From men in black, they are now men in red. Kanina pa ako natatawa kay Aila habang pilit na pinasusuot ang pulang cap kay Brandon. “Miss Aila, mamaya na lang,” angal ni Brandon. Mailap ang mga mata nito habang pinipigilan sa braso si Aila. “Gusto ko lang tingnan,” pamimilit ni Aila. “Tsaka, isang picture lang naman eh.” “Mamaya na lang,” may diing pigil ni Brandon. “Hindi ko na makikita mamaya.” Nagsimula nang sumimangot si Aila at hinila ang kamay mula kay Brandon. “Tss. Maghapon tayong magkakasama.” Inikutan lang ito ni Aila ng mata at pabalang iniabot ang cap. “Mambababae lang kayo doon,” bulong ni Aila at tumalikod na kay Brandon. Akmang magsasalita pa si Brandon nang dumating sina Gem, Ally at ang kambal na sina Dex at Dux, kasama ang mga bodyguard nila. “Told you, i

