After naming kumain ay nagpaalam na kami kaagad kanila Tim at kuya Ben para makapagpahinga at makapag-ayos na rin muna ng mga gamit. “Be ready at 7 later, Sam,” nakangiting paalala sa akin ni Tim bago kami naghiwa-hiwalay. “Yes, Sir,” sagot ko namang nakangiti rin sa kanya. Umalis na nga sila habang kami naman ni Mara ay naglakad na pabalik ng hotel. “Uy, Girl, bakit naman gano’n?” sita nito sa akin habang naglalakad na kami pabalik ng hotel. “Oh, ano iyon?” tanong ko naman dito. “Bakit ka inaya ni sir Timothy sa isang table with him?” takang tanong nito sa akin. “Hah? Bakit? May masama ba?” taka ko rin namang sagot dito. “Hay nako, Girl,” sambit nito. “Hindi mo ba alam, kapag magkakasama kami nila sir Timothy at kuya Ben, never kaming pinasabay sa tab

