CHAPTER ONE.

3010 Words
A/N: Plagiarism is considered academic dishonesty and a breach of journalistic ethics. Plagiarism is not in itself a crime, but like counterfeiting fraud can be punished in a court for prejudices caused by copyright infringement, violation of moral rights, or torts. In academia and industry, it is a serious ethical offense. - ICE'S POV "Look at her face, di sya nababagay sa ganitong University" "I know, ni hindi ko nga alam kung bakit ba pinapasok yan dito? Gusgusin naman" "And the way she dress, looks so baduy. Like duh? Sinong matinong magsusuot ng ganyan? Kadiri ang taste!" Well? Not that bad for my first day. Unang araw palang ng pasukan, at mukhang 'yan ang welcoming message nila sa 'kin. Why not? It's their own opinion at wala akong magagawa do'n haha. Aminado naman akong hindi maganda, hindi din ako sexy. But as if I care? Mukha at katawan ko nga 'di ko pinapansin-sila pa kaya? Puro kudada lang naman ang mga alam. Atsaka pake ba nila sa damit ko? Inggit lang naman kayo. Padami-dami ang mga students na nakakapansin sa akin habang naglalakad ako sa hallway. Ngayon lang ba sila nakakita ng kagaya ko? At ganyan sila kainteresado? Tch. 'Di ko nalang sila binigyang atensyon, kahit pa halata nalang nilalait na nila ako sa isip nila. Ayaw nalang intindihin ang mga sariling buhay. Taas noo ako kung maglakad, at hindi din ako babae lumakad. Astig at kalmado lang, pero expressionless lagi ang mukha ko. Wala naman kasing dapat ikatawa or ano man, mas mabuti pang ganyan nalang. Halos mag iilang minuto na ata akong naglalakad hindi ko pa den mahanap yung room ko. 'Anak ng tokwa, nililigaw ata ako ng mapang to eh?' Nakakainis naman tong mapang binigay sa akin ng gwardya! Ang sabi para ituro sa akin ang daan hindi iligaw ako sa pupuntahan ko. Badtrip! Inikot ko pa ulit ang buong second floor para hanapin ang room ko pero hindi ko talaga makita. Hays. Pigil ang inis ko namang kinuha yung phone ko at syempre andami na namang mga matang nakatingin sa'kin. Ngayon lang ba kayo nakakita ng keypad na cellphone? Mga manghang mangha amp! "Hello Ice!" maingay na agad na bati sa akin ni Sky. Ano pa bang aasahan ko sa kanya? Eh lagi naman syang ganyan 'di ba? Tch. "Oh? Saya mo ah?" sarkastikong sabi ko sa kanya at bigla namang tumahimik sa kabilang linya. Pikon amputek. "Ang sama sama mo alam mo ba yon? Imbis na matuwa kang masaya ako ginaganyan mo pa'ko?" kahit 'di ko kita ay alam kong nakanguso na naman ang bruhang to'. "Pake ko ba kung masaya ka. Bilisan mo pumasok aantayin kita sa Cafeteria." "Eh pano yan baka mala-" "Dalian mo, puro ka na naman dahilan. Bye" 'di ko na sya pinatapos sa sasabihin nya dahil halata namang magdadahilan na naman yun ng kung ano-ano. Baka mabadtrip lang ako lalo. Gusto kong matulog kaya ko nga inagahan ang pasok ko, tapos hindi ko lang pala mahahanap yung room namin? Hanep. Nasayang lang yung paggising ko ng maaga, kung alam ko lang 8 na sana ako nagising, yung tipong late na. Tsk! Nakakaurat! - Dahil sa ang alam ko lang ay yung cafeteria, at doon ko sinabeng aantayin ko sya naglakad na ako papunta ron. Mas malaki ang University na ito kesa sa dati kong pinapasukan at higit ding mas maganda. Ang pinagkaiba ngalang mas matitino ang students do'n kesa dito. Mga abnormal.  Tinatamad pa akong tumayo kaya naman hindi na ako bumili pa ng makakain ko, hindi pa rin naman ako gutom mas kailangan ko nga ngayon ay tulog kaso sa sitwasyon ko na 'to ay mukhang imposibleng makatulog pa ako ng ayus, tsk. Badtrip! RAYDON'S POV "Oy ano ba? Dalian mo na nagugutom na ako!" sigaw ko kay Tommy. Kanina ko pa kasi sya inaayang kumain sa cafeteria at pumasok akong walang kinain. 'Di naman mailapag yung librong binabasa nya! Nakakasira ng kagwapuhan 'tong lintek na to eh! "Oo na! Oo na!" iritableng nyang sigaw pabalik tsaka itinago ang librong binabasa nya sa kanyang bag at humarap sa akin sabay inirapan pa ako. "Bading" mahinang bulong ko tsaka nagpaumunang maglakad pababa. "Dalian mo naman sa paglalakad" sabi ko sa kanya nang makita syang ang sama ng tingin sa akin at sinasadyang 'wag bilisan ang paglalakad. Grr! Nakulo na talaga ang tyan ko. "Omg ang aga naman ata ni Ray ngayon? Sheeeet ang gwapo!" "Pwede bang akin ka nalang Tommy?" "Boyfriend material silang dalawa huhu. I want to marry himmmm!" Okay iilan lang yan sa mga sinisigaw ng mga babae tuwing dadaan ako or kami. Masaya ako na ganyan ang tingin nila sa akin but what the hell?! Nagmumukha silang desperada para lang mapansin ng mga lalaki? Wala ba silang mga utak? Tss. Nilagpasan nalang namin sila ng hindi man lang binibigyang atensyon. Papasok na sana ako sa loob ng cafeteria nang mapansin ang isang taong bago lang sa paningin ko. Sumilay naman tuloy sa aking mukha ang isang napakalawak na ngisi. 'So...newbie of our University? Nice one.' Sabi ko sa isip ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng cafeteria at dumiretso sa cashier. Buti nalang walang katao-tao masyado dito. "Ate pahiram nga po ako ng mantika!" nagmamadali namang usal ko at agad naman nya akong binigyan. Tumingin pa muna ako kay Tommy na nakatingin na din pala sa akin. Bakas sa mukha nya ang inis, at pagtataka. "What the---ano na namang kalokohan ang gagawin mo Raydon Luey Imperial?" wala naman na syang iba pang magagawa kundi ang manood nalang sa gagawin ko. Sinenyasan ko syang umalis sa gilid ng pintuan dahil baka pati sya ay madamay sa gagawin ko. Dahan-dahan kong ibinuhos ang mantika sa daan, at binabalaan ang mga magtatangkang pumasok na 'wag muna'. Hindi rin nagtagal at nakita ko na syang papasok at- 'BLAAAAAG!' "HAHAHAHAHAHAHA!" Halos mahihimatay ko ng tawa nang makita ang kalagayan nya. I was expecting na mapapaupo sya don but seems like nakikiayon sa akin ang mundo ngayon ah? She kissed the floor HAHAHAHAHA. "Hala sya ang new target ni Raydon for this year" "Okay lang yan bagay naman sa kanya yan eh HAHAHAHAHA" "Hampaslupang froglet! Buti nga sa kanya!" Tatayo na sana sya ng bigla na namang madulas ang kanyang mga kamay at bumagsak ulit sa sahig. "HAHAHAHAHA!" hindi ko na talaga kanyang pigilan ang tawa ko kaya napaupo nalang ako sa harapan nya kakatawa at doon nagtama ang paningin naming dalawa- Lunok. Isa pang lunok. NAKAKATAKOT yung way ng pagtingin nya sa'ken. Parang mangangain na something eh. 'Hindi ka pwede magpadala sa tingin nyang yan tch! Imperial ka Raydon! I'm! Per! Ial!' Tumayo na ako, at tsaka suminghal. Ansama pa din ng titig nya sa akin. At ginantihan ko yun nang sobrang samang titig din. Akala nya ba'y aatrasan ko sya? Pwes! Hinde! "Ice! Okay ka lang ba?" dumating ang isang babaeng hindi naman katangkaran, morena at aminado akong maganda. Kaso? Magkaibigan sila, at yun ang ikanaiinis ko. 'Eh bakit nga ba ang init ng dugo mo sa kanya Raydon? Wala naman syang ginagawa sayo diba? Baguhan lang naman yan. Tsaka ang sabi mo sa sarili mo sa GW ka lang magiging mautak at matapang?' 'Naiinis nga kasi ako sa kanya! Ang panget panget nyang manamit tsk! Daig nya pa lalaki kung maglakad! Nakakairita!' Napangiwi nalang ako sa pagtatalo ng sarili kong isip. Tch! Hindi ko napansing tinulungan pala nung babae si Ms. Humaliksasahig. HAHAHAHAHA! Pinigilan ko nalang na matawa at pagkamalan nakong baliw sa paulit-ulit na tawa ko. Nakatayo naman na sya pero ganon pa din ang tingin nya sa akin. Nanlilisik at parang gustong gusto na akong patayin. Poor girl. Humakbang ako ng isa para sana asarin pa sya pero dapat hindi ko nalang pala ginawa. ISANG MALAKAS NA SAPAK ANG INABOT KO SA KANYA! Talaga namang nanlaki ang pareho kong mata sa kan'yang ginawa, hindi ko inaasahan ang nangyare, first time may nagtangka na sapakin ako at sa mukha pa mismo! Hindi n'ya ba alam kung ga'no ko iniiangatan ang maganda kong mukha!? Palibhasa ay ampangit! Hindi marunong mag-ingat sa sarili. Dugyot! 'What the heck?! You'll regret this miss, hindi mo alam kung sinong tao ang binangga mo!' "Ha!" hindi makapaniwalang usal ko habang napaupo sa sahig dahil sa lakas ng suntok nya. Anlakas ng loob nyang paduguin ang labi ko? 'Di nya ba alam kung gano kahalaga sa akin itong gwapo kong mukha?! Higit pa sa ginto ang presyo nento. Nanginginig ang kalamnan ko sa inis. SA SOBRANG I-NIS! Pinunasan ko na muna ang dugo sa labi ko at parang metal ang lasa. Eww. "Matapang ka rin eh noh? An-" hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko humakbang na sya palapit. "Oo, ikaw duwag" nakangisi nyang sinabi iyon na para bang minamaliit ako. 'Who the hell are you?' "What? Pakiulit nga ng sinabe mo?" gitil na sabi ko sa kanya. Pero ngisi lang ang isinukli nya sa akin! Great! Mas pinag-iinit nya lang ang ulo ko. At ilalabas ko naman na sana ang dagger ko nang hawakan ni Tommy ang kamay ko. "Dre! babae yan ano ka ba?! alam mong nasa batas yan na ikaw mismo ang gumawa bakit mo susuwayin?!" medyo nabawasan naman ang inis ko dahil natauhan ako ron kaya naman itinago ko nalang ang dagger ko at sinamaan sya ng tingin. Pero ayun na naman ang kinaiinisan ko sa lahat! 'Yung blanko ang mukha shems! Bakit ba lahat kinaiinisan ko nasa kanya? AISH! ANSARAP NYANG GILITAN NG LEEG SA HARAP NILANG LAHAT. "Don't bother me, you crazy bastard" seryoso nyang usal pero wala pa ding kaemosyon emosyon. Ano ba 'to manikin? Seriously? In this type of situation wala syang reaction? Damn it. Naikuyumos ko nalang ang kamao ko nang makita ko syang naglalakad na papalayo kasama ang kaibigan nya. "Ah!" isang malakas na sigaw ko sabay sumuntok pa sa hangin. Ang yabang mo! Ang yabang yabang mo! Magtutuos din tayong dalawa, and I will make sure you'll taste hell! "Ano bang problema mo? Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo para maglabas ng isang dagger!? Babae yung kalaban mo! Ba-ba-e tol!" pagpapagalit nya na naman sa akin. "Eh bakit ba sa kanya ka pa yata kumakampi?! Ako yung nasapak! Ako!" sigaw ko naman pabalik sa kanya. Badtrip na nga ako dinadagdagan pa ng mokong na'to. Bwiset! Ngumiwi nalang sya bago ako hinila kung saan, "Hoy! San mo ba'ko dadalhin?! Bitawan mo'ko Tommy! Isa! Makakatikim ka saking lintek ka! Bitaw! Sabe!" pagmamaktol ko sa kanya. Kung makakapit naman sa braso eh parang gusto nang putulin. Tch! Ano ba naman to! Napansin kong tumigil na sya at kung saan 'yon? Sa tapat nang Hospital dito sa loob ng University. Mukhang alam ko na kung bakit nya ako dinala rito. Aish! Ayoko pa naman ang pumasok sa loob ng Hospital, nakakainis! Humanda ka talaga sa akin Ms. Panget! Pumasok na kami ni Tommy sa loob at syempre inasikaso naman ako agad ng mga nurse. Ansakit ng labi ko, sobrang lakas ba naman na suntok? Ni hindi ko nga alam kung paano nya nagawa yon! Babae ba talaga yon o bakla? 'Calm down Raydon! Hindi ngayon ang time para dyan!' Pilit kong pinakakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim at pagbuga neto ng dahan-dahan. Nagawa ko naman iyon kaya ngalang-ANONG GINAGAWA NYANG LINTEK NA YAN DITO?! Pagkamulat na pagkamulat ko ng mata ay andito si Lauren at nakatingin sa akin nang galet. 'Sinasadya na ba talaga nang mundo 'to? Kaganina ay sumang ayon sa akin ah? Bakit parang bumabaliktad na ata ngayon?' "What the hell did you do this time Raydon?" malakas na malakas sa aking sigaw ni Ate Lauren. Mababasag na ata ang eardrums ko sa lakas ng bunganga nento! "Ate nasa Hospital, tumahimik ka naman" pakikiusap sa kanya ni Tommy pero binalingan nya lang ito ng masamang tingin bago sa akin. 'Ito ang pinakadahilan ko kung bakit ayaw kong pumapasok nang Hospital eh! Andito kasi ang babaeng to! Nakakaurat! Nababadtrip ako ngayon araw! Aish.' "Do I look like I care? What happened!? Tell me the truth you bastard!" malakas na sigaw na naman ang iginawad nya sa akin at naririndi na ako. "Ano ba ha! Ako na nga itong may bangas sa akin ka pa nagalet? Magsama-sama nga kayo!" gitil kong sabi bago padabog na lumabas sa pintuan nang Hospital. "Raydon!" dinig ko pang sigaw ni ate at tinakpan ko na lamang ang tenga ko bago mabilis na tumakbo sa kabilang building. - "Hi baby" malanding tawag sa akin ni Steff. As if papatulan ko sya? Yak! Hindi ko nalang sya pinansin at kumuha ng sigarilyo roon sa drawer. "Mainit ata ulo naten boss? HAHAHAHA" sabi sa akin ni Drew. 'Hindi lang mainit, sobrang nag-iinit ang ulo ko sa mga nangyayare ngayon!' Ang hindi ko talaga makuha kung bakit lagi nalang sa akin nagagalet si ate? Eh pangtitrip nga lang ang ginagawa ko at as if nakapatay naman ako kung mag react sya?! Isa palang naman ang nag agaw buhay dahil sa akin at ayaw ko na iyong alalahanin pa. "Nakakairita yung bago dito!" reklamo ko na ikinatawa naman nilang lahat. 'The heck? May nakakatawa ba do'n?' "So bale may new target na pala tayo nyan boss?" nakangising usal ni Troy at napangisi nalang din ako dahil sa sinabe nya. Bakit ko nga kinalimutan yon? I have them. HAHAHAHAHA. Sorry Ms. magiging miserable ang buhay mo sa University na ito. Tumango nalang ako bilang sagot tsaka itinapon ang upos ng sigarilyo ko at lumabas na. Ayoko ng awra sa kwarto na ito. Puro may mga babae ang kasamahan ko dito. Gross! Naglakad lakad nalang ako sa quadrangle habang nag-iisip ng susunod kong gagawen nang bigla ay nakita ko si Myles. May kasamang iba... 'Bakit ganito? Kapag minamalas ka nga naman talaga, ang tagal na din simula ng mangyare sa amin 'to pero nakamarka pa din 'yung sakit.' Kahit na hindi ako makatingin sa kanilang dalawa ni Aien ay hindi ko naman maigalaw ang katawan ko para umalis sa pwesto ko ngayon. Magkayakap silang dalawa habang kitang-kita na masaya sila sa piling ng isa't isa. 'I thought what I did before was a mistake, a big mistake but now? I guess it's the best decision I've ever made' Napangiti nalang ako ng mapakla habang unti-unti ko naman naramdaman ang likidong umaagos sa pisnge ko. Tumingala nalang ako at tumawa ng pilet- "HAHAHAHA, hanggang ngayon bakit mahal pa din kita?" nanginginig na ang boses ko kaya inilabas ko na ang aking panyo at tsaka pinunasan ang luha ko. Pag baling ko naman ulit sa kanila ng tingin ay wala na sila don. Sigh. "Why I can't still forget my feelings for you Myles?" sabi ko nalang at tsaka nagpatuloy na sa paglalakad. Nakarating naman ako sa room namin at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong- 'ANAK NG TOKWA? 8:30 NA PALA? Wala man lang bang tumawag sa akin? Nawala na naman sa isip ko na may klase nga pala kami! Bobo mo Raydon! Ang bobo bobo mo!' Napayuko nalang ako nang makitang lahat sila ay nagtatakang nakatingin sa akin. Habang si Tommy naman ay nakatingin sa akin at halatang nagpipigil ng tawa kahit pa nasa libro ang paningin nya. 'Humanda ka sa akin Tommy, hindi mo man lang ako tinawagan, tch? Kaibigan ba talaga kita? Ansarap mong kotongan. Bwiset ka!' Pupunta na sana ako sa upuan ko ng biglang magsalita si Mrs. Flores. 'Patay na ako nento' "And where have you been Mr. Imperial!?" malakas na tanong nya sa akin at napapahiyang bumaling ako ng tingin sa kanya at ngumiti, 'Sheeeeems! Anong sasabihin ko?' "Ahm hehe, n-naglakad lakad lang po ako eh nakalimutan kong may klase" napapakamot sa ulong paliwanag ko at mataray na tinaasan nya lang ako ng kilay at padabog na ibinaba ang kamay sa lamesa, BLAAAAAG! Isang malakas na ingay ang nagawa niya. 'Ano ba naman 'to? Nakakahiya sobra tch!' "Now seat!" tingin nya sakin at dali-dali naman nakong sumunod at baka lalo pang mag-init ang ulo sakin ng baboy na 'yan! Ang sungit masyado! Mataba naman! Tch! Worst day EVER! Kung ano-anong dalang kamalasan ng babaeng 'yon ngayon, s'ya ang puno't dulo ng mga kagaguhan sa araw na 'to eh. Kasalanan n'ya 'yon, nagkapasa na nga ako sa mukha, pumutok pa ang labi ko! Babae ba talaga 'yon? O baka naman bakla!? Isa pa, she doesn't have the body though, wala sa proportion ang katawan n'ya para maging babae. Hindi s'ya sexy! Hindi s'ya maganda, walang wala talagang asset ng isang babae ang makikita mo sa isang 'yon! She's worst. - "Anong nakakatawa Tommy? Pagkatapos mong hindi ako sabihan man lang!?" gitil na tanong ko sa kanya na walang ibang ginawa kundi kumain at tumawa sa tabi ko. "Pagkatapos mong mag walk out bigla? Magagalet ka sakin? Ano ka abnormal? HAHAHAHAHAHA." tawa pa rin nang tawang usal nya. Nakatingin tuloy sa amin lahat ng tao dito sa cafeteria. "Ang gwapo ni Tommy noh? Lalo na pag natawa" "Mas gwapo si Raydon kahit maiinitin ang ulo nya" Nilingon ko naman ang mga babaeng sumisigaw na'yon at tsaka sila nilapitan. "Shut your mouth" matiim na sabi ko bago bumalik sa upuan namin ni Tommy at inantay si Ace. "Asan na ba si Ace?" naiinis na tanong ko kaya Tommy na mamamatay na ata kakatawa. Nakakairita! "Ayan na oh! HAHAHAHAHA" turo nya kay Ace na naglalakad na nga papunta sa pwesto namin! Hayop na Tommy to puro tawa nalang ang ginagawa saken? Dagukan kita dyan eh. Hmp! "Ikaw!" "Anong ako? Kadadating ko lang ah!" sigaw pabalik sa akin ni Ace na mas nagpainit ng ulo ko. "Ikaw bumili ka ng pagkain do'n! Nandidilim ang paningin ko baka samain kayong dalawa sa akin! Dalian mo!" "Makautos to wagas! Antayin mo'ko dyan! LECHE KANG IMPERIAL KA, GALING KA TALAGANG IMPYERNO!" 'Badtrip sobra, nababadtrip ako ng sobra sobra. Taena!' Inistraight ko ng inom ang tubig na nasa harapan ko at nagbabakasakaling mabawasan ang init ng ulo ko pero wala talagang makabawas-bawas ng inis ko. 'Bakit nga ba kasi ako naiinis masyado? Wala naman nangyare 'diba? 'Diba wala naman? 'Diba Raydon wala naman? 'Diba? 'Diba?!' 'Anong wala? Eh 'diba tinignan ka nung Ms. Humaliksalupa ng masamang tingin tapos sinapak ka pa? Worst 'di ka pa nakaganti? Bago nakita mo 'yung mga members mong may kalandian do'n sa kwarto n'yo, tapos nakita mo si Myles at si Aien na masamang magkasama! And napagalitan ka pa ni Mrs. Flores? Anong sinasabe mo dyang wala naman nangyare? Eh andami-daming nangyare! 'Oo nga noh? Kaya may dahilan pala ako para mainis? Oo tama! Tama! Tama! May nangyare pala talaga para mainis ako ng ganito!' Nababaliw na ata talaga ako. Sa sobrang inis ko tuloy ay nakikita ko na naman yung babaeng sinapak ako kaganinan na nakapila sa cashier- WAIT! WHAT?! NAKIKITA KO SYA! Kumurap pa muna ako ng ilang beses bago titigan ng ayos kung sya ang babaeng yon at di naman ako nagkamali.  'Sya 'yon! Syang sya 'yon! Kulay grey ang buhok eh! S'ya lang naman ang kaya gan'yan buhok dito sa buong University-wait s'ya nga lang ba talaga? Eh 'dibale na! Gagantihan ko pa ang lintek na babaeng yan. Sa kanya talaga nag-umpisa tong pagkabadtrip ko eh! Ang yabang-yabang, hindi naman ako kilala!' "I'll make you suffer." TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD