A/N: Sorry for the late update, nagkasakit kasi ako. Again, sorry! Hope you guys understand my condition, may online classes na rin kasi kaya medyo busy. Love you all.
CHRISTIAN'S POV
"Hindi sa hindi ka nag-iisip! Pa'no kung tirahin ka no'n patalikod!? Hindi sa lahat ng oras kaya mo kasi Ice! Oo, kasama mo kami pero hanggang saan? Hanggang kailan? Nag-aalala lang naman kami sa'yo! 'Di mo ba maintindahan 'yon?" naiinis na sigaw ko sa kan'ya.
'Hindi rin naman kasi n'ya naiisip na may nag-aalala sa kan'ya! Ano ba'ng tingin nya sa'kin? Manhid?'
dO__Ob!
"Nagsimula ako ng mag-isa, kaya kaya kong nag-iisa. Hindi naman ako tanga Chris! May utak ako oh!" pagtuturo nya pa sa kan'yang sintido, "Kaya makakapag-isip ako! Tapos sasabihan mo ako ng gan'yan? Ano ba'ng gusto mong iparating? Baka nakakalimutan mong mas mataas pa din ako sa'yo! Hindi lang ikaw at kayo ang namomroblema, okay? So shut the f**k up!" inis na sigaw ni Ice bago lumabas ng kwarto.
Napahilamos ako sa mukha ko matapos n'yang sabihin ang mga litanyang 'yon! Hindi ko alam kung bakit parang binuhusan ako ng malamig na tubig, ngayon lang ata pumasok sa isip ko ang mga sinabe ko kanina, nasobrahan yata ako.
"Aish!" malakas na sigaw ko sa kwarto dahil alam ko namang walang makakarinig no'n. Sound proof kasi 'to.
'Ano ba'ng 'di n'ya maintindihan sa mga sinabe ko?'
d>>__
"Ano ba'ng problema mo Chris? Parang kanina bago tayo makarating dito, okay ka pa ah?" takang tanong sa akin ni Nathan pero iniiwas ko lang ang paningin ko sa kan'ya.
"Oo nga, bakit ka ba nagkakaganyan? Nasigawan ka tuloy ni ssob!" si Sam.
'Bakit nga ba ako nagkakaganito? Psh! Kahit ako 'di ko alam ang dahilan, pa'no ko pa masasagot ang tanong nila?'
'Ang bobo mo Chris!'
"Below the belt na yung ginawa mo pre eh, this time mali ka." sabi pa ni Emily at doon ako natinag.
'Below the belt na ba talaga yung sinabe ko? Ako ba yung mali? Eh nag-aalala lang naman ako sa kan'ya?'
'Okay ka pa kasi kanina, tapos inaasar mo pa s'ya. Bago bigla ka nalang mag o-over act d'yan? Tch! Mukha kang praning!'
"You can't hide it, kaya mas mabuti pang magsorry ka nalang sa kanya bago pa n'ya mahalata. Psh!" nakangisi namang banat sa akin ni Sky kaya napamaang naman ako sa kan'ya. Halata na ba masyado? Anong halata, hindi, hindi 'to pwede.
'Ano ba'ng sinasabe n'ya?'
Mukhang no choice talaga ako kung 'di ang mag sorry kay Ice, pero ano ba kasing mali ko? Nag-aalala lang naman ako sa kan'ya eh! Para saan pa ang pagpaplano namin kung s'ya lang din naman pala ang kikilos para hanapin si X? Tch.
'Kami nga ang dapat magalit! Tapos ako pa ngayon ang mag-sosorry?'
Edi 'wag ka magsorry kung gusto mo'ng hanggang bukas gan'yan pa din kayo. Alam mo namang tahimik lang 'yon, kung ano kayo okay na rin sa kan'ya! Sa taas ng pride at yabang ng amo mo tingin mo mag-sosorry 'yun sa'yo para lang magkabati kayo? MALAMANG HINDE!
Hanggang ngayon nakakunot pa din ang noo ko sa sobrang pag-iisip kung ano ba'ng dapat ko gawin. Kung hahayaan ko ba or magsosorry nalang ako!
"Magsorry ka na kasi, baka bugbugin ka pa ni Ice eh HAHAHAHA!" huling banat pa ni Sky bago aaktong lalabas kasama yung tatlo,
"Sa'n kayo pupunta?" medyo napapahiyang tanong ko naman dahil sa ginawa ko kanina. Kinakain ang buong pagkatao ko ng hiya, nakakainis talaga.
"Bibili ng makakain, sasama ka ba? Magsorry ka na lang muna!" sarkastikong sagot n'ya bago lumabas na ng tuluyan. Inilingan lang naman ako nina Sam bago sumunod na rin sila kay Sky.
'Pa'no naman ako mag-sosorry do'n? Baka mauna pa n'ya akong sapakin eh!'
Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Ice pero...
LUNOK!
Pagbukas ko ng pinto ay s'ya agad ang bumungad sa akin, halos mahugot ko lahat ng hangin sa buong katawan ko. Nakakagulat naman! Nakatayo s'ya sa may gilid ng pintuan,
Blangko pa din naman ang kan'yang mukha pero 'yung tingin n'ya, titig na titig sa mga mata ko na 'di ko na alam kung saan ko ba dapat ipako ng tingin.
'Save me Lord! Huhu.'
"Sila Sky? 'Asan?" tanong n'ya sa akin sa malamig na tono, sabagay gan'yan nga naman pala ang normal na tono ng pananalita n'ya! Tss.
TUG-DUG. TUG-DUG. TUG-DUG.
TUG-DUG. TUG-DUG. TUG-DUG.
TUG-DUG. TUG-DUG. TUG-DUG.
TUG-DUG. TUG-DUG. TUG-DUG.
TUG-DUG. TUG-DUG. TUG-DUG.
TUG-DUG. TUG-DUG. TUG-DUG.
TUG-DUG. TUG-DUG. TUG-DUG.
TUG-DUG. TUG-DUG. TUG-DUG.
'Taena yung puso ko! Ayaw na tumibok ng normal! Sasabog na ata ang dibdib ko sa kaba!'
Lunok.
"Ahm..ano eh bibili raw sila ng makakain," utal-utal na sagot ko. Lintek kinakabahan na talaga ako!
dO__Ob!
Napaatras ako ng bigla s'yang lumapit sa akin. Tuloy-tuloy lang s'ya sa paglapit hanggang sa narating na ng likod ko ang pader.
'Damn it! Babae dapat ang naatras hindi lalake! Nababakla ka na ba Chris? Tae!'
Lunok!
Isa pang lunok!
Last na talaga 'to!
Nagtama ang mata naming pareho! Gustuhin ko man lumingon sa iba, ayaw gumalaw ng katawan ko lalo na ng mata ko. Para tuloy akong hihigupin ng seryosong titig n'ya sa akin.
'Shete bossing! Kasama ba 'to sa pagiging bata mo? The heck mas natatakot pa ako ngayon kesa noong bago pa lang tayong magkakilala eh! Huhu. Wala namang ganyanan ssob!'
"May sasabihin ako," usal n'ya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
'Onti nalang boss magiging sorbetes na ako tapos ikaw yung araw! Nakakatunaw yang titig mo ha!'
"Ano 'yun ssob?"
'Gagi nanginginig na ako...'
"Sorry,"
dO__Ob!
'T-Tama ba yung narinig ko!?'
Sinampal sampal ko muna ang sarili ko para malaman kung gising ba talaga ako o baka nananaginip lang.
"Tsk." napanganga ako dahil sa singhal na 'yon ni ssob bago muling nag-angat ng paningin sa kan'ya.
'Mas matangkad kasi sya sa'kin tapos ang lakas ng loob kong sigawan s'ya 'diba? Hehehe,'
"N-Nagsosorry ka ba talaga sa'kin ssob?" 'di makapaniwalang tanong ko at sinamaan n'ya naman ako ng tingin!
'Ho! Nakakakita ako ng mga anghel na lumulutang...Wait! What? Ano ba'ng pinagsasabe mo Chris? Tch!'
"Ayaw mo ba? Tsk,"
"Syempre gusto boss! Gustong-gusto! Pero ako dapat ang nahingi ng sorry sa'yo. Below the belt na 'yun eh..." nahihiyang usal ko habang nakatungo,
"Yah. Kalimutan mo na 'yon." nagliwanag naman agad ang mukha ko pagkasabe n'ya noon tsaka ngumiti sa harapan n'ya!
'Yes! Bati na kami! Whooo!'
"'Di ka pa ba nagugutom?" tanong n'ya sa akin kaya mas napamaang naman ako pero 'di ko nalang pinahalata baka mag-init na naman ang ulo n'ya eh! Tss. Sayang ang pagkakataon, gusto ko s'ya makasama ngayon.
"Gutom na, kakain tayo?"
"Oo, pero libre mo! Bayad yan sa paninigaw mo sa'kin. Tsk!" sabi n'ya bago mabilis na lumabas ng pinto medyo natigilan naman ako pero natauhan din ng makitang wala na nga pala sya sa harapan ko. Hinabol ko s'ya, hanggang sa makita kong nasa gate na pala s'ya!
"Hoy boss! Hintayin mo naman ako!" hinihingal ko pang sigaw pero kahit man lang lingunin ako ay 'di n'ya ginawa.
'Sabi ko na eh, hindi basta basta makikipagbati tong si ssob ng walang kapalit eh! Ambilis-bilis masyadong maglakad! 'Di mo alam kung babae ba talaga eh!'
Kahit andami n'yang kotseng andito sa GHO, naglakad pa rin talaga kami papuntang KFC dine!
'Kuripot!'
Nagtaka naman ako bigla kasi akala ko kaya n'ya ako dito dinala cause andito sina Sky pero wala...
'So, ano 'to date?'
dO__Ob!
Napalunok naman ako sa sariling sinabe ng isip ko pero hindi ko maitatangging gusto ko rin ito. At sa 'di ko malaman na dahilan umaabot ang mga ngiti ko hanggang tenga.
"Mukha kang tanga!"
Lunok.
NASA HARAP KO NA PALA SYA NG DI KO NA NAMAN NALALAMAN! GR!
Napatungo na lang tuloy, gawan ng kahihiyan. Nakita nya pa at ang pagngiti ko, pero 'di ko talaga mapigilan eh. Matuturing kong sira at buo ang araw na 'to, at dahil iyon sa iisang babae lang.
"Libre mo 'di ba?" astig na tanong n'ya sa akin at nakangiting tumango naman ako,
'Pakiramdam ko napakaraming puso at nakamasid sa akin lahat, tae?! Ano bang pinagsasabe ko? Erase! Erase!'
Napailing naman ako habang nakapikit pagmulat ko nakatitig pala s'ya sa akin habang nagtataka sa kung anung kawirduhang ang pinaggagagawa ko!
'Umayos ka nga Chris!'
Hanggang pagpunta sa counter ay nakangiti pa ren ako sa di malamang dahilan. Awit HAHAHAHAHAHA. Kinikilig ako.
'Anong kinakakiligan mo timang!? Naaabno ka na eh!'
Napailing na naman tuloy ako.
"Hindi kayo o-order sir?" napapakamot na tanong sa akin nung nasa cashier at nahihiyang ngumiti nalang ako.
'Damn it! Nahihibang ka na Chris!'
"2 fried chicken with rice and two mashed potato together with mushroom soup," nakangiting banggit ko hehe.
'Sana mabusog s'ya hihi. Kahit pasalamatan lang ako mamaya ay malaking bagay na, naeexcite na tuloy akong kumain kami!'
"Ang pogi n'yo sir hehehe..." sabi n'ya naman kaya nakaramdam ako ng hiya bigla.
"T-Thanks!"
'Sana si Ice sinasabihan din ako ng ganyan,'
'Bakit ka naman n'ya sasabihan ng ganoon? 'Di ka naman gwapo sa paningin n'ya eh!'
'Nababaliw ka na ba Chris? Bakit ba nagkakaganyan ka ngayon?'
Habang inaasikaso no'ng babae yung order ko ay nilingon ko naman si ssob kasi baka nakatingin s'ya sa'kin pero bumagsak ang balikat ko ng blangko s'yang nakatingin sa malayo.
'Halatang andami nya ngang problema nasigawan ko pa s'ya kanina. Ngayon alam ko ng ako ang may mas lamang na mali. Alam ko ng ako dapat ang una talagang umintindi sa kalagayan ngayon ni Ice. Ako dapat at hindi s'ya ang unang humingi ng tawad kanina, sorry ssob!'
Parang gusto ko nalang s'yang yakapin at paulit-ulit na humingi ng tawad pero 'di ko naman kayang gawin kasi baka sapakin ako n'yan! Mga ilang sandali pa ay dumating naman na ang order ko. Binuhat ko 'yon at dinala sa upuan namin ni Ice. Hindi n'ya nga yata ako napansing umupo dahil parang may tinititigan s'yang kung ano, dala ng kuryosidad sinundan ko kung saan nakatingin ang mga mata nya...
'SI RAYDON?! PA'NO NAKALABAS ANG ISANG YAN?'
RAYDON'S POV
Nakakaboring dito sa loob ng University kaya naman nagpasya akong lumabas. Papayagan naman ako ni lolo basta magpaalam lang ako sa kan'ya.
'Well? May ari ako ng isang kilalang University eh, ba't naman ako pagbabawalan? Psh!'
Tulog pa si Tommy kaya naman wala na akong balak magsama pa ng iba. Hahahays. Naglalakad ako papuntang Dean's Office ngayon, wala naman masyadong tao kaya wala yung mga babaeng nagtitilian tuwing dadaan ako.
'Nakakarindi na rin sila eh.'
Natigilan naman ako ng mapalingon sa soccer field! Naalala ko na naman yung kahapon. Badtrip!
Flashback
Pagkatapos kong walk-outan 'yung baliw na babaeng 'yon ay aakyat na sana ako ng ikatlong palapag pero may naririnig akong mga boses.
"Ano ba babe? Sinabe ko naman sa'yo hayaan na natin si Raydon 'di ba? Wala naman na akong pakialam sa lalaking 'yon!"
'Di agad ako nakagalaw dahil sa narinig ko.
'Si Myles 'yon 'di ba? Mukhang tama nga 'yung baliw na babaeng 'yon! Masaya s'ya ng wala ako!'
Kahit na ayaw ko ay paulit-ulit na nadudurog ang puso ko dahil sa sinasabe nya,
'Bakit kasi kailangan marinig ko pa?'
Kung hindi rin naman talaga nananadya ang panahon 'no, lagi na lang pinaririnig sa akin ang mga bagay na masyadong masakit sa tenga. Hindi na nga tinatanggap ng puso ko, pero nag sisink in naman sa isip ko hanggang palagi ko ng isipin 'yon! Nakakainis! Bwiset naman oh.
Hahakbang na sana ako paakyat nang magsalita ulit sya...
"Hindi ko naman s'ya minahal," usal n'ya pa.
"Hindi ko naman sya minahal,"
"Hindi ko naman sya minahal,"
"Hindi ko naman sya minahal,"
Napako na ata ako sa kinatatayuan ko at naramdaman ko nalang bigla ang mga luha kong umaagos mula sa aking mga mata. Nararamdaman ko na naman, nararamdaman ko na naman yung sakit noong nakita ko s'yang ipagpalit ako, bumabalik na naman yung sakit at poot noong araw na mas pinili n'yang makasama si Aien kesa sa'kin! Pakiramdam ko nagbukas ulit lahat ng sugat sa puso ko na sana ay maghihilom na ng tuluyan.
'Bakit gano'n? Sobrang masakit pa rin hanggang ngayon?'
'Ano ba'ng meron sa kan'ya na wala ako?'
'At bakit hanggang ngayon mahal pa rin kita?'
At doon hinayaan kong balutin ako ng nararamdaman ko hanggang sa mapaupo nalang ako sa unang baitang ng hagda at doon yumuko tsaka umiyak ng umiyak.
End of Flashback.
Napangiti nalang ako ng mapait dahil sa alaalang 'yon. Tsaka napabuntong-hininga ng malakas.
"Lolo, lalabas po muna ako saglit." paalam ko at agad naman na s'yang tumango. Binigay n'ya sa akin ang isang card, na sila lang ang meron dahil 'yun lang ang maaaring gamitin para magbukas ang main gate.
-
'Sa'n naman kaya ako pupunta?'
Matagal-tagal rin akong nag-isip kung saan ba 'ko pwedeng pumunta na makakapagpahinga ako ng walang nakakaistorbo. At 'di ko namalayang dinala na pala ako ng sarili kong sasakyan sa tabing dagat.
Bumaba ako ng kotse at inilock iyon.
'Ang bango ng simoy ng hangin lalo pa't kaamoy rin ito ng tubig-alat'
^_^||
Nahiga ako sa malambot at pinong buhangin sa tabi ng bughaw na dapat. Nakakarelax ang paligid. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at inalala ang mga masasayang alaala namin ni Myles,
"Baby halika nga dito! Yakapin mo'ko..." nakangusong usal ko at agad namang sumilay ang isang malawak na ngiti sa kanyang mga labi at tsaka umalis sa dalampasigan bago mabilis na tumakbo sa akin, niyakap n'ya ako ng mahigpit at saka ako tiningala.
"I love you." walang boses na sambit n'ya habang titig na titig sa mga mata ko, parang hinaplos naman no'n ang puso ko. Noong panahon na 'yon, alam ko at sigurado akong mahal n'ya ako.
"I love you too." sagot ko at niyakap din s'ya ng mahigpit! Alam ko sa sarili kong mahal ko s'ya, mahal na mahal ko s'ya at mahal namin ang isa't isa.
Pero ngayon kahit anong saya ng mga memories na 'yon, naninikip lang ang dibdib ko at bigla nalang nahihikbi. Ang sakit lang kasing isipin na,
'The person who gave you the most special memories, now only became a part of your memories'
'I hate this feeling, hindi na naman ako makahinga! Nahihirapan na ako, gusto kong mag move-on, pero pa'no? Pa'no ko ba kakalimutan ang babaeng kauna-unahang minahal ko? Pa'no ko kakalimutan ang babaeng nakapagpabago sa'kin? Paano?'
Kahit sa isip ko ay napiyok na ako dahil heto na naman at nararamdaman ko ang pag-agos ng mga luha ko kahit pa nakapikit ako. Wala akong ibang makita kun'di ang ngiti n'ya, ang mga ngiti n'yang akala ko ay ako lang ang magiging dahilan. Ang mga ngiti n'yang sa akin nya madalas ipakita, ang mga ngiti n'yang ako ang nagpapatamis. Ang mga ngiti nyang sa akin lang noon, ang mga ngiti n'yang alaala nalang tsaka ang mga ngiti n'yang may iba ng dahilan at pag mamay-ari.
'Sabi nila masakit ang maiwan pero hindi ko alam na ganito pala kasakit 'yun. Hindi ko alam. Wala akong ideya na aabutin ng ganito katagal kong iindahin ang sakit sa dibdib ko. Mawawala pa ba 'to? May pag-asa pa kayang maging masaya ako?'
dTT__TTb.
Humigop muna ako ng madaming hangin bago idilat ang mga mata ko at punasan ang mga luhang walang sawang lumalabas sa lintek na mata kong 'to! Wala ng ibang ginawa kung 'di ang lumuha! Nagmumukha na tuloy akong bakla. Psh!
Natawa naman tuloy ako sa sarili kong naisip. Nag lagi pa ako ng ilang sandali bago tuluyang tumayo nang makaramdam ako ng gutom.
''Di nga pala ako nag-almusal sa University...'
-
Nakarating ako sa isang fast food chain, 'yun lang kasi ang pinakamalapit dito sa pinuntahan ko.
'KFC pa nga!'
No choice naman na ako at talagang nakalam na ang sikmura ko, kaya pumasok na ako do'n. Pagpasok na pagpasok ko palang ay bumungad na sa akin ang isang babaeng nakatalikod pero kilala ko na kung sino iyon.
'Si baliw! Anong ginagawa n'yan dito? Tsaka pa'no 'yan nakalabas!?'
Malayo ang tingin n'ya at halatang 'di ako mapapansin kasi nga nakatalikod s'ya sa akin! 'Di ba? Pumila naman na 'ko at doon ko nakita ang isang lalaking kasama n'ya pala at tsaka pumila sa likuran ko.
'Pamilyar ang mukha ng isang 'yon, 'di kaya taga University rin sila? Pero how? Bakit at pa'no sila nakalabas?'
"Anong order n'yo sir?"
"Isang duo meal lang, salamat." anya ko na s'yang ginawa n'ya naman. Habang palakad na sana ako papuntang upuan ko ay pinansin ko 'yung lalaking na-order, masyadong malawak ang kanyang pagkakangiti na animo'y kinikilig-kilig pa! Tch!
dO__Ob!
Lunok.
PAGBALING ko ng tingin sa harap ay nagtama ang paningin naming dalawa at ayun na naman ang blangko n'yang mukha na s'yang kinaiinisan ko!
"What?" inis na tanong ko sa kan'ya pero walang boses. Ayaw ko naman mag iskandalo dito sa loob ng fast food chain.
"Nothing," anya n'ya tsaka inilipat sa iba ang tingin. Masyadong malalim ang iniisip n'ya, dahil bakas sa mukha n'yang marami 'yon. 'Di ko naman na s'ya pinansin at naupo nalang sa kung saang walang tao.
'Wala akong panahon para kausapin kayo ngayon, mamaya nalang nagugutom pa 'ko eh!'
Pagkaupo ko ay agad ko namang kinain ang pagkain ko pero hindi talaga ako mapakali pakiramdam ko may mga nakatingin sa akin. Tumingin ako sa kaliwa ko, pero wala naman. Sa harapan ko? Wala rin. Kaya ang huli nalang ay ang kanan ko, dahan-dahan kong ibinaling ang paningin sa kanan at...
HUK!
MUNTIKAN KO NG MAILUWA ANG KINAKAIN KO NANG MAKITANG NAKATINGIN SILA SA AKIN!
'Anak ng...bakit ayaw nalang nilang kumain ng tahimik? Bakit ba tinitignan pa den nila ako?! Alam ko namang gwapo ako pero langya 'di ako makakain ng ayos eh! Naiilang ako!'
d>>__
'E-Eh?'
Bigla nalang n'ya akong sinenyasan na lumapit sa kanila. 'Di ko naman tuloy alam kung susunod ba ako o hinde! Malamang naiinis pa rin ako sa kan'ya at may plano pa ako bukas na turuan ng leksyon ang babaeng 'yan! Tsk! Tapos papalapitin nya lang ako? No way!
"Bakit ba?" inis na tanong ko, sapat lang ang lakas no'n para marinig nila. Hinayaan ko nalang at 'di pinansin ang kasama n'yang lalaki na ansama-sama ng tingin sa akin!
'Insecure ka lang sa akin at mas pogi ako sa'yo, psh!'
Binigyan n'ya lang ako ng seryosong tingin na animo'y sinasabeng lumapit na talaga ako kaya naman ano pa bang gagawin ko? Kun'di lumapit syempre, 'di rin naman ako makakakain ng maayos dito! Panay tingin nila.
'Teka may dumi ba ang mukha ko?'
Agad ko namang pinunasan ang mukha ko pero wala naman. Baka trip lang talaga ako ng mga 'to.
Paglapit ko ay pinagpag n'ya naman ang upuan sa tabi n'ya, kaya doon ako naupo!
'Lintek na pabango 'yan? Pang lalaki?'
Umaalingasaw s'ya sa bango pero hindi amoy ng babae, hindi sweet or daring ang amoy! Pang matso at gwapo ang amoy n'ya. Mas mabango pa sya sa akin!
"Anong ginagawa mo dito sa labas?" inis na tanong sa akin nung lalaking kasama nya at gaya ng inaasahan mukhang taga University nga din s'ya. Hindi naman sa inis talaga ang tono n'ya pero may bahid kasi ng pagkabadtrip.
"I have my ways. Eh kayo pa'no naman kayo nakalabas nitong abnoy na syota mo?!" tanong ko naman pabalik sa kanila habang sumusubo ng kanin at papalit palit ng tingin sa kanilang dalawa.
'Kung ano-ano nalang tinatawag ko do'n sa abnormal na babaeng 'yon! 'Di man lang kasi sabihin kahit pangalan! Tss! Ano s'ya famous para alam ng lahat ang pangalan n'ya? Pwe!'
"Sinong syota? Hoy baka gusto mo patayin kita!" uutal-utal na sagot nung lalaki habang halata namang namumula ang pisnge n'ya, HAHAHAHAHAHA! Bading yata amp!
'Hmmm, kung hindi sila magsyota? Edi ibig sabihin? Gusto nya lang 'to? Kasi namumula sya oh! HAHAHAHAHA. Ang panget naman ng taste ng lalaking 'to! Sayang ang mukha mo pre, gwapo ka pa naman mauuwi ka lang sa abnormal na babaeng gaya ng isang 'to HAHAHAHAHA!'
TO BE CONTINUED...