Sa aking pinakamasama: Chapter 7

1867 Words
Sa aking pinakamasama Genre: Fantasy By: Margaux Reign . Chapter 7 . Namalik mata ba ako? May nakita nga ba akong dalawang lalaking nakaupo sa taas ng puno kanina? Subalit paano? Naka pwesto sila sa dulong bahagi ng kagubatan kaya paanong sa ganun kalayong agwat naulinagan ko sila? Baka naman namamalikmata lang ako? Hindi malinaw sa paningin ko ang kanilang bulto, masyadong malabo. Marahil namalikmata nga lang siguro ako. . "Tahimik ka, may masakit pa ba sayo?" . May pag-aalalang tanong ni tiya sabay dikit ng kanyang palad sa aking noo. "Hindi ka naman mainit, ano bang nararamdaman mo?" . Napabalikwas ako at agad na umalis mula sa pag kaka dungaw sa bintana ng sinasakyan naming kalesa. Buhat ng sumakay ako dito lumilipad na ang isip ko habang inaalala ang mga nakita ko kanina. Hindi kasi yon mawaglit sa isip ko. Nalilito ako kung totoo nga ba o hindi ang nakita ko. . Napalingon ako kay tiya na nasa tabi ko at agad na umiling. . "Wala po akong sakit tiya, sadyang natutok lang ang paningin ko sa magagandang tanawin na nadadaanan natin." tugon ko para pagaanin ang loob niya. . Pansin kong napa dako din ang paningin nila tiyo at kuya gun sa akin. Marahil, kanina pa din nila napapansing may gumugulo sa aking isipan. Nginitian ko silang dalawa. Gumanti naman sila nang ngiti sa akin kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag. Ayokong nag-aalala sila sakin ng ganito. Pakiramdam ko nagiging pabigat na ako sa kanilang tatlo. . "Ganun ba? Wag kang masyadong tahimik nag-aalala ako sayo." Saad nito sabay haplos ng pisngi ko. "Siya nga pala anak ano bang gusto mong bilhin sa bayan? Gusto mo ba ng bagong damit, sapatos o baka naman mga alahas? Sabihin mo lang sa akin at bibilhin ko para sayo." . Napalunok ako at agad na umiling. . "Hindi ko naman po kaylangan ng mga bagong gamit tiya. Sapat na po sakin ang isang jacket para magamit sa darating na tag lamig." Mabilis kong tugon bilang pagtanggi sa alok niya. . "Sigurado ka bang yun lang ang gusto mo? May pera namang iniwan ang iyong ina para mabili ang anumang bagay na naisin mo. Kung inaalala mo ang pera para sa yong pag-aaral wag kang mag-alala anak natabi ko na ang iba para sa kinabukasan mo. Madami pang natitira doon kaya wag mong tipirin ang sarili mo. Bilhin mo ang anumang bagay na naisin mo." . Hindi ako mahilig sa materyal na bagay. Lalo na kung hindi naman ganun ka importante. Kung ano lang ang kaylangan ko yun lang talaga ang binibili ko. Subalit nahihiya na akong tumanggi kay tiya. Batid kong inaalala lang niya ang pangangailangan ko. . Yumakap ako sa braso niya at humilig. . "Suko na ako. Panalo na po kayo. Pag may natipuhan akong bagong gamit sa bayan sasabihin ko agad sa inyo." Nakangusong sambit ko. Pareho sila ni mama hindi ko sila kayang tanggihan. . Natawa si tiyo tony sa sagot ko. "Kagaya nga ng inaasahan ko walang sinumang maka tatanggi sa tiya mo." Pagka sabi noon ay mabilis siyang hinampas ni tiya. "Chismoso ka!" Singhal niyang pabalik kay tiyo. . Napahagikgik kami ni kuya gun. Sanay na kaming nakikita silang nag-aasaran. Ito kasi ang daan ni tito para mag lambing kay tiya. . Nabaling ang pansin ko sa pag-aasaran ng mag-asawa kaya hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa b****a ng pamilihang bayan. Maliit ito kumpara sa mga pamilihang bayan sa syudad subalit masasabi kong mas malinis itong tignan dahil maayos na nakahilera ang bawat tindahan. . Dinala ako ni tiya sa tindahan ng mga damit. Sila tiyo at kuya gun naman ay humiwalay sa amin para mamili ng mga gamit sa pag sasaka. Anya magkita-kita nalang daw kami sa b****a bago sumapit ang takipsilim. . Sa tindahan ng mga damit kami dumiretso para mag tingin-tingin. Madami siyang biniling gamit para sakin. Bukod sa bagong damit, binilhan din niya ako ng sapatos, pabango, sabon at kung ano-ano pa. Sa sobrang dami halos tinanggihan ko na nga lang ang iba. . Habang nag titingin si tiya sa loob ng tindahan napagawi ang tingin ko sa tindahan ng mga libro. Matagal na akong hindi nakakapag basa kaya mabilis akong nagpaalam kay tiya para puntahan ang lugar. . "Sige dun nalang tayo mag kita mamaya. Wag kang aalis doon para agad kitang makita." Bilin niya sakin. . Mabilis akong tumango. "Sandali lang po ako doon eh babalik din po ako agad dito" wika ko sabay halik sa pisngi niya. . "Kung ganun mag-iingat ka." . Tumango ako at agad na umalis para tumungo sa tindahan. Pag bukas ko sa pinto agad akong sinalubong ng makapal na alikabok. Napaubo ako at napatakip ng ilong. Medyo maalikabok ang lugar at walang kahit isa mang tao. . "Talaga bang nag bebenta sila ng libro dito? Bakit parang inabandona na ang tindahan na to?" Sambit ko habang iniikot ang paningin sa looban. Muli kong sinipat ang karatulang nakasabit sa dingding. . "Book for sale" . "Tama naman ang basa ko. Sadya talaga sigurong wala lang pumupunta sa lugar na to para mamili o baka naman hindi lang talaga nag lilinis ang may-ari dito?" Nakangusong bulong ko. . "Kung bibili ka ng libro mamili kana. Hindi ka naman siguro nag punta dito para laitin lang ang lugar ko hindi ba?" Napalingon ako sa lalaking prenteng naka upo sa tumba tumbang upuan malapit sa tabi ng pintuan. Nakataas ang kanyang paa sa lamesang kaharap niya. Mabilis kong napagmasdan ang kanyang itsura. Matangkad ang lalaki at may maamong mukha. Gwapo pero parang mahinhing tignan. Hindi nakapag tataka kung bat naging tagapag bantay siya ng ganitong negosyo. Yung tipo niya kasi yung tipikal na gwapong lalaki na mahilig sa libro. ( Dew jirawat para may idea kayo✌️) . "Pasensya ka na, akala ko kasi walang tao dito. Matagal kana bang nagbebenta ng libro dito?" . Tanong ko sabay lapit sa mga librong maayos na nakahilera sa mga tukador. Sa unang pag sipat ko ng mga libro agad napadako ang paningin ko sa itim na libro na may kakaibang disenyo. May tatak kasi itong itim na ulo ng kuneho. Bigla akong nag karoon ng kuryosidad sa nilalaman ng libro kaya agad ko itong kinuha ngunit gaya kanina muli na naman akong napaubo. Sa pag kuha ko kasi sa libro may sumamang makapal na alikabok na agad nag kalat sa harapan ko. . "Bakit ba masyadong maalikabok ang lugar mo! Hindi ka man lang ba naglilinis dito!" Prangkang sambit ko habang paubo ubo. . Narinig ko siyang tumawa saka tumayo. Naglakad siya patungo sa kinaroroonan ko. . Masyado kang mareklamo binibini. Nagpunta ka ba talaga dito para lang laitin ang lugar ko? . "Nagsasabi lang ako ng totoo. Kaya siguro walang pumupunta dito dahil maalikabok ang lugar mo." Sambit ko habang pinapagpagan ang libro. Maging siya ay napaubo ng malanghap ang makapal na alikabok na kumalat sa hangin. . "Napangiti ako. "Bagay lang sayo yan! Masyado ka kasing madiwara!" Naiinis kong saad sa isip ko. . Napa atras siya saka napatingin sa'kin ng masama. "Sinadya mo yun ano?" . "Bakit ko naman sasadyain yon? Kasalanan ko bang kumakalat ang alikabok sa paligid? Kung pinunasan mo tong tinda mong libro 'di sana wala tayong nalalanghap na alikabok ngayon!" Maang mangan kong tugon saka nag kunwaring binabasa ang nakasulat sa libro. . "Tsh! Halata namang sinadya mo eh." inis na singhal niya. "Tutal naman reklamador ka tatanungin na din kita, kung ikaw ba ang bantay dito lilinisin mo ba ang lugar na to? Tanong niya sabay kuha ng librong hawak ko. . Napatingin ako doon. "Pag ako naging bantay dito kahit konting alikabok sa paligid wala ka ng makakapa dito!" Pagyayabang ko. Maliit lang naman ang lugar, madali lang linisin. . Napangiti siya. Doon ko napansin ang malalim na biloy sa magka bilang pisngi niya. Napatitig ako doon at namangha. "Pangarap ko din magkaroon ng biloy sa pisngi subalit hindi man lang ako pinagpala. . "Kung ganun mag trabaho ka dito. Babayaran kita sa halagang gusto mo." Anya habang binuklat ang librong napili ko. . "Nagbibiro ka ba?" . "Mukha ba akong nagbibiro? Seryoso ako. Inaalok kita para magtrabaho dito. Tanging pag lilinis lang naman araw araw ang gagawin mo. Hindi na mabigat. Gusto mo ba o ayaw mo?" . Napataas ako ng kilay. Medyo hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Gusto kong magtrabaho sa aklatan pero hindi sa isang kagaya niya! "Bakit ba kasi lapitin ako ng mga lalaking may hindi magandang pag-uugali? Una yung lalaking mayabang na nag ligtas sakin sa gubat ngayon naman siya!" Sana lang talaga wala ng kasunod pa. Agad kong kinuha ang libro at inagaw ito sa kanya. . "Ayoko! Magkano to babayaran ko na!" Singhal ko. Inis ko siyang tinalikuran at agad na tinungo ang harapan. Balak kong ng mag bayad para makaalis agad sa lugar niya. . "Mag kapatid nga sila parehong maikli ang pasensya." Rinig kong bulong niya habang papalapit sa pwesto ko. Sino naman kayang magkapatid ang tinutukoy niya? Bukod sa mayabang may pagka wirdo din ang lalaki na to. . "Magkano?" Turo ko sa libro. . Napailing siya. Sa kasamaang palad hindi ko pinag bibili ang libro na yan. Mamili kana lang ulit ng ibang libro. Kahit ano wag lang yan." . "Pero ito ang nagustuhan ko. Kahit magkano babayaran ko." . "Wala ka namang mababasang kahit ano sa libro na yan. Maganda lang ang takip niya pero wala namang nakasulat sa bawat pahina. Mag-aaksaya kalang ng pera." Wika niya habang matamang nakatingin sa librong hawak ko. . Napakunot ako ng noo at agad binuklat ang laman ng libro. Tama nga siya blanko at walang kahit anumang nakasulat sa bawat pahina. Mukhang mag sasayang nga lang ako ng pera dito. . "Hindi na ako bibili. Wala na akong ibang natipuhan bukod dito eh." Saad ko habang binabalik sa kanya ang libro. . Tumango siya sabay abot ng libro. . "Siya nga pala kung mag babago ang isip mo at gusto mo ng mag trabaho dito bumalik kalang. Palaging bukas ang tindahan ko para sayo." pahabol niyang wika habang palabas na ako ng pinto. . "Hindi na magbabago ang isip ko." Wala naman akong napala sa tindahan mo kaya ano pang babalikan ko dito? Isa pa mukhang hindi naman ako papayagan nila tiya." Nakasimangot kong bulong. . Sa pag labas ko sa tindahan sakto namang may paparating na apat na lalaki. Gumilid ako para maka daan sila. Ni hindi ko tinignan ang itsura nila dahil yumuko ako. Hihintayin ko nalang silang makapasok sa loob bago ko iaangat ang mukha ko. . "Mag-iingat ka, wag kang lalapit sa kanila." . Rinig kong sambit ng lalaking lumagpas sakin. Napaangat ako ng mukha at sinundan siya ng tingin. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakasuot siya ng balabal. . Nakapasok na sila sa loob pero nakasunod pa din ang paningin ko sa kanya. Ang lintanya na yon, yun din ang salitang narinig ko sa aking panaginip subalit hindi ko batid kung para sakin nga ba ang sinabi niya. Baka naman para sa kasama niya? Pinag sawalang bahala ko nalang iyon saka tumawid na sa kalsada patungo sa kinaroronan ni tiya. . Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD