Chapter 20 : Cancel again Boris POV Nakakainis. Gusto ko sanang maging safe na ang pamilya ni Lori, pero hindi siya mismo ang ayaw pumayag na ilagay ko sila sa mamahaling hospital. Sa private room na walang makakapasok na iba kung di siya lang. Malakas kasi ang kutob ko na bampira ang may gawa niyon sa ama niya. At dahil sa nangyari ay naniniwala na akong si Lori nga ang babaeng nakasunggo ko noon sa mall na hinahabol ng bampira. Ayaw lang umamin ni Lori o baka sadyang wala siyang naaalala dahil baka may ginawa sa kaniya ang bampira para mawalan siya ng alaala. Nasa restaurant ako ngayon. Bumili ako ng pagkain para kay Lori at sa nanay niya. Naisip kong samahan na lang muna ngayong gabi si Lori dahil mukhang hanggang ngayon ay tulala at wala pa rin siya sa tamang pag-iisip. Mahal na mah

