“Thank you for dropping me home again, Tim,” sambit ko nang nakababa na ako sa van niya at nandito na sa may baba ng condo ni Nil. “No worries, Sam. Gaya nga nang sinabi ko, it’s fine,” he said habang nakangiti sa akin. Ngiti naman ang naging sagot ko rito. “Um, so, I’ll see on Monday?” tanong nito sa akin. Tumango naman ako rito. “Yes. I’ll see you too, on Monday,” sagot ko naman dito na kinangiti muli niya sa akin. “Bye, Sam,” he said. “Bye, Tim,” paalam ko na rin dito. “Goodnight,” sabi niya tapos sabay beso sa pisngi ko na kinagulat ko naman. Napatda ako sa naging gesture niya. Para kasing below the line na ata ang ginawa niya. “Am, I’m sorry, Sam,” narinig kong hingi niya nang paumanhin nang matapos na ang pagbeso niya sa akin. “I just carrie

