Chapter 8

1743 Words
Chapter 8 : Welcome back, Andrich! Boris POV “Paano mo nalaman na dugo ang laman ng box na ‘yon? Nakapagtataka naman,” tanong ko kay Andrich nang kasama ko na siya sa loob ng office room ko. Dala-dala niya roon ang dalawa niyang malaking maleta. Dito pala siya tumuloy sa factory para i-surprise ako. “Nang papasok na kasi ako kanina dito sa factory mo ay may nakita akong lalaking naghahakot ng mga box ng mango juice. Nakita ng mata ko ang isang ilalim ng box na puno ng dugo. Nang una ay nagtaka ako dahil mango juice ang alam kong laman niyon. So, ibig sabihin ay dapat orange o yellow man ang katas niyon, pero bakit kako kulay pula ang katas na lumalabas sa karton. Ang mali ko lang ay hinayaan ko lang na maisakay sa truck ang kahon na ‘yon. Masyadong mabilis sa paghahakot ang lalaki kanina kaya nang gusto ko na sana ‘tong pigilang makapunta sa truck ay nahuli na ako. Nang sundan ko siya roon sa mga truck ay pabalik na siya sa loob ng factory.” “At doon ka na nagsimulang manggulo sa mga truck?” tanong ko habang pinagtitimpla ko siya ng kape. Hindi pa raw kasi ito nag-aalmusal. “Oo. Ilang beses mo na kasing nasasabi sa akin na nagkakaroon ng problema ang factory mo dahil sa mga palpak mong mga tauhan. Nang una ay naisip ko na rin na baka may naninira sa ‘yo kaya nang makita ko kanina ang dugo sa loob ng box ay napatunayan kong may tao nganng pilit kang pinapabagsak. At iyon ang mission ko. Ipaubaya mo na sa akin ‘to, Borbor,” sabi niya at saka ngumisi nang i-abot ko na sa kaniya ang kape niya. Napansin ko na malaki ang pinagbago niya. Kung dati ay maganda na itong lalaki ay mas grabe pa ngayon. Halatang batak ang katawan nito sa gym dahil halos iisa lang ang  hubog ng katawan nila ni Kennedy ngayon. “Borbor? Hanggang ngayon ba naman ay utal ka pa rin?” Borbor na kasi ang tawag niya sa akin simula pa noon. Utal kasi si Andrich noong bata pa siya. Sa tuwing sasabihin niya ang pangalan kong ‘Boris’ ay ‘Borbor’ ang nasasabi niya dahil maikli ang dila nito. “Baliw ‘to. Tagal-tagal ko nang tinatawag sa ‘yo ‘yan, hindi ka pa masanay.” Tumingin siya sa buong sulok ng office room ko. Tila sinusuri niya ang lahat at mukhang alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Interior designer kasi ito. “Ipaubaya mo na rin sa akin ‘tong office room mo. Wala kang gagastusin, regalo ko na ang pagpapaganda rito,” sabi pa niya kaya napailing na lang ako. Pigilan mo man siya ay hindi rin ako mananalo. Kilala ko na ito. Kapag gusto niya ay walang makakapigil. Sa ayaw at sa gusto ko ay gagawin niya pa rin. May kumatok sa pinto ng office room ko. “Pasok,” sagot ko kaya pumasok na ang isang emplayado ko. “Sir De Luca, need na po ng pirma niyo para makaalis na ang mga truck,” sabi nito sa akin. “Teka, na-check na ba ang lahat? Wala na bang box na may lamang dugo roon?” tanong ko pa. “Yes, sir, na-check na pong mabuti lahat. Malinis na malinis na po ang mga laman ng box. Lahat ay mango juice na ang laman.” “Good.” Kinuha ko na ang papel at saka ako pumirma roon. “Salamat po, sir,” sagot nito matapos akong pumirma. Paglabas niya ay kinuha ni Andrich ang isang malaki niyang maleta. Binuksan niya iyon at saka isa-isang nilabas ang mga pasalubong niya sa akin. Damit, sapatos, cap at saka isang laruan na tila pamilyar sa akin. Nakangiti siya nang i-abot niya sa akin ang tila laruan na iyon na ginagamit ng lalaki kapag gustong magpasarap ng sarili. “Alam mo ba ‘yan?” tanong niya habang hawak ko na iyon. Doon ko nakumpirma na s*x toy nga iyon. Malambot iyon at kung ipapasok doon ang manoy ko ay parang nakapasok na iyon sa petchay ng babae. Dati ko pa talaga gustong bumili niyon. Nahihiya lang ako dahil kapag may dumarating na parcel sa bahay ay mga maids ang unang magbubukas para sa kaligtasan namin. Dati kasi ay may b*mba, patay na daga at kung anu-ano pang nakakatakot at nakakadiri ang nakakarating sa bahay namin. May mga kalaban din kasi ang pamilya namin. Ang dami na kasi naming negosyo rito sa buong Pilipinas. Tapos tatakbo pang mayor si papa ngayong nalalapit na eleksyon. Maraming sura sa pamilya namin kahit wala naman kaming ginagawang masama. Inggit ang nakikita naming dahilan kaya siguro ganoon sila sa amin. Tangina. May nanghahagis nga ng bato sa bintana ng kuwarto ko e. Ang pagkakaalam ko ay wala akong kaaway kaya bakit ganoon ang mga tao sa amin. Kapag nalaman ko lang kung sino ang gumagawa niyon, kahit mataba ako at minsan ay duwag ay lalaban ko siya. O, ‘di kaya naman ay mabubulok siya sa kulungan. “A-ano ba ‘to?” pagkukunwari kong wala akong alam. Alam ko naman na s*x toy ang bigay niya. Madalas ko kasing makita iyon sa pinapanuod kong p*rn site. Nahihiya lang kasi ako sa kaniya. Ayokong malaman niya na maalam din ako sa mga ganoong bagay. “Hindi mo ako maloloko, Borbor. Alam kong alam mo na ‘yan,” sagot niya habang tinatawanan ako. “Ang lala mo rin. Bakit naman pinasalubungan mo ako nito?” Napapakamot na lang ako ng ulo. “Dahil alam kong minsan ay kailangan din nating magpasarap ng sarili. May ganiyan din ako at madalas din akong gumamit ng ganiya. Magagamit mo ‘yan para mapaligaya mo naman ang sarili mo. Tama na ang puro kamay lang. Boring na ‘yon. Gamitin mo ‘yan at tiyak na mapapadalawa ka ng pagjajak*l sa isang araw.” Nang maging matured na si Andrich ay tila nawala na ang pagiging good boy nito. Ibang-iba na siya ngayon. Sabagay, talaga namang nangyayari iyon sa lahat ng tao. “Luko ka na talaga. Anyway, ano na? Ano nang gagawin mo rito?” “Busy ka ba, today?” “Hindi na. Pumasok lang naman ako para pumirma. Wala akong masyadong work ngayon.” “Kung ganoon ay ipag-drive mo na muna ako pauwi sa mansyon. Wala pa akong tulog. Matutulog lang ako saglit at pagkatapos ay mag-bar tayo mamayang gabi,” sabi niya kaya tumango na lang ako. Nasa timing ang uwi niya. Magugulat siya kapag nakita niya si Lolo Tobin. Maganda iyon para kay lolo. Habang malakas-lakas pa ito ngayon ay makakasama na rin niya ang isa pa niyang paboritong apo. “Mahina na si Lolo Tobin, Andrich,” sabi ko sa kaniya habang nagmamaneho na ako ng sasakyan pauwi sa mansyon. “Nasabi nga sa akin nila mama at papa. Kaya nga ako biglaang umuwi, e. Gusto kong makasama naman siya. Dito na muna ako hanggang sa tuluyan na siyang mawala. Marami akong utang kay lolo. Marami akong gagawin para mapasaya siya. Ngayon na ako babawi habang may oras pa,” sabi niya kaya napangiti ako. Mabuti naman at dalawa kaming magpapasaya ngayon kay lolo. Pero sa lalong madaling panahon ay kailangan ko na ring gawin ang hinihiling nito sa akin. Saan ba kasi ako makakahanap ng babae. Bakit kasi wala akong alam sa pambabae. Kung mambabae man ako ay may papatol naman ba? Ang hirap ng sitwasyon ko. Siguro, dapat ko nang mag-umpisang magpapayat. Kaya lang, baka kung kailan payat na ako ay wala na si lolo. Hindi ko manlang matutupad ang wish niya kapag iyon ang inuna ko. “Nalulungkot nga ako kapag nakikita ko siya. Kaya naman kapag may time ako ay pipuntahan ko siya at binibilhan ng mga pagkain na alam kong paborito niya. Sa ganoong paraan ay kahit pa paano ay napapasaya ko siya.” “May wini-wish na ba sa ‘yo si Lolo Tobin?” tanong niya bigla kaya naging seryoso bigla ang mukha ko. Nahihiya ako sa kaniya. Panay naman ang pagsisinungalin ko sa kaniya noon na marami na akong naging jowa. Ngayon na niya malalaman ang mga kasinungalingan ko. “G-gusto na niyang makita na ikasal na ako habang malakas pa siya. Iyon ang last wish niya sa ‘kin.” “Nice. Tuparin mo na. May girlfriend ka naman ‘di ba?” Sabi na e. Alam kong iyon na ang susunod na sasabihin niya. “Aamin na ako, Andrich. Loko-loko ko lang ang lahat nang sinabi ko sa iyo na may naging girlfriend ako.” Nag-umpisa nang mawala ang mga ngiti niya sa labi. Alam kong nadismaya siya sa narinig ko. “H-ha? Loko-loko? Anong ibig mong sabihin?” “Wala talaga akong naging girlfriend. Hanggang ngayon. Tignan mo naman kasi ako. Sa tingin mo ba ay may babaeng magkakagusto sa ganitong sobrang taba ng katawan?” Hiyang-hiya tuloy ako lalo sa kaniya. Nanliit ako bigla sa sarili ko. Ito pa naman ang ayaw ko. Ang ako mismo ang unang nagda-down sa sarili ko. Tumawa siya bigla. “Ano ka ba. Okay lang ‘yan. Guwapo ka naman. Bawing-bawi ka naman sa mukha kaya tiyak na may magkakagusto pa rin sa ‘yo,” sabi niya na hindi manlang nagalit kahit nagsinungaling ako sa kaniya. “Sorry kung nagsinungaling ako, Andrich.” “Tangina! Parang bakla! Masyado kang mabait at pa-good boy. Hindi na uso ang ganiyan sa ganitong edad natin. Kalimutan mo na ‘yon. Ayos lang sa ‘kin na nagsinungaling ka. Pero dahil may kasalanan ka naman na sa ‘kin. May parusa ka sa ‘kin. Ang gusto ko ay magjowa ka na. Tuparin mo na rin ang hiling ni lolo. Gawin mo ‘yon para makabawi ka sa kasalanan mo sa ‘kin,” sabi niya kaya ngumiti ako at saka tumango na lang. “Sana makahanap na nga ako. Naghahanap na rin nga ako. Nagpapatulong ako kay Draven at Kennedy.” “Count me in. Tutulungan na rin kita. Saka, imbitahan mo na rin sila mamayang gabi. Gusto ko na rin ma-meet ang dalawa ‘yon na madalas mong ikuwento sa ‘kin.” Hindi maganda ito. Mukhang lalong mapapariwala ang buhay ni Andrich kapag natropa na rin siya sa dalawang iyon. Sigurado ako na kapag nagsama-sama kaming apat ay isang malakas na bagyo ang mabubuo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD