Chapter 33

1399 Words

Chapter 33 : Heto na naman siya Boris POV Nakarining ako ng mga yapak papasok sa kuwarto ko kaya napalingon sa pintuan ang bampira. Dahil doon ay agad itong umalis. Saktong pagbukas ng pintuan ng kuwarto ay nakalabas na ang bampira. Niluwa ng pinto ang nanay ni Lori. “Oh, nauna pang nakatulog itong si Lori. Hindi ka manlang ata inasikaso,” sabi niya. Hindi ko siya agad napagtuunan ng pansin. Tumayo kasi ako at saka pumunta sa bintana. Sumilip ako roon. Nakita kong nasa malayo na ang lalaking bampira. “Ayos ka lang ba?” tanong pa ng nanay ni Lori. Sumunod ito sa akin at nakisilip na rin sa bintana. “Ah, opo. Isasarado ko lang po sana ang bintana at masyadong maingay ang mga bibi sa labas,” sabi ko na lang. Mabuti na lang at may mga bibi’ng maiingay sa labas ng bintana. Hindi ko naman k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD