Chapter 4

1494 Words
Chapter 4 : Masseur girl Boris POV Hingal at halos tulala kaming tatlo nang makapasok na kami sa isang milktea shop sa loob ng mall. Nagtitigan na lang kaming tatlo. Walang nagsasalita dahil sa takot na naramdaman namin nang makita namin ang lalaking kasing bilis ng kidlat kung tumakbo. “Para akong nanunuod ng movie kanina. Totoo ba ang nakita natin?” tanong ni Draven na nanlalaki ang mata hanggang ngayon. “Bampira ba iyon o si flash? Bakit ang bilis niyang tumakbo?” tanong naman ni Kennedy. Hindi ako makasagot sa kanila dahil ang una kong naisip ay ang babaeng hinahabol nito. Sigurado akong nasa alanganin ang buhay nito dahil mukhang hindi normal ang nilalalang na humahabol sa kaniya kanina. Kung matapang lang sana ako ay susundan ko pa rin siya, pero mukhang kakaiba talaga ang lalaking humahabol sa kaniya kaya maging sina Draven at Kennedy ay naging duwag din. Lumabas ako sa milktea shop. Sumunod naman sa akin ang dalawa. “Hindi na ba tayo magmi-milktea” tanong ni Draven. “Ayoko na rin. Parang gusto ko nang umuwi dahil sa nakita ko kanina. Parang gusto ko na tuloy maniwala sa mama ko na totoong may mga bampira. Sa nakita ko kasi kanina ay parang bampira iyong lalaki dahil isa sa espesyal na kapangyarihan nila ay mabilis kumilos o tumakbo,” sabi ni Kennedy kaya napatingin ako sa kaniya. “Parang bampira nga ang lalaking ‘yon. Kung hindi ako nagkakamali ay parang nakita ko kanina ang paglabas ng pangil niya kanina. Kahit naka-side view siya ay tanaw ko ang matulis nitong ngipin. Saka, parang naging pula rin ang mata nito e,” sabi ko kaya napangiwi ang mukha ng dalawa. “Umuwi na tayo. Ayoko na. Nakakatakot ang mga bampira. Baka hindi lang siya nag-iisa rito. Baka marami sila,” duwag na sabi ni Draven kaya pumunta na kami sa parking area ng mall para umuwi na. Napapailing na lang ako. Babae ang hanap namin pero mukhang iba ang nakita namin. First time kong makasaksi niyon kaya maging ako ay hindi makapaniwala hanggang ngayon. “Tara na lang sa condo ko. Ipagpaliban na muna natin ang paghahanap ng mapapangasawa mo dahil may ituturo muna ako sa iyo, Boris, para maging bihasa ka na kapag may girlfriend ka na,” sabi ni Kennedy kaya natawa ako. Alam ko na ang binabalak niya. Tiyak na may inaya na naman siyang babae sa condo niya. “Ano ‘yan? Magdadala ka na naman ng babae sa condo mo?” tanong ni Draven. Maging ito ay alam na rin ang binabalak niya. “Wait. Ganito kasi ‘yan. Hahayaan kong manuod kayo sa amin ng live para matuto na itong kaibigan nating si Boris na maging wild sa babae. Nang sa ganoon ay kahit mataba siya ay kahit pa paano ay may alam siya sa pang-aakit o pag-galaw sa babae. Yes, s*x ang tinutukoy ko rito,” paliwanag ni Kennedy kaya natawa kami ni Draven. “Gag* ka ba? Panunuorin ka naming habang nakikipag-s*x ka sa babae mo? Seryoso ka ba?” hindi makapaniwalang tanong ni Draven. “Mga gunggong ba kayo? Twenty years old na tayo. Hindi na tayo bata para hindi i-enjoy ang life natin. Alam ko naman na wala pa kayong karanasan sa pakikipag-s*x sa mga babae pero ako na ang nagsasabi sa inyo na kapag nasubukan niyo ay tiyak naman na hahanap-hanapin niyo na iyon.” Buo talaga ang loob niya na manuod kami sa pakikipag-s*x niya sa babae niya kaya pinatulan na rin namin ni Draven. Kahit ayoko man ang manuod sa kanila ay pumayag na rin ako. Mainam na rin iyon para makapanuod na ako ng ganoong sa live. Syet. Natatawa talaga ako sa kaniya. Pagdating namin sa condo ni Kennedy ay sobrang libag ng loob nito. Ang daming nagkalat na bote ng alak, mga pagkaing panis na mukhang ilang araw na naroon, mga damit at kung anu-ano pa na masakit sa mata. Ang saraula ng kaibigan naming ito. “Kadiri ka naman, Kennedy. Ang yaman-yaman mo pero hindi mo magawang ipalinis itong condo mo,” panunukso ko sa kaniya kaya umirap siya sa akin. “May dahilan ako kung bakit ayokong ipalinis ito sa iba. Naghalang kasi sa buong paligid ang mga s*x toy ko na in-order ko pa sa ibang bansa. Alam niyo kasi, aamin na ako. Ang condo na ito ay para talaga sa pamba-babae ko. Iyon na lang kasi ang nagtatanggal ng stress dahil sa work ko. Kapag nakikipag-s*x ako ay sumasaya ako at nare-relax.” Nag-umpisa na siyang maglinis dahil in 15 minutes daw ay darating na ang babae niya. Pati tuloy kami ay nautusan pa niyang maglinis kaya natatawa na lang kami ni Draven. Pakiramdam namin ay pinagti-trip-an na lang kami nitong si Kennedy. Pagkatapos naming maglinis ay kinuha niya ang mga cellphone namin kaya muli na naman kaming nagulat ni Draven. “T-teka, bakit may pagkuha ka pa ng cellphone sa amin?” reklamo ko sa kaniya. “Oo nga, ano bang trip mo, Kennedy?” sabi naman ni Draven na nakakunot ang noo. Ngumisi ito at saka nilagay sa cabinet niya ang mga phone namin. “Mahirap na, baka kuhanan niyo pa kami ng video. Papayag na nga akong makita niyo ang lahat-lahat sa amin, pero ang pagkuha ng video ay hindi na kaya hanggang hindi kami natatapos mag-s*x ay sa akin muna ang mga phone niyo,” sabi niya kaya napailing na lang kaming dalawa. Sa tapat ng kama niya ay may malaking puting aparador. Ang sabi ni Kennedy ay roon kami magtatago at manunuod habang nagse-s*x sila. May butas naman doon kaya makikita raw namin ang gagawin nila. “Oh, basta, Boris, tandaan at pag-aralan mo na agad ang mga makikita mong moves ko. Gayahin mo ako para kapag nag-asawa ka na ay maligayan naman ang magiging asawa mong babae,” sabi sa akin ni Kennedy kaya tumango na lang ako. Sinasakyan ko na lang ang kagaguhan niya. “Syet! Ngayon ko na malalaman kung daks ka ba talaga o juts. Dati ka pa kasi nagyayabang sa amin. Ang sabi mo ay palaging napapaiyak ang babaeng nagagalaw mo kaya magkakaalaman na mamaya. Makapagyabang ka pa kaya pagkatapos nito?” Napapangisi si Draven. Noon pa man kasi ay usap-usapan na ang mga size ng mga sandata nila. Dati pa sila nagyayabangan sa kung sino ba ang may mas malaking size na talong sa kanilang dalawa. Mga gago lang talaga ang mga ito dahil ayaw naman nila magpakitaan kaya walang makakaalam kung sino ang may mas malaki ang batuta. “Hindi na lang ako magto-talk. Manuod at titigan mo na lang ang bur*t ko mamaya,” pagmamayabang ni Kennedy. Natatawa na lang ako kapag sasabihin nito ang nakakatawang bastos na word na iyon. Kapag kaming tatlo na lang talaga kasi ang magkakasama ay nawawala ang mga hiya namin. Kahit anong gustong sabihin ay sasabihin nila. Pero ibahin ako dahil pili lang ang mga bad words o bastos na words na sinasabi ko. Nagmumura rin naman ako at nagsasabi ng mga bastos na salita, pero iyon ay kapag lasing lang ako. Ewan ko, sadyang pinalaki lang akong maayos ng mga magulang ko. “Pumasok na kayo sa loob ng cabinet at nariyan na si Jessica sa labas ng condo ko,” utos niya sa amin kaya sinunod naman namin siya. Nang makapasok na kami sa loob ng cabinet ay ginhawa naman ang pakiramdam namin roon dahil maluwag iyon. Wala kasing gaanong laman na damit doon dahil hindi talaga siya nagdadala ng mga gamit dito. S*x place lang talaga niya itong condo. “Hindi ako makapaniwala na hahayaan niya tayong manuod kung paano siya umiy*t. Ang lakas talaga ng sapak ng kaibigan nating ‘yan,” natatawang sabi ni Draven kaya tumawa na lang din ako. Ngayong gabi ay makakasaksi na ako ng live na nagse-s*x. Sa totoo lang ay hindi naman ako inosente. Walang alam sina Kennedy at Draven na madalas akong manuod ng p*rn video. Madalas din akong magsaril*. Narinig ko kasi sa iba na masama ang hindi nagpapalabas ng katas. Magkakasakit daw kaya dalawang beses sa isang linggo ay nagma-mast*rbate ako para mapaligaya ko rin naman ang sarili ko. Hindi naman sa pagmamayabang. Kahit kasi mataba ako ay hindi naman nagpapatalo ang kung anong mayroong haba at taba ang sandata ko. Ito na lang ata ang maipagmamalaki ko sakaling magkaroon ako ng girlfriend o asawa. Mayamaya ay bumakas na ang pinto ng condo ni Kennedy. Sabay na pumasok sina Kennedy at ang babaeng pagti-trip-an niya ngayon sa kama. Nakita ko na may dala-dala itong mga bote. Kung hindi ako nagkakamali ay parang mga langis iyon. “Massage muna ba o happy ending agad?” tanong ng babae sa kaniya. Masseur girl pala ang babaeng naaya niya ngayon. “Happy ending na agad para masaya,” tatawa-tawang sagot ni Kennedy na tila nahihiya pa. Gunggong talaga itong kaibigan namin. Natatawa na lang tuloy kami ni Draven dito sa loob ng cabinet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD