ICE'S POV 'Di talaga lumalayo sa akin si Raydon pero at the same time pabaling-baling din sya. Natatakot yata na bigla ko nalang syang saksakin sa likod nya, tss. Malayo pa pala dito sa eskinita ang bahay mismo non, tinahak pa namin ang mas madilim na parte bago makita ang nag-iisang nagsisilbing ilaw sa daan. "Ano ba kasing kailangan mo sa lalaking hinahanap mo, ha?" bulong ulit ni Raydon. "Shut up..." sagot ko at asar na iniwasan nya naman ang aking mga titig bago lumayo ng kakaunti sa akin. Nagpaumuna sya lalo, at ako naman ay nanatiling marahan lang ang paglalakad. Napatigil ako ng hindi ko matanaw si Raydon at tanging dilim na lang ang nasa unahan. 'Nalintekan na!' "Yung kasama ko..." pagpuputol ko sa aking sasabihin bago kinapitan ang baril na nakalagay sa may hita ko. Napapalig

