Sa aking Pinakamasama:Chapter 5

1424 Words
Sa aking pinakamasama Genre: Supernatural/fantasy . Chapter 5 . Pawis na pawis akong nagising mula sa mahabang pagkaka tulog. Habol ang hininga habang umaalon ng malakas ang dibdib. Hindi ko makalimutan ang pangyayaring naranasan ko pero masaya ako dahil isa lamang pala iyong panaginip at hindi totoo. Subalit kahit anong pag pikit at pag mulat ko ng aking mata ay malinaw ko pa din nakikita ang lugar na nakita ko sa panaginip. Ang lugar kung saan may nakakatakot na tinig. Isang napakasamang bangungot na ayoko ng maranasang muli. . "Anong nangyari sayo bakit pawis na pawis ka?" . May pag-aalalang tanong ni tiya habang ginagamot ang mga sugat ko. Napatingin ako sa kanya at marahang nilibot ang paningin sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng mapansing nandito pa rin ako nakahiga sa aking silid. May mga benda at may mga galos sa katawan. Sapat na itong patunay para sabihing nagising na nga ako mula sa nakakatakot na karanasan. . Agad akong umiling kay tiya at dahan dahang umupo. . "Wala po iyon, nanaginip lang ng masama." . Ani ko habang pinupunasan ang mga butil ng pawis na kanina pang nag-uunahang tumulo sa buong mukha ko. Tumango siya at muling nag patuloy sa pag gagamot. Muli siyang tumahimik habang ginagawa ito. Nag-aalala ako. . "Galit kaya siya sakin ngayon?" . Gusto kong malaman. Humugot muna ako ng malalim na hininga at nag simulang itanong ang bagay na kagabi ko pang inaalala. . "Tiya galit po ba kayo sa akin?" Kinakabahan kong tanong habang nakatitig sa kanya. . "Bakit ako magagalit sayo may ginawa ka ba?" Hindi tumitinging tanong niya. Napapikit ako at dahan dahang tumango. . "Meron po." . Nahihiyang ako. Natatakot sa kung anumang magiging reaksyon nito. . "Pano nalang kung galit nga siya?" . Baka palayasin nila ako. Pag nagkataon hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. Tumingin ako kay tiya at pinanuod ang ginagawa niyang pag tapal ng dahon sa mga sugat ko. Nang matapos sa kanyang ginagawa, tumabi siya sakin at hinawakan ang dalawang palad ko na may pag pisil na kasama. . "Hindi ako galit sayo pero pinag-alala mo ako ng husto. Wala man lang akong kamalay malay na wala kana pala sa loob ng bahay at nanganganib na pala sa labas ang buhay mo? Paano nalang kung may nangyari ngang masama sayo sa loob ng gubat? Ano nalang ang gagawin ko?" . Sambit niya na nag patahimik sakin. Batid kong hindi na ako iba kay tiya. Itinuring niya akong anak sa maikling panahon na nakasama ko siya. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha na nakikita ko din kay mama. Nangilid ang luha ko. Nangungulila ako sa pagmamahal ng isang ina ngunit sa katauhan ni tiya pinunan niya ang kakulangan na yon. Ramdam kong nag-alalasiya sakin ng husto. . "Patawad tiya, hindi ko na po uulitin." . Mahina subalit bukal sa puso kong wika. May kasalanan ako kaya kaylangan kong humingi ng tawad. Yun ang alam kong paraan para mawala ang pag-aalala niya. . Bumaling ito sa pwesto ko at marahang hinaplos ang aking buhok. Madalas tong gawin ni mama sakin. Pakiramdam ko ilang saglit nalang iiyak na ako. Hindi dahil pinag sasabihan ako ni tiya kung hindi dahil miss na miss ko na ang mama ko. . "Parehas kayo ng yong ina. Iyakin. Sa tuwing pinag sasabihan siya dati ng aming ina nangingilid din ng ganyan ang mga luha niya. Nakakatuwa, nakuha mo pa pati ang ugali niya." Natatawang sambit nito habang pinupunasan ang mga luha ko. Napangiti ako at mabilis na sumang ayon. . "Tama ka tiya, iyakin nga si mama. Sa mga simpleng iyakan sa tv naiiyak agad siya. Sa tingin ko may pag kakapareho nga kaming dalawa." Natatawa kong pag sang-ayon kaya pareho kaming natawa. . Madami kaming napag kwentuhan tungkol kay mama subalit ilang saglit lang nag seryoso na siyang muli. . "Mabalik tayo, ano nga palang dahilan ng pag pasok mo sa loob ng gubat? . Natahimik ako sandali. Sasabihin ko bang nag hanap lang ako ng pang gatong o sasabihin kong nang habol ako ng kuneho? Baka lalo lang siyang magalit sa pangalawang dahilan ko. Aaminin ko ba? O mag lilihim nalang ako sa kanya? Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot. . Una kong inamin ang tungkol sa paghahanap ko ng kahoy. Subalit hindi din ako nakatiis at naamin ko din sa kanya ang pag habol ko sa kunehong namataan ko sa loob ng gubat. Nang marinig niya ang naging dahilan ko napatingin siya sakin at napa buntong hininga. Napailing pagkatapos. . "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo. Basta wag mo ng uulitin ang pag-alis ng walang paalam. Kung maubusan man tayo ng kahoy mag sabi ka lang sa tiyo at pinsan mong si gun kasi gawain nila yon. Hindi natin. Kahit gaano pa sila ka busy sa kanilang gawain mag sabi kalang sa kanila o sa akin maliwanag ba?" . "Opo." Mabilis kong tugon . "Isa pa. Yung tungkol sa kuneho na nakita mo sa gubat. Ahm sa susunod na makakita ka ng mga kunehong nag kalat sa paligid wag na wag mo silang lalapitan o hahawakan. Pinag babawalan kasi ang mga naninirahan dito na gambalain sila. Tirahan nila ang buong kagubatan. Malaya sila doon kaya dapat lang na respetuhin natin ang kanilang kalayaan May buhay din sila at ayaw na nagagambala. Kaya sa susunod na makakita ka ng kuneho iwasan mo nalang sila." Paalala ni tiya na agad ko namang naintindihan. . Matapos ng ilan pang paalala nag pasya na itong lumabas ng silid ko. Subalit bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto ay bigla akong may naalalang itanong sa kanya. . "Ahm tiya sandali lang po!" . Pigil ko. May pagtataka naman siyang napalingon sakin. . "Bakit may kaylangan ka pa ba?" . "Opo. Gusto ko lang pong itanong yung tungkol sa lalaking nag hatid sakin dito sa bahay. Ahm ano po kilala mo po ba siya? . Halata ko ang pag ka gulat sa kanyang mukha. Subalit agad din itong nawala ng makita niyang nakatitig ako sa kanya. . "Ahm o-oo kilala ko siya anak. Siya si Dome Villarama. Ang pamilya nila ang siyang may-ari nang buong kagubatan. Marahil nangangaso siya nung araw na naligaw ka kaya nandoon siya. . "Sa kanila ang buong kagubatan? Kung ganun mayaman pala sila.. Alam mo po ba kung saan siya nakatira? Gusto ko po sana siyang pasalamatan sa pagkaka ligtas niya ng buhay ko eh. Gus- . "Hindi na kaylangan!" . "Po? Pero?" . "Napa salamatan na namin siya ng tiyo mo sa ginawa niyang pag liligtas ng buhay mo. Kaya okay lang kahit hindi mo na siya hanapin pa." . "Pero tiya-" . "Tama na! Sundin mo ang bilin ko vel wag matigas ang ulo! Wag mo siyang lalapitan dahil hindi ordinaryo ang pamilya nila. Ang angkan nila ang namumuno sa buong probinsya. Sila ang batas dito kaya hindi karapat dapat na lapitan natin sila! O kahit man lang kausapin, dahil wala tayong karapatang gawin yon. Mababa lang ang angkan natin at ayokong mag karoon ng problema kaya makinig ka sakin. iwasan mo siya maliwanag ba!? . Kahit naguguluhan tumango nalang ako bilang pagsang ayon kay tiya. Baka nga tama siya. Baka nga pinangangalagaan lang nito ang katahimikan ng kanilang pamilya. . "Mabuti kung ganun. Wag mo sanang masamain anak iniiwas lang naman kita sa gulo. Masyadong makapangyarihan ang kanilang angkan para mag karoon tayo ng anumang koneksyon sa kanila. Mas mabuting manahimik nalang tayo at umiwas sa kanila." . Minuto na ang lumipas buhat ng lumabas si tiya sally sa silid ko pero hindi pa din nabura sa isip ko ang mga sinabi niya. . "Batas ba talaga ang lalaki na yon sa buong probinsya?" . Siguro nga base palang sa taglay niyang kayabangan mukha namang mataas talaga ang tingin niya sa kanyang sarili! . Gustuhin man kitang pasalamatan pero kaylangan kong sundin ang bilin ni tiya. Mahirap na baka ako pa ang maging dahilan kung bat magiging magulo ang buhay nila. . Sa kabilang banda . Mula sa taas ng puno ay may mga matang nag mamatyag sa dalaga. Kahit gaano pa ito kalayo ay nakikita siya ng matalim nitong mga mata. Simula pa nung gabing dumungaw si vel sa bintana, nakamasid na ang binata sa kanya. Naka bantay at pinapanuod ang bawat kilos niya. . "Ang dami mong natamong pinsala sa katawan. Yan ang napapala ng babaeng hindi nag-iingat! Bulong ni dome habang tinatanaw mula sa kanyang pwesto ang nakaupong dalaga na natatanaw niya mula sa nakabukas nitong bintana. . ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD