"Nagsisimula pa lang tayo, Gladys Sloane. Hindi pa tayo tapos mag-usap." Mabilis niya akong binuhat na parang bagong kasal kaya napayakap kaagad ako sa kaniyang leeg. Itong room na kinuha niya ay kumpleto ang gamit. Magmula sa kusina hanggang sa kuwarto ay walang kulang. Ultimo nga shower room ay mayroon din. Para na siyang apartment kung tutuusin. Kung sabagay ay resort naman ito. Pero madalang lang ay may kusina dahil mas prefer nila na may bumili pa rin sa kanilang restaurant. Napalunok ako ng aking laway nang ilapag niya ako sa kama nang dahan-dahan. Mabilis naman siyang pumaibabaw sa akin at unti-unting tinanggal ang kaniyang damit habang nakatingin sa akin. Dumapo ang aking mga mata sa kaniyang leeg na ngayon ay may iilang marka. Parang nasiyahan ako sa aking nakita kaya sinubuka

