SOMEONE'S POV "Sino ka? Sino kayo?" sigaw ni Z habang hawak-hawak sya ng mga tauhan ko. Sumilay ang malawak na ngisi sa aking mga labi. Ultimo pala ang isang hari ay takot din mamatay. "You don't need to know who I am." malumanay na usal ko ngunit may diin upang malaman nyang hindi ako simpleng tao lang, at hindi ako madaling kalaban. "Kilala mo ba 'ko? Alam mo ba kung sinong kinakalaban mo?" seryoso na ang tono ng kanyang pananalita. Halatang nauubusan na sya ng pasensya, at naiinis na talaga. Mas nakakatuwa ang mga nangyayare, I'm enjoying this view. 'Iisa-isahin ko kayong lahat, hanggang sa ako ang kilalaning pinakamalakas at makapangyarihan.' "I just want you to do me a favor," nakangiting panimula ko. Matalim na tingin ang iginawad nya sakin dahilan upang mas mag-init ako sa aki

