Chapter 9-Love for Money

1798 Words
Hindi inaasahan ni Katsumi na papasyalan siya ng nobyong si Gabriel sa kanyang opisina. Naghahanda na siya sa pag uwi ng hapong iyon. Kasalukuyan siyang nakatayo habang inililigpit ang mga nagkalat na folder sa ibabaw ng kanyang lamesa. Nakatalikod siya sa pinto kaya hindi niya namalayan ang pagbukas niyon at pagpasok ng kung sino, naramdaman na lang niya na may yumakap sa kanya buhat sa kanyang likuran, hinawi ang kanyang buhok at dinala sa gilid ng kanyang balikat at pagkatapos ay hinalikan ang kanyang batok. Sobra ang kilabot na kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon. Parang isang malakas na boltahe iyon ng kuryente na gumapang sa buo niyang katawan. Napapikit siya at nakagat ang pang ibabang labi. "Hmm... Why didn't you tell me that you're coming?" tanong niya sa nobyong si Gabriel malayo pa lang ay amoy na niya ang mabangong pabango nito kaya hindi siya maaring magkamali ito ang nakayakap sa kanya ngayon. Napangiti siya ng ma-realized na wala namang ibang gagawa sa kanya ng ganuon kung hindi ang nobyo lang naman. "I want to surprise you," sagot nito habang ang mga kamay ay gumapang paakyat sa magkabila niyang dibdib, hinimas-himas ang mga iyon at pinisil-pisil. Napaawang ang bibig niya sa ginawa nito, pumihit siya paharap dito at pinisil ang matangos na ilong ng nobyo. "Ikaw talaga napakapilyo mo!" kunwari ay inis na sabi niya rito pero ang totoo ay nagustuhan niya ang ginawa nito. Ginawaran siya nito nang mabilis na halik sa labi. Kinabig siya nang mahigpit ng binata at niyakap sa kanyang bewang. Sa sobrang pagkakadikit nila ay ramdam niya ang matigas na bagay na iyon na tumutusok sa itaas ng kanyang puson. "You smell so good," bulong nito sa kanya, dama niya ang mainit nitong hininga na gumapang sa puno ng kanyang tenga. Napangiti siya sa sinabi nito. "Why are you here? Wala ka bang trabaho ngayon? Himala hindi ka busy," aniya rito. Iniba niya ang usapan at bahagyang itinulak ang binata para makatakas sa pagkakayakap nito. "I want you now!" seryosong sabi ni Gabriel ang mukha nito ay parang nagmamakaawa. Natigilan si Katsumi. Halos limang buwan narin silang magkasintahan at madalas na humihiling ang nobyo na may mangyari na sa kanila ngunit paulit-ulit lamang niyang tinatanggihan ang alok nito na mag s*x sila. Hindi niya alam kung ano ang pumipigil sa kanya para hindi ibigay ang p********e niya rito. Mahal naman niya si Gabriel, hindi pa lang siguro siya handa. "Nagugutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?" pag iiba niya ng usapan. "Ikaw... ikaw ang gusto kong kainin," sagot nito na ikinataranta niya. Nakaramdam siya ng kiliti sa sinabing iyon ng nobyo. Gusto niyang bumigay na ngunit nagdadalawang isip siya. Walang kasiguraduhan ang sa kanila. Kilalang babaero si Gab at hindi niya sigurado kung totoong mahal siya nito o gusto lang nitong makuha ang p********e niya at sa bandang huli ay iiwan rin siya. "Gab, please not now! I'm not yet ready," pakiusap niya, tumingin siya nang diretso sa mga mata nito. Ipinilig ni Gabriel ang kanyang ulo. "Okay!" matipid na sagot nito. Nabitin kasi siya kanina sa opisina. Hindi natapos ang ginagawa nila ni Elise ng biglang magpatawag ng emergency meeting ang kanyang stepfather na si Ricardo. Hanggang ngayon ay matigas parin ang alaga niya at naghahanap ng mapapasukan. Nagtataka siya kung bakit pagdating kay Katsumi ay nakukuha niyang pigilan ang kanyang sarili kahit na gustong-gusto na niyang angkinin ito, kapag sinabi naman ng nobya na hindi pa siya handa ay pinagbibigyan niya ang kahilingan nito. Marahil dahil hindi lang pagnanasa ang nararamdaman niya para rito. Totoong mahal na nga niya ito. Huminga muna siya nang malalim. Unti-unti narin namang humuhupa ang init ng kanyang katawan at ang nagwawala niyang alaga ay parang isang maamong tupa na ngayon. "Let's go sa labas na lang tayo kumain," aya niya sa nobya, ngumiti naman ito na para bang nawala ang agam-agam sa dibdib. Kinuha nito ang shoulder bag niya na nakapatong sa lamesa at agad kumapit sa braso ng nobyo. - Maagang umuwi si Rafa. Nang sumapit ang alas singko ng hapon at tapos na ang kanyang trabaho sa opisina ay dumiresto na agad siya sa kanilang mansyon, tinungo niya ang silid ng ina upang kamustahin ito.Naabutan niya itong nakahiga sa kama at may ice bag sa ulo. "What's wrong, mom? Are you not feeling well?" tanong niya sa ina, hinawakan niya ang leeg nito upang malaman kung mainit ba ito ngunit hindi naman. "Wala akong lagnat masakit lang ang ulo ko," tugon nito. Tinapik sa hita ang anak. "Don't worry, I already take my medicine, mamaya wala na rin ito." Ngumiti si Victoria sa anak para ipakita rito na ayos lang siya. Tinitigan ni Rafa ang ina. Alam niyang hirap na hirap na ito sa sitwasyon niya. "Mom, ano kaya kung umalis na tayo dito sa mansion. May naipon naman ako sa apat na taon kong pagta-trabaho sa abroad, sapat na 'yon para mabuhay tayo ng simple at mapayapa. Hayaan na natin si Dad at ang bago niyang pamilya. You're so beautiful, mom. Marami pang magkakagusto sa 'yo. Apat na taon na kayong hiwalay ni Dad. Bakit hindi ka na lang mabuhay ng masaya at malaya. Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin, mag-travel ka, i-explore mo ang buong mundo, huwag ka ng magpatali sa isiping kasal kayo ni Dad dahil para sa kanya ay wala ng silbi ang kasal ninyo. Puro sakit ng ulo at sama ng loob lang ang nararanasan mo sa piling ni Dad. It's time to let him go. Believe me, Mom, kapag umalis na tayo dito magiging masaya na ang buhay mo. Sarili mo naman ang isipin mo." Umiling si Victoria. "No! Hindi tayo aalis dito. Hindi ako makakapayag na makuha ni Diana ang lahat ng yaman ng iyong ama. Matatanggap ko pa kung sa mga kapatid niya ibibigay ang lahat ng kayamanan niya dahil kapamilya niya ang mga iyon pero si Diana at Gabriel... no way! Ipaglaban natin ang karapatan natin bilang lehitimong pamilya ng iyong ama," mariing sabi nito. Kapag ganuon na ang kanyang ina ay tumatahimik na lang si Rafa ayaw na niyang makipagtalo pa sa kanyang ina. Marami na itong iniisip hindi niya gustong dumagdag pa sa isipin nito, tama na 'yong naging rebelde siya noong kabataan niya at naglayas, hindi na niya maaring iwan ang kanyang ina ngayon. Nangako siya rito at tutuparin niya ang pangakong iyon. - Ang pinakaiiwas-iwasan niya na makasama sa hapunan ng magulong pamilya ay naganap na naman. Excited na excited si Diana habang nagkukwento ng mga plano niyang gawin para sa nalalapit na kaarawan ni Ricardo. Isang engrandeng kasiyahan sa malawak nilang bakuran ang gusto nitong mangyari. "How about you, Victoria do you have any suggestion for this upcoming event? You can share your ideas," sabi ni Diana, nakangiti ito ngunit sa likod naman ng kanyang utak ay gusto lamang niyang ipakita sa kanyang mga kaharap na ang kanyang karibal ay walang alam lalo na pagdating sa mga sosyalan dahil laki nga si Victoria sa hirap hindi kagaya niya na namulat sa glamorosang buhay. Ang kanyang motibo ay ipahiya si Victoria sa harap ng pamilya nito. "I have nothing to say or against your plan but there's one thing I want _" pinutol ni Victoria ang sasabihin at tumingin nang makahulugan kay Diana. Ang tatlong lalake ay nakamasid lang sa dalawa. "What is it, come on, tell us? Pagbibigyan kita," pangungumbinsi ni Diana. Huminga muna nang malalim si Victoria bago nagsalita. "Oh, really! Kaya mong pagbigyan ang gusto ko? I don't think so, Diana," nang uuyam na sabi ni Victoria. "Try me," naghahamong sagot naman nito. Ngumuti ng makahulugan si Victoria. "Ang gusto ko kasing mangyari ay kami ang haharap ng anak ko sa mga bisita dahil kami ang legal na pamilya at ang mga kabit na kagaya mo ay dapat itinatago lang sa loob ng bahay but since na makapal naman talaga ang pagmumukha mo ay hindi ko na ipipilit ang gusto ko, hahayaan na kitang estimahin ang bisita at magpanggap na reyna tutal diyan ka naman magaling hindi ba first runner up ka nga lang sa beauty pageant, na-dethroned ang title holder sa hindi malamang kadahilanan kaya sa 'yo ipinasa ang korona. In short second choice ka lang lagi sa carreer man o sa lovelife." Nanlisik ang mga mata ni Diana. Nainsulto siya sa pinagsasabing iyon ni Victoria sa kanya. Ngunit maya-maya ay pinakalma niya ang sarili. Hindi niya maaring ipakitang masama ang loob niya lalo na sa harap ni Ricardo. "Enough, Victoria!" galit at halos pasigaw na saway ni Ricardo sa tunay na asawa. Tiningnan lamang ito ni Victori sabay ngisi. "It's okay, honey! Totoo naman ang sinabi niya. Tama siya isa lang akong kabit kaya nararapat na huwag akong dumalo sa birthday party mo." Sabi nito na suminghot-singhot pa. Inumpisahan na nito ang pag akting, madali lang para sa kanya ang umiyak. Ginawa niya iyon para makuha ang simpatiya ni Ricardo at siya ang panigan nito kaysa sa tunay niyang asawa at nagtagumpay nga siya sa kanyang plano. Siya ang api at si Victoria ang kontrabida. Lihim siyang napangiti habang pinagmamasdan si Ricardo na masama ang tingin kay Victoria. "Okay, fine! Ako na ang mali. Sa susunod kasi huwag niyo na akong isasama sa mga plano ninyo." Tumayo na si Victoria at hindi na tinapos ang pagkain. Sumunod naman si Rafa sa kanyang mommy samantalang si Gabriel ay sinundan ng masamang tingin ang mag-ina. Lihim na napangiti naman si Diana kahit tumutulo pa ang luha sa kanyang mga mata. Gusto niyang purihin ang kanyang sarili sa galing niyang umarte sana pala noong may nag aalok sa kanya na pasukin ang showbusiness ay sinubukan niya rin ang mag artista. Ngunit sa kabilang banda ay talagang nainis siya sa pangiinsulto sa kanya ni Victoria may katotohan lahat ng sinabi nito at masakit marinig ang katotohanan. Makakaganti rin siya sa babaeng iyon. Hindi siya makakapayag na matalo sa laban dahil nasa kanyang panig si Ricardo walang magagawa ang mag-inang Victoria at Rafa sa kanya. "Mom, I want yo to know that I'm so proud of you!" Niyakap ni Rafa ang ina. Ngayon lang niya kasi nakitang naging matapang ito. Noon ay tahimik lang ito at hindi umiimik kahit tinatapaktapakan na ni Diana ang pagkatao niya. Ngayon ay lumalaban na ang kanyang ina. "Ginagawa ko ito para sa 'yo, anak." Simula ngayon, lalaban na ako. Ipaglalaban ko ang karapatan natin. Natuwa siya sa sinabi ng kanyang ina. Gusto niyang maging malakas at matapang ito at huwag magpakalugmok sa problema. Wala siyang pakialam sa pera. Ang totoo niyan ang pera ang naging dahilan ng pagiging miserable ng buhay niya. Si Paulina ay katulad din ni Diana. Mga mukha silang pera at gagawin nila ang lahat para sa pera kahit na makasakit pa sila ng damdamin ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD