Chapter 1

2476 Words
"Bess! Mauna na kami ni Cristel sayo bakit pa kasi ayaw mo pangsumamang umuwi at inunan mo pa yang gawin." wika ng kaibigan ni Ynah na si Jamie ng makarating na ito sa pintuan nang Fastfood restaurant na pinagtatrabahuan nilang tatlo. It has been more than six months since Ynah started working at a fast food restaurant in Ortigas. This include her friend Jaime and Cristel who applied as waiter and cashier at that fastfood resto. Swerte naman nila dahil sabay sabay silang natanggap sa trabahong iyon. Si Jamie ang may pagkagreen minded sa kanilang tatlo pero syempre mabait ito at mapagbigay. Samanthalang si Cristel naman na isa sa matalik niyang kaibigan ay may pagkamakulit. Pero syempre bilang yon mabait na kaibigan si Cristel. Kaya nga sabay sabay silang tatlo na humanap ng papasukang trabaho at swerte namang sabay silang natanggap. Kaya nga lang maliban sa fastfood resto na pinagtratrabahuan niya ay nagtratrabaho rin siya sa isang Gasoline station tuwing umaga kaya gabi na siyang nakakapasok sa resto. May kanya kanya silang schedule bilang employee kaya may oras pa siyang makahanap ng ibang trabaho pag may free-time siya. Kailangan niyang magtrabaho ng maiigi dahil ilang buwan na siyang hindi nakakabayad ng kanilang pinapaupahang bahay at kinakailangan niyang bilhin ang gamot na nirereseta sa kanyang ina. "Tatapusin kolang 'to para bukas wala ng gagawa." malakas na wika ni Ynah habang inaayos ang mga gamit na ginamit namin kanina sa pagseserve sa costumer. "Hay nako! Oo na ikaw na ang masipag, Ynah Assiniero. Kaya kinikilalang employee of the month dahil diyansa kasipagan mo. Huwag mo namang pagurin ng bonggang bongga ag sarili mo beshy!" "Ayos lang talaga ako, Jamie. Kayang kaya ko na to. Promise pagkatapos ko rito e, uuwi agad ako." "Siya siya, mauna na ako baka naiinip na si Cristel sa kaka antay sa'kin kita kits bukas ingat ka sa pag uwi. I have to go, babuhh!" Nakangiting kumaway pa sa kanya ang kaibigan. "Ingat din kayo. See you tommorow" pahabol na sigaw ni Ynah nang makalabas na ang kaibigan sa pinto ng resto. Tanging siya nalang ang naiwan sa loob dahil nagsi-uwian na ang kapwa niya empleyado ng Resto. Mabilis kong tinapos ang paglilinis sa lamesa nang counter bago nilagay sa lagayan ang mga hinugasan kong tray. Pasado alas-otso na nang ng gabi siguradong nag-aantay na si Nanay at Yannie sakin alam nilang alas-otso ang labas ko pero nanatili muna ako dito nang ilang minuto para maglinis. Nakasanayan ko na kasing umuwi ng ganitong oras dahil mas kailagan kong pagsikapan ang pagtratrabaho baka matanggal pa ako ni Sir Casper pagmagtatamad tamad ako. Nang matapos ko na ang lahat ay niligpit ko naman ang dadalhin ko pauwi na ulam at gamot na binili ko sa botika para kay Inay. Lumabas ako ng resto saka iyon nilock. Matapos kong masarhan ang resto ay saka ako tumawid sa kabilang lane para mag-antay ng taxi na masasakyan pauwi. Narinig ko ang ringtone ng cellphone na dala kaya napatingin siya sa back pack na nasa braso. "Sino kaya ito?" Kunot noong sinilip niya ang screen ng cellphone. Nakita niyang si Yannie ang tumatawag kaya kaagad niya iyong sinagot. Paniguradong may ipapabili na naman ang kapatid niya. "Hello? Yannie bakit ka napatawag may ipapabili ka ba? Kalabas ko lang ng resto kaya isabay mo na ang pabibili mo" nakangiting sagot niya sa kabilang linya. "A-ate!" umiiyak na sabi ni Yannie sa kabilang linya na ikinakunot noo ko. Napawi ang masayang ngiti sa labi ko. "Y-yannie? Bakit ka umiiyak anong nangyari?" puno ng pagtataka ang tono niya habang kausap ang kapatid sa kabilang linya. "A-ate, s-si nanay--" "B-bakit! Anong nangyari kay Nanay?" putol niya sa nais pa nitong sabihin. Nabalot ng pangamba ang buo niyang katawan. Ngayon niya lang ulit narinig ang iyak ng kapatid niya. Sa pagkakaalam niya'y ganitong ganito rin ang iyak nito ng inatake sa puso ang ina nila. Alam niyang may masamang nangyari sa nanay niya kapag ganitong umiiyak si Yannie. "I--isinugod siya sa hospital, Ate! Hinimatay si Nanay kanina habang nagwawalis sa labas ng bahay. Ang sabi ng D-doctor ay inatake na naman si nanay sa puso. A-ate, natatakot ako rito. H-hindi ko alam ang gagawin ko natatakot ako, A-ate....." Umiiyak na pahayag ng kapatid niya. Maging siya ay nadala sa boses nito tila maiiyak siya habang pinakikinggan ang boses nito. Matagal ng may sakit sa puso ang ina nila. Alam niya iyon dahil ilang beses na silang bumabalik balik sa hospital pag inaatake sa puso ang nanay niya. Nalaman nilang magkapatid na may sakit ito noong third year highschool palang siya. Galing siya sa paaralan noon kasama si Yannie ng mamataan niyang marami ang taong nasa labas ng barong-barong nila. Yon pala'y inatake ang ina niya sa puso kaya agad na sinugod nila sa malapit na hospital. Walang wala sila noon kaya ang mismong kapitan nila at ang iba pa nilang kapit-bahay ang siyang nagbayad ng bill ng gamot ng kanyang ina. Mula noon ay naghanap na siya ng trabaho kahit na nag-aaral siya. Para makabili man lang siya ng gamot para sa rito at gastusin sa bahay. Hanggang sa lumipat sila ng tirahan sa Bacoor ay nanatili siyang working student. Doon sila umupa ng maliit na bahay sa bacoor kasama ang kapatid ng kanyang ina si Tiya Conny na isang matandang dalaga. "Sige, sige papunta na ako kumalma ka lang okay, sige na baba ko na 'to." sabi ko bago pinara niya ang taxi na dumaan sa tabi niya. Mabilis siyang pumasok sa loob at hinuli ang tingin ng taxi driver. "Manong sa Joseph hospital lang ho!" sabi ko sa driver bago nito pinaandar ang taxi. "IM sorry to say this, Ms. Assiniero. Pero lumalala na ang lagay ng ina mo. Lumalaki na ang butas sa kanyang puso kailangan na natin siyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Humihina na rin ang kanyang resistensiya at immune system na siyang mas lalong nagpaapekto sa kanyang sakit baka hindi na niya kayanin ang pagpapa opera kapag hindi pa natin ito isinagawa sa loob ng isang buwan" paliwanag ng Doctor na siyang nagcheck sa ina niya. Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ng kanyang ina habang nakatingin sa isang makinang kumukonekta sa puso ng nanay niya. Malamig ang kamay ng ina niya. Kitang-kita niya ang kulay itim na nasa screen. May butas na nga ang puso nito at kinakailangan ng ma operahan dahil kung hindi ay ito ang magiging sanhi ng pagkamatay nito. Katabi ko si Yannie sa higaan malapit kay nanay nasa kabilang kama naman si Tita Conny na siyang nagdala rito sa hospital. "You have to decide right now Ms. Assiniero. Hahanapan pa natin ng magdo-donate para sa nanay mo. It can cost a half of million kaya pag-isipan mo itong mabuti. Puntahan mo nalang ako sa opisina ko pag nakapagdesisyon ka na nang mabuti hija, excuse me" sabi ng doctor bago lumabas sa silid na kinaroroonan namin. Napasabunot na ako sa sarili hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Naguguluhan ako ng sobra. Saan ako kukuha nang gano'n kalaking pera? Tatlong libo lang sa isang buwan ang sahod ko kulang pa nga iyon sa inuupahan naming bahay at sa gamot ni nanay sa araw araw. "A-ate, anong gagawin natin? Saan tayo kukuha nang gano'n kalaking pera?" humihikbing nilingon ako ni Yannie napatingin naman ako kay Tita Conny na mangiyak-ngiyak rin. Napakislot ako ng maramdamang may pumipisil sa kamay ko kaya napatingin ako kay nanay na nakadilat ang mga mata. Gising na siya pero bakas ang hirap sa kaniyang mga mata. Tila may bumikig sa lalamunan ko habang nakatingin kay Nanay. May kapayatan na ang katawan at payat narin ang dating malusog na pisngi nito. Parang tinutusok ang aking dibdib sa nakikita ko ngayon. "N-nay, kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na po ba? Sumasakit pa ba ang dibdib mo?" sunod-sunod kong tanong. "N-nasaan t-tayo?" mahinang anas ng kanyang ina habang nililibot ang tingin sa kanila. "N--nasa hospital ka, Isabel, isinugod ka namin sa dito dahil nawalan ka nang malay kanina" baling ni Tiya Conny kay nanay. "H-hospital. A-anong sabi ng d-doctor?" Saglit kaming natahimik sa tanong ni Inay na ikinayuko ng kapatid kong si Yannie at tahimik na humikbi. Nahihirapan siyang sabihin sa ina ang lahat ayaw niyang ma-stress ito lalo. "'Wag p-po kayong mag alala Inay gagawan ko po ito nang paraan. Mapapaopera ko po kayo, pangako yan." "Pero, Ynah, Saan ka kukuha nang gano'n kalaking halaga e halos kinukulang pa nga ang sweldo mo para lamang sa gamot nang iyong ina" wika naman ni Tiya Conny na nagpatigil sa akin. "A-anak! Huwag nalang, kakayanin ko pa.. Hindi mo makakaya ang gano'n kalaking halaga. U-umuwi na lang tayo kaya ko pa ang sarili ko. Kakayanin ko, A-anak...." "Hindi Nay, lumalala na ang sakit mo sabi ng doctor kailangan ka nang operahan sa loob ng isang buwan." "Pero p-paano saan ka k-kukuha nang gano'ng halaga, Ate?" Saad ng kapatid niya. Saglit akong natigilan sa kanyang tanong. Maging ako hindi ko rin alam ang tamang sagot para sa katanungang yan. "A-ate?" Pukaw ni Yannie sa aking pagkatulala. "A-ako na ang bahala Inay, h-hahanapan ko nang paraan basta magpapaopera kayo gagawin ko ang lahat para makakuha ako ng perang panggamot mo. Kung kinakailangang pagsabayain ko ang mga trabaho gagawin ko para lang gumaling ka" sabi ko bago siya hinawakan sa kamay nang mahigpit. Someone's POV "Did you find the twins? Nasaan na sila ngayon? Your wasting my time, Agent Mondejar. It's been 1 week pero wala parin akong natatanggap na balita sa kambal" Marahas na hinampas ng lalaki ang lamesa gamit ang gintong baston na nasa harapan nito na siyang kinakislot ng dalawang lalaking agent. "Hindi pa ho Señior, hanggang ngayon hindi pa rin namin sila ma-trace. P--palipat-lipat sila nang lugar na pinupuntahan. Base sa huling balita namin nasa b-batanes sila ngayon kasama ng mga kaibigan nila at i-ilang babae" "What batanes! Batanes is to far wala man lang ba kayong magawa para hanapin sila! Anong ginagawa ng kambal sa batanes! " "Balita nang ibang agent na itinalaga namin para sundan sila nasa isang club sila kasama ang iba pa nilang mga kasama. That's the last news, Señior." "Ihanda niyo ang chopper sundan niyo sila at piliting umuwi kinakailangan na makarating sila sa kaarawan ko. Make sure that they will be here next week or else your fired! Find those two jerk bring them back here in the city and tell those 3 guards that they are already fired. Heto ang pera siguraduhin mong wala na ang tatlong gwardiya sa Isla kung ayaw nilang ipatapon ko sila sa dagat at ipakain sa alaga kong pating. Nasaan si Zev kahapon ko pa siya hindi nakikita sa Isla?" puno ng galit at awtoridad na hinarap ng lalaki ang dalawang agent. "He's already in the city, Senior. He's with her certain girlfriend Ms. Del fuego" "Prepair the chopper immidietly. Make sure that you will find them, Mondejar. Alam mo na ang mangyayari sa team niyo kapag pumalpak kayo. Increase there security system and inform me about there location as you could" Nilapag nito ang hawak na baso ng whiskey habang nakatuon ang pansin sa dagat. "Masusunod, Señior" sabay-sabay na wika nila bago lumabas sa malawak na silid na iyon. "WHAT! Kamusta si Tita Isabel okay na ba siya. Anong sabi ng doctor?" gulat na sigaw ni Jamie na ikinalingon ng ilang costumer sa resto. Ang ingay talaga ng boses nito. "P-pwede ba hinaan mo naman ang boses mo. Nakakahiya!" saway niya ng mapansing nakatingin sa kanila ang ilang costumer. Marahil ay nagulat ang mga ito sa sigaw ng kaibigan niya. "Pasensiya na bess, na-shock lang si me. Kamusta na ba si Tita Isabel maayos na ba kalagayan niya." "'Yan nga ang pinoproblema ko, Jam. Kailangang operahan si nanay lumalaki na raw ang butas sa puso niya. Kailangang mahanapan namin siya nang heart donor sa lalong madaling panahon pero ang problema kasi----" "Wala kang kukunan nang pera?" putol nito sa nais niyang sabihin. "O-oo, gano'n na nga" nakayuko niyang ani rito. "Dont worry friend, tutulungan ka namin ni Jamie, bess?" wika naman ni Cristel nang makarating ito sa counter na kinaroroonan namin. Konti pa lang ang costumer sa resto kaya wala kami masyadong ginagawa. Inaayos naman ng ibang crew and staff ng resto ang kitchen corner. "Ano ka ba 'wag ka ngang nanggugulo riyan. Ginulat mo na naman ako ang hilig mo talagang gulatin ako, Tel!" Pinitik ni Jamie ang noo ni Cristel na kinasimangot nito. "What? Im just trying to help, no. Saka kasalanan ko bang magugulatin ka?" "Shut up, witch!" "Tsk! Ilan ba ang kailangan mong pera pwede kitang pahiramin if you want? Pwede kitang pautangin, Ynah" "I need a large amount of money, Cristel. Yon ang sabi nang doctor sa 'kin dahil kailangan pa naming maghanap ng magha-heartdonor. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung saan ako kukuha nang gano'ng halaga kinukulang pa nga 'yong sweldo ko dito sa resto maging sweldo ko sa part-time job." umiiyak kong wika sa kanila. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko nga. Tila pinaparusahan ako ng diyos sa oras na ito. Niyakap ako ni Jamie dahil sa bigat na nararamdaman ko. Yakap na nais kong maramdaman mula sa mga kaibigan ko. "Huwag kang mawawalan nang pag-asa, bess, nandito lang kami ni Cristel na tutulong sa'yo. Magpakatatag ka para sa kanila lalo na kay Tita Sabel. We will try to help you for that money, Ynah. Tutulungan ka naming mag-ipon para diyan." pag-aalo ni Jamie sa kanya. Tumango-tango ako habang nakayakap parin sa kanila. Alam kong nakatingin sa'min ang ilang costumer ng resto but I dont care. "Tama si Jamie, Ynah don't lose hope were always here to help you. You have to be strong" "Boba! In-english mo lang 'yon e." pagtataray na tiningnan ni Jamie si Cristel na ikinatawa ko na lamang habang pinupunasan ang luha ko. "Tchh! pinapatawa ko lang iyang si Ynah. Masyado na kasing madrama ang life niya. Mukhang pwede ng isabak sa K-drama ang kwento ng buhay niya o kaya sa MMK" "Manahimik ka nga diyan asikasuhin mo na nga 'yong sa table 5. Nanggugulo ka lang dito!" Tinaboy nito si Cristel sa harap niya. "Oo na, eto na sus!" sabi nito bago pairap na iniwan kami. Nakasimangot na kinuha nito ang ice bucket at naglakad palapit sa table 5. "Maraming salamat talaga sa inyo ni Cristel, Jamie. Kung hindi dahil sa inyo baka umiiyak na naman ako ng sobra sa problemang dinadala ko." "Dont worry beshy, tutulungan ka namin sa problema mo. What are friends for kung hindi tayo magtutulungan diba. Basta kaming bahala ni Cristel diyan one for all, all for one tayong tatlo. Ohh babalik na 'ko sa kusina ha fix yourself. Hindi bagay sayo ang umiyak ng umiyak. Nakakalusaw ng beauty!" "Oo, bess" pinahid niya ang luha sa mukha at inayos ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD