Chapter 15- Missing You

2091 Words

Napabalikwas ng bangon si Athena nanaginip siya, hindi niya masabi kung maganda o masamang panaginip ba iyon. Sa kanyang panaginip ay may kasama raw siyang isang gwapong lalake sa silid. Pareho silang walang saplot sa katawan at may nangyari sa kanila. Nagtataka siya kung bakit ang linaw-linaw ng mukha ng lalake sa kanyang panagip. Parang nakita na niya ang lalaking iyon hindi lang niya maalala kung saan. Alas siyete na ng umaga ngunit antok na antok parin siya. Ang pagkakaalam niya ay alas diyes ng gabi ay nakatulog na siya kaya lang bakit pakiramdam niya ay parang puyat na puyat siya at ang bigat-bigat pa ng ulo niya? Nang bumangon siya at bumaba sa kanyang papag ay napangiwi siya ng makaramdam ng sakit sa pagitan ng kanyang mga hita. Napakapit siya sa aparador dahil nahihirapan siyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD