Iyon ang naging relasyon namin ni Echo sa loob ng isang taon na pagsasama naming dalawa sa iisang bubong. Puro away, paghihinala at kung ano-ano pa ang palaging nangyayari sa amin. Sa una lang kami naging sobrang saya, dahil sa mga sumunod na araw, lingo at buwan ay kalbaryo na para sa akin. Tama nga ang sinabi nila Pit at Daryl sa akin noon, sa una lang ako magiging masaya, dahil darating din ang araw na pagsisisihan ko kung bakit si Echo ang pinili ko at hindi si Sam. At dumating na nga ang araw na iyon. Dumating ang araw na babago sa buhay namin ni Echo. Nag-decide ako na i-surprise si Echo ng dinner with a candle light date sa rooftop ng condo niya, since gusto ko kasing bumawi sa mga naging sagutan namin the past few weeks, kaya naman naisipan ko na mag-hire ng

