Lumapit na nga kami ulit ni Mama kay Tim pagkatapos naming mag-usap nang pabulong. “Hi, Ijo,” bati ni Mama rito. “Pagpasensyahan mo na ako kanina ah. Nagulat lang kasi ako. Akala ko kasi ay bagong boyfriend ka ng anak ko,” wika ni Mama dahilan para manlaki naman ang mga mata ko dahil sa narinig ko. “Ma!” tawag ko na namang sita rito. Pinandilatan ko talaga siya ng mga mata. “Nakakahiya na, Ma,” dagdag ko pa rito. Gusto ko tuloy lumubog na lang sa sobrang hiya sa mga sinasabi ni Mama kay Tim. Hay talaga naman. Nakahihiya kasi talaga lalo na nang makita ko ang expression ng mukha ni Tim. Nagulat talaga siya at napatingin sa amin ni Mama. Hay. Sobrang nakahihiya talaga. “Ay, hindi pa po,” sagot naman niya na kinatingin namin sa kanya ni Mama nang bi

