Malapit ng makarating sa address na binigay ni krezia kay keanne kung saan siya nakatira, bigla namang tumunog ang kanyang cellphone.
Agad naman niya itong sinagot.
" Hello bea? " napatawag ka
" Krezia pwede kaba ngayon kumanta sa isang bar?" kailangan lang nila ngayon ng vocalist kasi may sakit kasi yung kumakanta sa grupo nina Justine. "
Bes sige na pagbigyan mo na ako. kahit ngayon lng. nagpapatulong si jus maghanap. eh wala naman akong ibang kakilala maliban sayo.". ani bea sa kabilang linya.
" Teka nga bea. eh sino namang justine yan ha?" at tska bes pagod ako pauwi palang ako sa apartment ko. Di ata kita mapagbigyan sa ngayon." malungkot niyang sabi.
" Pero krezia diba kailangan mo ng raket ngayon? tsaka marami pa tayong babayarin sa school . Sige na krezia ngayon lng naman eh please".
Kasama mo naman kami. Si justine kasi ang crush ko pagbigyan mona ako bes." yun lng ang maibibigay ko sa knya para naman mapansin niya ako. hihi "
"Ibang klase karin talaga bes noh." pero sige na nga. pero saglit lang tayo ha. alam mo naman may trabaho pa ako bukas." ani krezia ky bea.
" yehey!! the best ka talaga krezia.sige ha wala ng bawian. hihintayin ka namin. send ko lng yung address ng bar ha. susunduin ka lng namin sa labas pag nakarating kana. babye bes. seeu . ingat ka" muaaa.
bago paman sumagot si krezia
ng bigla nalang pinatay ang tawag.
napabuntong hininga na lang siya at sumulyap sa katabi.
ganun nalang ang gulat niya ng makita ang nakakunot na noo ni keanne habang nakatingin sa kanya.
" So sino yun?"
at saan mo na namang balak pumunta sa dis oras ng gabi ha? " pagalit na tanong ni keanne.