aniya sa isip. Umayos ito ng tindig, pagkatapos niluwagan ang necktie na nakasabit sa leeg nito. "Ashley and I plan this you are so idiot not to notice and a w***e who can easy to get!" Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. "What did you say?" Sigaw ni Austin akmang itong susugod ng pigilan niya, pinahid niya ang luha gamit ang palad. "If ashley can see how miserable you are right now, I'm sure she's the happiest person alive!" Patuloy nito. tumango siya bilang pag sang ayon dito, tama siya magiging masaya si Ashley kung makikita syang nasasaktan, hindi matanggap ng kanyang pagkatao na sa pangalawang pagkakataon muli syang masasaktan, parehas ng taong mahal niya. Naninikip ang dibdib niya sa mga binibitawan nitong salita, huminga siya ng malalim saka tumingin dito at ngumiti. "Thank you, dahil hindi mo na pinatagal!" nakita niya ang pagtiim bagang nito ngunit hindi niya pinansin, humarap siya kay Austin. "Hatid mo na ako sa amin." Kung magtatagal pa siya sa lugar na ito baka dito na bumigay ang kanyang katawan. Hinawakan siya nito sa braso at inalalayan papunta sa sasakyan nito, nanginginig ang kanyang tuhod at katawan habang naglalakad tila ayaw nitong humakbang, kung hindi dahil kay Austin baka kanina pa siya bumigay, patuloy sa pag agos ang luha sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD