“You know what, Sam, I don’t know why you’re so distant to me,” he said habang kumakain na kami sa isang restaurant. “Hindi naman kita aanuhin eh,” dagdag pa nito na lumagok ng inumin niyang juice. “Hindi naman po sa ganoon, Sir,” sagot ko naman dito. “Hindi lang po kasi ako sanay sa mga pasaring na ginagawa ninyo sa akin, Sir,” dugtong ko pa rito. “Please, just call me Ace, like Tim, I do really prefer you calling me Ace,” sabi niya. “Pero paggalang po kasi iyon sa inyo, Sir,” tugon ko naman sa sinabi nito sa akin. Umiling naman siya. “Please, Sam, just call me Ace,” ulit niyang utos sa akin. “Okay po, Sir, I mean, Ace,” sagot ko sa kanya. “’Yan, mas okay ‘yan kaysa naman Sir ka ng Sir sa akin, tapos kay Tim ay Tim lang naman ang tawag mo sa kanya,” nakangiti

