Chapter 17 : Huli Boris POV Ang resort nila Draven ay napuno ng mga hiyawan naming apat. Kami iyong malalakas uminom, pero mabilis tamaan ng alak. Mga feeling strong, pero hindi naman. “Oh, hindi ka ba maliligo, Borbor?” tanong sa akin ni Andrich nang makapagpalit na siya ng damit panligo. Nakatayo kasi ako sa tabi ng isang poste ng ilaw habang nakatanaw sa dalawang siraulo na sina Draven at Kennedy na nagpapagalingan sa paglangoy sa swimming pool. “Mamaya na. Parang malamig pa rin kasi e,” sagot ko. Mayamaya ay huminto na rin siya sa tabi ko. “Wala ka bang napapansin sa kaniya?” bigla niyang tanong habang nakanguso sa dalawa kong kaibigan. “Napapansin? Kanino?” “Kay Draven.” “Bakit? Ano bang napapansin mo?” Napatingin tuloy ako kay Draven. “Isipin mo. Matagal na pala siyang wal

