Kailan ba nagiging komplikado ang buhay? Kapag ba nagsimula ka ng masanay sa mga bagay at tao na nasa paligid mo? Kapag ba nasanay kang masaya lang ang buhay? Kapag ba akala mo ay wala nang dadating sa buhay mong kahit anong problema dahil dumaan ka na sa napakarami? O kapag akala mo ay kaya mo na, pero ang totoo ay mahina ka pa rin sa kabila ng lahat? Hindi ko alam. Nakaupo ako sa couch habang yakap ang dalawang binti at nakapatong ang baba sa tuhod ko. Nasa paboritong posisyon, sa harap ng salaming dingding at nakatingin sa madilim na gabi. Blangko ang langit, walang bituin o kahit ang buwan ay tila nakatago rin. Kagaya ng wala akong makuhang sagot mula sa mga tanong ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa dalawang tuhod ko. “All you have to do is ask, young lady. Don’t let thing

