Isa… Dalawa… Tatlo… Hindi ko na matandaan kung ilang lobo na ba ang nakita kong lumilipad sa langit kapag nabibitawan ng mga bata. Bakit ba hindi magawang ingatan ng mga batang iyon ang lobo? Tapos iiyak sila kapag lumipad na ito palayo. Hindi ko na rin matandaan kung ilang minuto na akong nakaupo sa bench na ito. Para bang tumigil na ang oras sa paggalaw at nawalan na rin ako ng pakialam sa paligid ko. Ang gusto ko lang ay tumulala sa kawalan, gaya ng dati kong ginagawa kapag nalulungkot at nasasaktan ako. Nalulungkot at nasasaktan? I just saw them holding each other. I just saw how his face moved towards her innocent and beautiful face. At ayaw ko nang isipin kung ano pang pwedeng mangyari pagkatapos magkalapit ng mukha nila. 'Tama na, Yume. Please, kailangan mong ayusin ang sar

