Lalo siyang pinamulahan. "I-I know. You don't have to make this more awkward!" She whispered drastically. Biglang nagdalawang-isip kung lalayo ba siya mula rito. Kung gagawin niya iyun ay siguradong makikita nito ang sobrang pamumula niya at hindi matitiyak kung kaya bang salubungin ang tingin nito. Kung hindi naman ay mananatili siyang nakapatong rito. At mararamdaman ang kung anumang tumatama sa may bandang taas ng tiyan. She knew her hair smells like her favorite shampoo in the world. Pero pagkatapos ng pinagdaanan ay hindi matiyak kung ganuon paba ang amoy. And so, it's not as if you wanted to impress him? Kantiyaw ng isang bahagi ng isipan. It's not about impressing him! Hindi lang magandang maamoy niya ang pawis mo. Katwiran ng isa pa. Pero kung naiilang siya sa ganuong kaisipan ay

