Chapter 22 : Spicy hotdog Boris POV “Narito na po tayo, sir,” sabi ng taxi driver sa akin kaya napadilat ako. Nakatulog ako dahil sa kalasingan ko. Naliyo kasi ako lalo sa pagmamaneho ng taxi driver na ito. Para akong nakasakay sa ruweda. Inabot ko na ang bayad ko at saka ako bumaba roon. Pagbaba ko roon ay nakita kong nasa street na ako nila Draven. Tahimik na ang buong kalye. Hating-gabi na rin kasi. Nag-umpisa na akong maglakad. Pagewang-gewang ako sa gitna ng daan. May dumadaang mga naka-motor. Nabubusinahan tuloy ako at kung minsan ay namumura pa dahil halos sakupin ko na ang buong kalsada. Malayo pa ako sa bahay nila Draven kaya malayo-layo pa ang lalakarin ko. Dalawa na ang paningin ko ng oras na iyon. Masusuka na rin ako kaya tumabi muna ako sa isang gilid. Para maibsan ang pag

