Chapter 6- Second Encounter

1562 Words
Pagkatapos maglaro ng tennis ni Katsumi at ng kanyang mga kaibigan ay tumambay muna sila sa bahay ni Miles at nag online games maghapon. Nang sumapit ang gabi ay nagkayayaan ang grupo na pumunta sa bar. "Bakit hindi natin pasunudin ang mga boyfriend natin dito para naman masaya?" suhestiyon ni Saab. "Yeah, why not? That's a good idea," sang ayon ni Vera. Nag alanganin naman si Katsumi kung pupunta ang nobyong si Gabriel kapag inimbitahan niya, kaya lang nagkasubuan na at pumayag na ang lahat. Wala na siyang nagawa kung hindi ang i-text ang nobyo kagaya ng ginawa ng kanyang mga kaibigan, naging abala ang mga ito sa kani-kanilang cellphone. "Let's go, Katsumi. Tayo na lang ang um-order ng drinks for the girls," aya sa kanya ni Tori. Napilitan na siyang tumayo ng hawakan nito ang kamay niya at hilahin. Dumiretso ang magkaibigang Katsumi at Tori sa bar counter para um-order ng kanilang maiinom na alak. "Five glasses of gin and tonic, please!" ani Katsumi sa bar tender ng makalapit na sila sa counter. "Right away, Ma'am." Mabilis naman itong nakapag-mix ng cocktail drink at ipinatong sa tray ang limang baso ng order nilang alak at agad na binuhat iyon ni Tori. "Thanks, Dan!" sabi nito sa bar tender na pinalandi pa ang boses. Tinanguan lamang siya nito sabay ngiti. Madalas si Tori sa bar na ito kaya kilala na siya rito. "Hmm... you like him, don't you?" nanunudyong tanong ni Katsumi sa kaibigan habang naglalakad sila pabalik sa kanilang pwesto. "Who?" maang na tanong ni Tori. "Tsh! The bar tender, don't deny it. Kitang-kita ko sa mga kilos mo, your flirting with that guy." "Okay, fine! I have this s****l desire on him. I find him cool and aminin mo gwapo s'ya at yummy. I wonder kung malaki ba ang alaga niya," pilyang sabi nito kaya nakurot ito ni Katsumi sa tagiliran. "Ang landi mo, girl! Remember, may boyfriend ka at darating s'ya ngayon," pagpapaalala niya rito. "I know right, ang sa akin lang naman kung may pagkakataong magkatikiman kami why not?" parang balewala lang na sabi nito. "Hey, that's cheating!" saway niya rito. Nagkibit balikat lang ito sabay ngiti ng makahulugan. Matapos nilang makabalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan ay sinimulan na nila ang uminom at magkwentuhan ng halos pasigaw na dahil sa lakas ng tugtugin na pumapailanlang sa buong bar. Isang oras ang lumipas ay isa-isa nang dumating ang boyfriend ng mga magkakaibigan maliban kay Katsumi. Nakaramdam siya ng lungkot ng hindi pumunta si Gabriel. Nakatanggap lang siya ng message dito na may importante raw itong gagawin ngayong gabi at hindi siya makakasunod sa lugar na sinabi niya. Dahil sa frustration ay dinaan na lang niya ito sa pag inom. Sumubok pa siya ng ibang alak dahil mahina ang tama sa kanya ng gin and tonic. - Tinawagan ni Rafa ang alalay na si Henry at pinapunta niya ito sa bar kung saan siya naroroon. Ang dalawang bote ng beer lang sana na plano niyang inumin ay hindi niya inaasahang maparami dahil nawili siya sa katitingin sa magandang babae sa katabi niyang lamesa. "Sir, gusto mo pa bang uminom?" tanong ni Henry kay Rafa. Napansin nitong nakatingin lang ang kanyang amo sa pares ng mga lalake at babae sa kabilang lamesa. "Yes give me another glass of wine," tugon niya rito. Tumayo na si Henry at nagtungo sa bar counter para kumuha ng request na alak ng kanyang amo. Si Rafa naman ay parang nababatubalani habang pinagmamasdan ang magandang babae, naakit siya sa namumungay na mga mata nito at sa paghalakhak nito na maharot sa kanyang pandinig. Napansin niyang ito lang ang walang ka-partner sa grupo kaya panay na lang ang inom nito. "Hey, lasing na si Katsumi. Paano 'yan, sino ang maghahatid sa kanya?" nag aalalang tanong ni Miles sa mga kaibigan. "Hay naku! Hindi talaga maasahan ang boyfriend n'yan," asar na sabi ni Tori habang pinagmamasdan si Katsumi na nakasubsob ang ulo sa lamesa. "Itawag na lang kaya natin ng taxi," suhestiyon ni Saab. Naalarma si Rafa nang marinig ang pag uusap na magkakaibigan sa kalapit na lamesa. Parang may isang bahagi sa utak niya na tumututol sa gustong mangyari ng mga ito na basta na lang hayaan na pauwiin na mag-isa ang magandang babaeng iyon sa ganuong kalagayan. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para tumayo at lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. "Ako na ang maghahatid sa kanya," buo sa loob na presinta niya. Ang lahat ay napatingin kay Rafa. "Who are you? Kilala ka ba ni Katsumi?" tanong ni Vera sa binata. May pagdududa sa tingin nito kahit nakita naman niya kung gaano ka-gwapo ang lalake sa kanilang harapan. "Yes, of course she knows me. We're friends hindi ba niya ako naikukwento sa inyo?" tanong niya sa mga ito na hindi nagpahalata na hindi naman talaga sila magkakilala ng magandang babaeng iyon. "What's your name?" Si Tori naman ang nagtanong ngayon. "My name is Rafael Salvador," pagpapakilala niya sa sarili. Ginamit niya ang apelyido ng kanyang ina dahil kung Ilustre ang gagamitin niya ay kilalang-kilala ang apelyidong ito sa business world. Gusto niyang magpakasimpleng tao lang. Nagkatinginan ang magkakaibigan maya'y nagbulungan, nag usap sila kung ipagkakatiwala ba nila kay Rafael si Katsumi. "Sige na, hayaan na nating siya ang maghatid. Magkaibigan naman daw sila, didiretso pa kami sa condo ni Mike kaya out of way kung idadaan pa namin si Katsumi sa kanila," pangungumbinsi ni Vera. "Same with me, mapapalaban ako kay Papa Will ngayon bawal ang istorbo," sang ayon naman ni Tori. "Okay, sige. Si Rafael na lang ang maghahatid kay Katsumi pag uwi." Sinang ayunan nang lahat ang sinabing iyon ni Miles dahil may kani-kaniya pa silang lakad kasama ang kanilang nobyo. "Take good care of Katsumi, okay," bilin ni Saab kay Rafa na tinanguan naman ng binata. Agad na niyang nilapitan ang nakalugmok na si Katsumi sa lamesa at binuhat ito. Nagulat na lang si Henry pagbalik niya dala ang alak na inutos ni Rafa ay makita niya itong may buhat-buhat nang babae. Magtatanong pa sana siya rito ngunit napigilan ng magsalita na ito. "Henry, ihanda mo ang kotse at aalis na tayo," utos ni Rafa sa kanyang alalay. Naguguluhan man ay ipinatong na lamang ni Henry ang hawak na baso sa bakanteng lamesa na nadaanan niya at nagmamadali nang sumunod kay Rafa na noon ay palabas na ng bar. Nang makarating sa parking ay agad na tinungo ni Henry ang sasakyan, binuksan nito ang backseat at ipanasok naman ni Rafa si Katsumi sa loob pagkatapos ay siya naman ang pumasok, tumabi siya sa dalaga at hinayaan niyang sumandal ito sa kanya. Nakatulog na ito sa kalasingan at walang kamalay-malay sa mga nangyayari. "Sir, sino ba 'yang kasama mo?" Sanay na si Henry na madalas may kasamang iba't-ibang babae ang kanyang amo. Alam niya ang lahat ng kalokohan nito mula pa sa pagkabata nila. Kaya lang iba ngayon hindi pamilyar sa kanya ang babae, ngayon lamang niya ito nakita. Napansin niya sa dashboard mirror ang masamang tingin sa kanya ng amo. "Don't ask, just drive," sabi ni Rafa, nawala ang lasing niya mataas ang tolerance niya pagdating sa alak ayaw lang niyang mag-drive ng nakainom kaya nagpasundo siya kay Henry. "Sa'n tayo pupunta, Sir?" Natigilan ang binata at napaisip, maya'y natapik niya ang sariling noo ng maalala niyang hindi nga pala niya alam kung saan ito nakatira. Hindi naman niya maaring tanungin ang mga kaibigan ng babaeng ito dahil magdududa ang mga iyon na hindi naman talaga siya kilala ni Katsumi kung itatanong pa niya sa mga ito ang tirahan ng dalaga. Hinanap niya kung may dala ba itong bag para makita nito ang address ng babae sa ID o kahit anong dokumento na mayroon ito ngunit naiwan ata nito ang kanyang bag doon sa lamesa. Basta na lang kasi niyang binuhat ito at hindi man lang inalam kung may dala ba itong gamit. Nabigla na lang siya nang bumagsak ang ulo ng dalaga sa kanyang kandungan at sumubsob pa ang mukha nito sa pagitan ng kanyang mga hita kaya biglang kumislot ang kanyang alaga. Narinig niyang umungol ang dalaga. Napahawak siya sa likuran ng upuan pinigilan niya ang sarili ngunit hindi niya nagawa, tumigas na ng husto ang kanyang alaga ng maramdaman ang dalaga. "Dalhin mo na lang kami sa condo ko," sagot niya sa tanong ni Henry. Inayos niya ang posisyon ng babae iniupo niya ito at isinandal na lamang niya sa kanyang dibdib. Hindi niya kakayanin kung magtatagal pa itong nakasubsob sa alaga niya dahil baka labasan siya ng 'di oras. Dama niya ang lambot ng katawan ng babae amoy na amoy pa niya ang mabangong buhok nito. Ang mamahaling pabango nito ay parang pamilyar. Naalala na niya kung saan niya nakita ang babae. Six months ago, nakatabi niya ito sa eroplano ng pauwi na siya sa Pilipinas galing ng Monaco. Ito ang mataray na babae na gustong pumuwesto ng upo sa tabi ng bintana. Napangiti siya, una palang niya itong nakita ay naakit na siya nang husto rito. "So, it's you, nagkita na naman tayo, Ms. Mataray," bulong niya sa babae. Biglang kumislot ang puso niya ng umingit ito at pagkatapos ay yumakap sa bewang niya habang nakasiksik ang mukha sa kanyang dibdib. Bakit ba may kakaibang pakiramdam siyang nararamdaman sa ganuon nilang posisyon? Ang weird lang, kakaiba sa kanya ang estrangherong damdaming iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD