Nanginginig ako sa inis at takot habang iniisip kung ano ang puwede nilang gawin kay Kazimir. Ikinulong kasi nila ako sa kuwarto ko. Alam kong sumunod iyong mga bodyguard ko sa akin habang ang iba naman ay paniguradong nandoon kay Kazimir para bantayan din siya. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Kazimir dahil alam kong kaya niya iyon pero hindi ko pa rin kasi maiwasang hindi kabahan lalo pa at alam ko kung gaano kalala ang mga tabas ng kanilang dila. Sinubukan kong tumingin sa aking kuwarto para sana tingnan kung may mga bodygaurd ba akong nagkalat doon pero wala. Marahil ay nasa labas sila ng gate nagbabantay at alam ko ring may mga kasama rin si Kazimir na bodyguards niya pero fck! Kung kailan na kailangan kong tumakas saka naman sila wala. Gusto ko kasing makita si Kazimir para ma

