Pagkatapos ng naging paghihiwalay namin ni Nil ay nagtungo ako sa isang lugar kung saan alam kong makakalimot ako. Makakalimot sa mga pangyayari na ni sa hinagap ay hindi ko inaasahan na mangyayari. Hindi ko kasi alam kung paano ko kalilimutan si Nil. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya sa akin, pero ginawa ko na, nangyari na ang kinatatakutan kong mangyari sa aming dalawa, ang maghiwalay kami. Ang tuluyan nang matapos ang aming matagal at iningatang relasyon. May magagawa pa ba ako? Wala naman na. Tapos na eh. May nanalo na. At hindi ako iyon. “Give… me…. another….. shot,” utos na sabi ko sa Waiter ng bar kung saan ako dumiretso pagkatapos naming mag-usap ni Nil. Dito naman kasi dumidiretso ang mga taong nasasaktan o hindi kaya ay

