3RD PERSON'S POV —-- DAHIL sa nalaman ni Augustus, lalo siyang nakaramdam ng galit kay Farrah. Madilim ang mukha niya habang nakatingin kay Farrah mula sa malayo. Nasa soccer field ang dalaga dahil P.E. nila, habang silang magkakaibigan ay nasa fourth floor ng kanilang building. Wala siyang ibang iniisip ngayon kundi makapaghiganti. Kailangan niya munang pag-isipan kung paano. Lalo siyang nanggagalaiti sa galit kapag nakikita niyang masaya ang dalaga, tapos si Shella nahihirapan, nagkaroon ng trauma dahil sa kagagawan ng ina ni Farrah. "Siguro kung nakakamatay lang iyan, mga titig mo, kanina pa nakahandusay sa sahig si Farrah." Natatawa nang sabi ni Cornell, habang nakatingin sa kaibigan. Kanina pa niya pinagmamasdan si Augustus. Galit ang nakikita niya sa mga mata ng kaibigan. "Kaya

