Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakita ko si Nil na nahihimbing pa sa kanyang pagtulog. Napangiti ako na makita siyang nasa tabi ko pa hindi kagaya noon na nagising na lang ako na wala na siya sa tabi ko. Kahit papaano ay siya ang aking nakikita at kasama hindi ang kumot at unan niya lamang. Bumangon na ako at naghanda ng aming almusal para naman paggising niya ay kakain na lang siya kagaya ng aking ginagawa. “Good morning, Babe,” bati niya sa akin sabay ginawaran ako nang munting halik sa aking mga labi at mahigpit na yakap. “Umm, ang aga-aga, ang sweet mo,” sabi ko naman dito. “Wala lang, I just missed you, Babe, masama bang maglambing sa iyo?” tanong nito. “Hindi naman, nanibago lang ako,” sagot ko naman dito. “Halika na, kain na tayo, breakfa

