Chapter 3- Katsumi°

2404 Words
"Mom, Dad, I'll get going!" paalam ni Katsumi sa kanyang mga magulang, humalik muna siya sa pisngi ng mga ito pagkatapos ay binalingan naman ang nakasukbit na shoulder bag sa kanyang balikat, binuksan iyon at kinuha sa loob nito ang susi ng kanyang sasakyan. "It's late at night, where are you going, sweetheart?" tanong ni Dra. Nimfa Castillo Saito sa anak. Kasalukuyang nasa living room ang mga ito at may kani-kaniyang binabasang libro. "I'll go with my friends, Anne is throwing a party at their house tonight," tugon nito sa tanong ng ina. "But yo_" Nimfa didn't finish what she was going to say, her husband interrupted her. "Let your daughter go. She's at the right age and she knows what she's doing," sabi ni Hitaro Saito sa asawa, isinara nito ang librong binabasa at inilapag sa kanyang tabi. Nimfa heaved a long sigh. She have this big trust on her daughter, she knows that she will not do anything that makes them worry but she's afraid that going out late at night might lead to something. They are not there to monitor her. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita at ipinagpapasalamat nila iyon pero paano kung bigla na naman itong sumulpot? Aalis na naman si Katsumi at walang kasiguraduhan kung babalik pa ito sa kanila. "Thanks, Dad. You're the best!" tuwang niyakap pa nito ang ama. "Mom, you heard, Dad. He allowed me to go out, don't worry I'll be alright," baling nito sa ina. Marahang tumango si Nimfa at hinayaan na lang na umalis ang kanyang anak. Ilang minuto ng wala si Katsumi nang magsalita si Nimfa. "Are you not afraid, Hitaro? What if she comes back tonight?" nag aalalang tanong niya sa asawa. Kinuha ni Hitaro ang libro sa gilid niya at ipinatong sa ibabaw ng lamesa, umusod ito sa tabi ng asawa at hinimas ang likod nito. "Of course, I'm also thinking about that. I just don't want to tie our daughter in this house. We don't know when she will come back again and even if she does, we can do nothing about it." "We can do something Hitaro and you know that!" mariing sabi ni Nimfa. Tiningnan lamang ito ng makahulugan ni Hitaro ngunit hindi ito nagsalita maya'y tumayo ito at nilisan ang living room. Naiwang mag-isa si Nimfa. Napabuntong hininga siya nang malalim. She even cupped her face in frustration. Labing tatlong taon na ang nakalilipas ng ampunin nila si Katsumi, natagpuan nila itong walang malay na nakahandusay sa kalsada. Dinala nila ito sa ospital kung saan isa siya sa mga doktor doon at ginamot niya ang dalagita. Nagising itong hindi kilala ang kanyang sarili. Parang may matinding trauma itong pinagdaanan dahil nanginginig ang buong katawan at takot na takot ang bata. Nang kuhanan niya ang dalagita ng ilang laboratory test ay na-analyze niya sa protein blood nito na ang biological age ng bata ay nasa labing dalawang taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung saan ito dadalhin dahil wala naman itong masabi tungkol sa kanyang pagkakakilanlan. Naawa sila sa bata kaya inuwi na lamang nila ito sa kanilang bahay. Napagdesisyunan nilang i-report na lang sa mga pulis ang insidente at ibinigay nila ang kanilang contact number sa mga ito kung sakaling may maghanap sa bata. Ngunit, umabot ang isang taon na walang naghanap dito kaya inampon na nila ng tuluyan ang dalagita at pinangalanan nila itong Katsumi. Inalagaan at minahal nila ito bilang isang tunay na anak. Para sa mag asawang Hitaro at Nimfa si Katsumi ay biyaya sa kanila ng panginoon dahil parehong baog ang mag asawa at hindi na sila maari pang magkaanak. Sampung taon ang lumipas mula ng mapulot nila ito ay may napansin silang kakaiba kay Katsumi. May mga araw na gumigising ito na parang hindi sila kilala. Hindi nila alam kung bakit nagkakaganu'n ang anak? Gusto niya itong patingnan sa kaibigan niyang espesyalista ngunit hindi sumasang ayon ang kanyang asawa sa kagustuhan niya. - The noise around excites, Katsumi. She was just entering the gate of the exquisite mansion. Far away, she could feel the enjoyment all around. She immediately saw her bunch of friends, they were sitting at the very center table, she smiled and waved at them to get their attention. She walked with her forehead raised and with full confidence in herself. She is Katsumi Saito, she's well known in the circulation she belongs because of her being smart, beautiful and most of all she has this perfect body. She saw how she was draped by the admiring looks of the men and how she was envied by those insecure women but she didn’t care about them. She just went straight forward and headed to her friends. Ang lahat nang narito sa party na ito ay anak ng mga mayayamang negosyante sa bansa. Mga nakakaangat sa buhay at tinitingala sa lipunan. Bago s'ya makarating sa kinaroroonan ng kanyang mga kaibigan ay nakasalubong niya ang may kaarawan na si Anne, abala ito sa pag-estima sa kanyang mga bisita. Nilapitan niya ito para batiin. "Anne... Happy Birthday!" bati niya rito. Hindi niya masasabing magkaibigan sila ni Anne pero sa tuwing magkikita sila ay maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Si Anne ang klase ng tao na alam niyang hindi siya pinaplastik lang. Karamihan kasi sa mga nakakasalamuha niya ay maganda ang pakikisama sa kanya kapag nakaharap ngunit kapag nakatalikod na siya ay kung ano-ano ang pinagsasabi na hindi maganda tungkol sa kanya. Inggit ang mga ito at intimidated sa kanyang malakas na personalidad. "Oh, Katsumi, I'm so happy that you're here," masigla ang boses na wika nito. "It was nice to see you again, Anne," sinserong sabi niya. "Same here, Katsumi. I think it's been five months since we last seen each other." "Yeah, I guess you're right," sang ayon niya rito. May tumawag sa pangalan ni Anne isang grupo ng kabataan na bagong dating kaya naagaw ang atensiyon niya sa mga ito. "I'm so sorry, Katsumi, I would love to talk to you more but I have to entertain the other guest, please help yourself and enjoy the party. I'll get back to you later," paalam nito. "No worries, I will surely enjoy your party," nakangiting sabi niya rito. Niyakap siya ni Anne at gumanti rin siya ng yakap dito. "Katsumi, what took you so long? Kanina pa kami nag aantay sa 'yo rito, girl!" bungad ni Tori. "Hmp! You know naman, Katsumi always want a grand entrance," panunudyo ni Saab. "So true, she wants to get people's attention anywhere she goes," sang ayon naman ni Miles. Inikutan ng mata ni Katsumi ang mga kaibigan. "Tsk! As if namang hindi n'yo gawain 'yan. Nagpa-late lang ako nang husto para mas bongga ako sa inyo. Wait! Where is Vera?" Inilibot niya ang mga mata sa paligid para hanapin ang isa pa nilang kaibigan ngunit natigilan siya ng madaanan ng mata niya ang gwapong lalake na umiinom nang mag isa sa isang sulok. "She's in the powder room may pinaghahandaan. Nakakita ng potential boyfriend ang bruha," Saab chuckled. Katsumi lost her attention to the man and turned back to her friends. Ilang sandali lang ay dumating na ang hinahanap niya. "I saw Gab at the bar," wika nito ng makaupo sa tabi ni Katsumi. "And so!" mataray na sabi niya. Nagkibit balikat naman ito. "Nothing... I was just thinking maybe you already miss your casanova boyfriend." Pilyang ngumiti ito na tila ba nanunudyo. "Let's just party. I'm here to have fun not to stress over with that stupid jerk!" inis na sabi niya. Nagtawanan lang ang kanyang mga kaibigan, kapag ganu'n kasi ay alam na nilang pikon na ito. Kumain, uminon ng alak at nagsayawan ang grupo ni Katsumi. May mga lalake na nakisali sa kanila sa dance floor at hinyaan naman nila ang mga iyon. Naging mas masaya nga ng dumami sila. Medyo lasing na si Katsumi, ginanahan siya kaya naparami ang inom niya ng alak. Habang nagsasayaw ay bigla na lang may humila sa kanya at dinala siya sa lugar na walang gaanong tao. Hindi na siya nakapalag at hinayaan na lang niya na kaladkarin siya nito. Tumigil sila sa likurang bahaging iyon ng mansiyon. "What are you doing, Katsumi? Why are you flirting with those guys?" inis na tanong ni Gabriel sa dalaga. Naningkit ang mga mata niya pagkakita sa mukha nito. Nakakunot naman ang noo ng binata at halatang nagpipigil ng galit. Ngumisi ang dalaga ng nakakainsulto. "But why, dear? Are you the only one who is allowed to flirt here? That's so unfair for me. I can also do what you can do!" galit na sabi niya. Gabriel's face began to calm down. He breathes deeply. Katsumi didn't expect what he will do. He braced her against the wall and bent his hands on both sides of her. He cornered her so that she can't escape from him. Pinakatitigan ni Gabriel ito ng husto. "I'm jealous... I'm jealous of the men around you. I'm not this Katsumi. I'm not used to this feeling. I thought this is nothing and were just enjoying each other but I realized that you are more than just a fling to me. I love you, Katsumi, I really do," seryosong sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa dalaga. Nakaramdam naman ng pagkalito si Katsumi. Iniwas niya ang tingin sa binata at ibinaling iyon sa iba ngunit hinawakan nito ang kanyang baba at marahang pinihit ang kanyang mukha pabalik. He could have done nothing but retaliate by staring at him. Halos pigilin niya ang paghinga ng simulan ng ilapit ni Gabriel ang mukha nito sa mukha niya. Nang mga oras na iyon ay nawala ang pagkalasing ni Katsuma, bumalik siya sa katinuan. Napapikit na lamang siya ng ilapat ni Gabriel ang labi nito sa labi niya. Ginawaran siya nito ng isang banayad na halik ngunit habang tumatagal ang mga halik na iyon ay naging mapusok. Masarap humalik si Gabriel, iyon ang tanging nasabi ng isip ni Katsumi. Dinama niya ang mga halik nito, bahagya niyang inawang ang bibig ng kumatok ang dila ng binata at naghahangad na ito ay papasukin. Nanaliksik ito sa loob at naging mapaghanap. Nakipaglabanan ng espadahan si Katsumi rito. Gabriel cupped her face and squeezed her lips, nag iinit na nang husto ang binata. Pigil ang pag ungol na ginawa ni Katsumi, naramdaman na lamang niya ang mga kamay ni Gabriel na gumapang sa kanyang balikat pababa sa kanyang likuran. Napayakap siya nang husto rito, naramdaman niya ang matigas na bagay na iyon sa ibaba ni Gabriel na tumatama sa kanyang tagiliran kaya mas lalong nag init ang kanyang pakiramdam. Mabilis silang naghiwalay ng may marinig na grupo na nag uusap, palapit ang mga ito sa direksyon nila. Inayos ni Katsumi ang kanyang sarili, gayundin si Gabriel. Napansin nito ang kumalat na lipstick sa labi ng dalaga kaya pinahid niya iyon gamit ang kanyang daliri. Napangiti si Katsumi, pareho niya ay may lipstick na kumapit din sa nguso nito kaya nilinis niya iyon ng kanyang palad. "I love you," Gabriel mouthed. "I love you too," she responded. Magkahawak kamay na lumabas sila sa kanilang pinagtataguan, nagulat pa ang mga kaibigan ni Katsumi ng makita silang magkasama. "Ano'ng ibig sabihin ng mga ngiti n'yong 'yan?" taas kilay na tanong ni Miles sa dalawa. Nagkatinginan naman si Katsumi at Gabriel. "We're officially on," pagbabalita ni Katsumi, siya na ang sumagot sa tanong na iyon ng kaibigan. Bahagyang pinisil ni Gabriel ang palad niya. Tumingin siya rito at napangiti, gumanti ng ngiti ang binata sa kanya. Parang iisang taong nakatingin lang sa kanila ang mga kaibigan ni Katsumi na para bang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. - "Sir, hindi pa ba tayo uuwi? Inaantok na 'ko at saka lasing ka na," ani Henry kay Rafa. "Who told you to go with me?" inis na tanong niya rito na patuloy lang sa pag inom. "Alam mo namang anino mo 'ko, kung nasa'n ka ay nando'n din ako. Kung baga sa pelikula ikaw ang bida at ako ang side kick mo, ganun 'yon," sagot nito. Natatawang naiiling na lang si Rafa. "Okay, let's go home," aniya nilagok pa muna ang huling alak sa kanyang baso bago tumayo. "Hay, salamat naman. Miss na miss na ng likod ko ang kama." Inalalayan nito si Rafa hanggang makalabas sila ng mansion. Marami paring tao sa party kahit alas dos na ng madaling araw. Iniwan muna siya ni Henry dahil kukunin pa nito ang kanilang sasakyan. Sa dami ng tao sa loob ng mansion halos ang lahat doon ay may dalang kani-kaniyang sasakyan. Parang naging exhibit na nga ng luxury cars ang exclusive village na 'yon sa dami ng magagarang sasakyan na nakaparada sa labas ng mansiyon nila Anne. Habang naghihintay sa kanyang alalay ay nabaling ang tingin ni Rafa sa bagong labas pa lang ng gate. Nangunot ang noo niya ng makita ang stepbrother na si Gabriel may kasama itong magandang babae at sumakay ang dalawa sa sasakyan nito at mabilis na pinaharurot iyon. "f**k!" Matalim na tingin ang ipinukol niya sa palayong sasakyan. "Sir Rafa, halika na," tawag ni Henry sa kanya kaya nabaling ang tingin niya rito. Hindi niya namalayan na nakarating na pala ito, malayo na kasi ang naparadahan nila. Tinanguan niya si Henry at pasuray-suray na lumakad pumuwesto siya ng upo sa tabi nito sa passenger seat. Halos isang oras din ang kanilang ibiniyahe bago makarating sa bahay. Hinayaan na niya si Henry na magparada ng maayos ng kanyang sasakyan at pumasok na siya sa loob. Nakatira si Henry sa kanila, may sariling kwarto ito sa mansiyon. Simula pa ng kinse anyos siya ay kasa-kasama na niya si Henry. Anak ito ng kanilang kasambahay na si Aling Rebecca. Paakyat na si Rafa ng siya ay matigilan, pababa kasi ng hagdan ang pangalawang asawa ng kanyang ama na si Diana at magkakasalubong sila. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pag akyat. "Umaga na bakit ngayon ka lang?" tanong nito ng makalagpas siya rito, saglit siyang tumigil. "It's none of your business, I'm not your son and you're not my mom!" inis na sagot niya rito ngunit hindi ito nililingon. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito nang malalim. Ipinagpatuloy niya ang pag akyat at hindi na pinansin pa ito, dumiretso na siya sa kanyang silid. Si Diana naman ay pumihit paharap at nilingon ang paakyat na si Rafa. "Hmp! Walang modong bata! Palibhasa nagmana sa inang walang class at breeding," bulalas nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD