Part 3

1782 Words
Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 3 "Hoy Greg, bakit ba ganyan ka? Hindi mo man lang akong magawang masahe. Pagod na pagod ako mula sa maghapong trabaho. Anong klaseng asawa ka ba? Mainam pa si Badtrip dinilaan ako kanina at sabik na sabik makita ako. Ikaw naman ay walang kalambing lambing sa akin," ang pagmamaktol ni Raul noong matapos akong maligo. "Alam ko naman na maghapon kang nakasubsob sa trahabo at siyempre ay ganoon din naman ako dahil halos magkatabi lang yung cubicle natin kaya kung ano yung dami ng sa iyo ay ganoon rin yung sa akin. Mas hirap pa nga ako dahil puro numbers ang naka assign sa akin. Huwag ka na nga magmaktol diyan, imamasahe na kita," ang wika ko sabay sampa sa kama kumuha ako ng efficacent oil at inilagay sa kanyang likuran. Hinagod ko ang kanyang likuran pababa sa kanyang gawing pwetan. "Yan, matuto kang pagsilbihan ako," ang wika niya sa akin. "Limang taon mo na itong linya sa tuwing minamasahe kita. Saka hindi naman ako nagkukulang ng pagsisilbi sa iyo. Ultimo yung brief mong nakakalat sa sahig ay ako pa rin ang pumupulot dahil para kang isang ahas na naghuhunos kung magbihis." "Tingnan mo pupulutin mo saka ka magrereklamo," ang tugon niya sabay higa paharap sa akin, dito ay nagsimula akong imasahe ang kanyang dibdib at braso. "Hindi ako nagrereklamo, sinasabi ko lang yung totoo kaya next time yung mga pinaghunusan mo ay ilalagay mo na sa tamang lalagyan," ang hirit ko naman. "Nga pala, ang tagal nagkukwentuhan ni Andrei kanina, ano nanaman tsimis ang sinasabi sa iyo non?" pang-uusisa nito. "Nag share lang siya ng experiences, broken yung tao kaya dinadamayan namin. Muntik na nga iyon magpakamatay mabuti na lang at nakita siya ng kasamahan niya doon sa unit," ang tugon ko. Si Andrei yung kasamahan namin ni Raul sa opisina. 18 years na siyang naka-base dito sa ibang bansa at dito na rin siya nakakilala ng pinoy na naging kapareha niya. Makalipas ang dalawang taong pagiging magkasintahan nila ay nagdesisyon silang magpakasal o undergo sa same s*x marriage katulad ng ginawa namin ni Raul 5 years ago. Noong nakaraang taon lang ay nagkaroon ng misunderstanding sina Andrei at yung partner hanggang sa iniwan na siya nito. Naalala ko pa yung kwentuhan namin kahapon, katakot takot na warning at advices ang ibinigay niya sa akin para hindi daw mauwi sa "doomsday" ang relasyon namin ni Raul at hindi magaya sa sinapit nila. "Sinabi sa akin si Ricky na gusto niyang magkaroon ng baby, parang bale wala daw kasi yung maghapon naming work at malaking income kung puro sa luho lang namin napupunta. Kaya nga daw kami nag-iipon ng pera ay para sa future at para sa magkaroon ng sarili pamilya. Sino naman ako para tumanggi diba? Pumayag ako sa gusto niyang mangyari. Nag-consult kami ng expert para payuhan kami sa na mag undergo sa surrogation. Ang traditional surrogate na yung involve  ay isang woman who gets artificially inseminated with the father's sperm. Tapos babayaran namin yung babae, aayusin namin ang papers at ang right na kami ang may karapatan sa bata. It was clear na ganoon ang gagawin namin dalawa bilang set up hanggang naisipan niyang siya nalang mismo ang makikipagsex sa babae para buntisin ito," ang pagsasalaysaya ni Adrei. "E bakit kailangan pang makipagsex ng husband mo? Kung pwede namang ienject nalang yung sperm doon sa babae?" pagtataka ko. "Dahil gusto daw niyang maramdaman na siya talaga ang biological father nito, meaning gusto niya mismo na siya ang gagawa para nandoon yung feeling na siya ang legit na ama nito," sagot ni Andrei. "So pumayag ka na man ba?" tanong ko. Tumango siya "Oo, at iyon ang hardest part sa akin. Iyon ang heartbreaking na nangyari sa pagsasama namin. Imagine, nagsex sila sa kabilang silid, naririnig yung ungol nilang dalawa. At maghapon silang nagse-s*x to make sure na may mabubuo. Habang sarap na sarap silang dalawa ako naman ay namamatay na sa kakaiyak." "Paano mo nakaya iyon Drei?" tanong ko. "Muntik ko na ngang di kayanin. Inisip ko na lang na part ito ng pagiging full-time parents namin ni Ricky. Somehow naging okay ako, nagsalpak na lang ako ng earphone sa tainga ko para hindi ko na marinig yung halinghing nilang dalawa na parang isang sumpa sa pandinig ko. Basta nakatulog ako tapos paggising ko tapos na sila. 6 hours, ganoon silang katagal nag-s*x. At ganoon din ako katagal umiiyak," dugtong ni Andrei. "Okay naman pala at least diba matagumpay naman yung naging surragation, ikaw pa nga ang nagbalita noon dito sa buong opisina na buntis yung babae at malapit ka na maging isang ina," ang tugon ko rin. "Yeah, that's true. Pero noon iyon dahil akala ko ay happy family ang magiging ending nito. Wala akong kamalay malay na nahulog na pala si Ricky doon sa babae. At makati rin naman yung babaeng iyon dahil nahulog rin siya kay Ricky. In short ay nagkagustuhan silang dalawa kaya iniwan akong nag-iisa ngayon. Ngayon nanganak na yung babae at masaya na silang dalawa." "Hindi na sa iyo nagpakita si Ricky pagkatapos noon?" tanong ko naman. "Nagpakita siya sa akin last week para lang sabihin na ipapa-invalid na niya yung wedding namin dahil magpapakasal na siya doon sa babae. Ano nga bang habol ko diba? Anak niya iyon at siya ang gumawa noon. Alam mo halos ganito rin yung nangyari sa kaibigan kong couple na sina Alfred at Eugene, ayun sumama yung Alfred doon sa babae matapos silang magkaanak. Kaya nga ang maipapayo ko sa iyo ay pag-isipan mo munang mabuti ang tungkol sa pagkakaroon ng anak, hindi bale sana kung ikaw ang bubuntis diba?" seryosong wika ni Drei. "Sira na to, huwag mo nga akong takutin, ang sabi ni Raul ay doon daw kami sa Pinas magdesisyon. Pero noong narinig ko ang kwento mo ay parang nagdadalawang isip na ako," tugon ko sabay bitiw ng isang malalim na buntong hininga. "Hindi lang dalawang isip ang gawin mo, kung pwede gawin mo itong tatlo o apat o lima basta maipapayo ko lang sa iyo ay tatagan mo ang loob mo dahil kapag iyang si Raul ay nagkaroon ng anak may tendency na iwanan ka rin niya o worst bigla nalang siya mawala," ang wika nito habang nakatingin kay Raul na noon ay nakikipagkwentuhan sa mga ka-work naming babae. Hindi ko alam kung tinatakot ba ako ni Andrei o talaga binibigyan lang niya ako ng babala. Magbuhat noong marinig ko ang salaysay niya ay para bang nag-alinlangan na akong suportahan si Raul sa kanyang balak na magkaroon kami ng anak. Baka iwanan rin niya ako katulad ng sinapit nina Andrei at ng kanyang kaibigan. Habang inaalala ko ang mga bagay na iyon ay para bang kumakabog ang aking dibdib. Hindi ko namamalayan masyado na palang madiin ang pagmamasahe ko kay Raul kaya bumangon ito at pinatigil ako. "Hon, masyadong hard yung ginagawa mo sa legs ko." Natauhan ako at napalingon sa kanya. "Sorry, hindi ko sinasadya," tugon ko naman. "Okay lang, ikaw okay ka lang ba? Parang malalim ang iniisip mo? May problema ba?" tanong niya sa akin. Umiling ako, "wala, may naalala lang akong importanteng bagay. Ano na nga usapan natin kanina?" tanong ko para maka-catch up sa kanya. "Doon sa plan nating magka-baby diba, parang mas gusto ko na ako mismo ang magpupunla doon sa surrogate natin, kung okay lang sa iyo. No string attached naman hon, pero iyon kung papayagan mo lang," ang wika nito na may halong paglalambing. "Hindi! Ayoko niyan! Ayokong magka-baby!" ang sigaw ko na tila nabigla sa kanyang sinabi. Pati siya ay nagulat rin sa aking reaksyon kaya natahimik ito. Nahiya ako sa aking pagsigaw.. Wala naman akong nagawa kundi ang tumayo, magtapis ng towel at lumabas sa aming silid. Naupo ako sa sofa at napatitig sa sahig, samantalang agad rin namang lumabas si Raul na nakasuot lang ng brief at tumabi sa akin. "Okay ka lang ba? Bakit bigla yatang nagbago ang isip mo? Akala ko nagkasundo na tayo sa bagay na ito?" tanong niya sa akin. "Siguro mas maganda kung i-consult muna natin sila mama tungkol sa plans natin. Pwedeng wag tayo mag-apura?" tanong ko habang nakatingin ng tuwid sa kanyang mata. Tumitig din siya sa akin na para bang binabasa ang aking isipan, "saan ka ba natatakot?" tanong niya sa akin. "Na magaya kina Andrei, iniwan siya nung asawa niya at sumama sa doon sa babae." "So sa tingin mo ay gagawin ko iyon?" tanong niya. Nagkibit balikat ako, "hindi natin masasabi iyan. Mag-iiba ang persepsyon mo sa bagay bagay kapag narealize mo na sarili mong dugo at laman ang nasa sinapupunan ng babaeng magiging host mo. Ganoon rin ang nangyari kay Ricky at sa ibang kaibigan nila," tugon ko na may halong pagtutol at pag-aalala. "Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong niya. "Mayroon, pero wala akong tiwala sa tadhana o kapalaran. Hindi natin alam kung anong klaseng laro ang ibibigay sa ating dalawa sa oras na gawin mo ang mga bagay na maaaring maging mitsa ng ating pagkasira. Pero kung gusto mo talaga ay hindi naman ako tututol sa nais mo," ang seryoso kong sagot sabay distansiya sa kanya. Napabuntong hininga siya at lumapit sa akin. "Two months nalang ay uuwi na tayong dalawa, doon nalang natin ito pag-usapan sa harap mismo nila mama. Hindi naman ako nag-aapura dahil sa huli ang desisyon pa ring nating dalawa ang masusunod, hindi lang ang kagustuhan ko bilang asawa mo. Diba mayroon tayong isumpaang pangako noong ikasal tayo diba? Gusto mo i-flash back ko pa?" tanong niya sabay yakap sa akin. "Akala ko ba ayaw mo ng flash back? Hindi ko naman binabasag yung trip mo Robles. Kailangan ko lang mag isip kung tatanggapin ko yang gusto mong mangyari." "Huwag mo na nga isipin iyon. Kung ayaw mo ay hindi ko naman gagawin, ikaw ang masusunod dahil ikaw ang boss ko. Remember isa lang naman akong super hot at super handsome na kabiyak. Ano bang alam ko sa decision making process? Kagwapuhan ko lang naman talaga ang puhunan ko diba?" hirit nito habang nakalingkis ang kamay sa akin. "Puhunan mo rin yung kayabangan mo," pang-aasar ko sabay halik sa kanyang labi. Noong mga sandaling iyon ay pilit kong itinago ang aking emosyon. Mahigit limang taon na kaming kasal ni Raul. Sa pagdaan ng mga araw na kasama ko siya ay nakikita ko na rin ang pagiging mature ng kanyang pag-iisip. Nagagawa na niya ngayon ang magplano para sa aming kinabukasan, siya na rin ang nagdedesisyon ng mga bagay sa aming buhay bilang couple na dati ay ako ang gumagawa. Batid kong ang mga pagbabagong ito ay magdudulot rin ng panibagong hamon sa aming relasyon. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD