"Nakita ni Danica na lumabas si Jasmin galing sa kuwarto ni Marco, galit na galit si Danica at hinila niya si Jasmin. At sinampal sa mukha. Nagulat ang dalaga sa ginawa ni Danica. "Mommy bitawan mo ako! Bitawan mo ako! Ano ka ba? Mommy nasasaktan ako!" "Nasasaktan ka?! Nasasaktan ka?! Bakit hindi mo maintindihan Jasmin? Akala ko ba iniiwasan mo na si Marco, pero bakit naabutan ka nang umaga sa kuwarto niya? Pumasok ka sa kuwarto ni Marco isa kang malandi! Kung sabagay meron ka namang pinagmanahan eh. Kaya ganyan ang kinikilos mo, dapat hindi na ako magtataka pa eh. Pero ang kapal ng mukha mo Jasmin alam mong ikakasal na sina Angela at Marco pero hindi ka pa rin tumigil diyan sa kakatihan mo! Nagmana ka sa ina mong pokpok!" "Anong sinabi mo mommy? Hindi mo ba ako totoong anak? Bakit ga

