Krezia's Pov
Wala akong nagawa kundi ang kumanta ulit sa ikalawang pagkakataon.
Hindi ko na lang pinansin ang mga taong nakapaligid sa akin at lalong binalewala ko ang mga titig ni keanne, nagfocus na lang ako sa pagkanta. Alam kong pagkatapos nito ay uuwi na ako. ayoko ng magtagal sa ganitong sitwasyon. Kahit sa loob kong kinikilig ako sa pinakita ni keanne kanina, pero hindi parin ito sapat na dahilan para bigyan ko ng kahulugan kung ano man ang nararamdaman ko.
Isa lang akong normal na tao para sa kanya, bilang secretarya niya at wala ng iba pa. Keanne is to good to be true. Imposibleng magkakagusto siya sa isang katulad ko.
langit siya at lupa ako. hindi kami nababagay sa isat isa.
I need to stop this kung ano man ang nararamdaman ko para kanya ayokong dumating sa point na masasaktan ako. Ayokong bigyan ng meaning ang mga pinakita ni keanne maybe it was just his way to show everyone na walang babaeng tatanggi sa kanya. But, he can't count on me. Nararamdaman kong may babae siyang mahal at hindi ako yon.
" woooaaah is that Keanne Mathew?"
"Nakamove on na pala siya sa dating girlfriend".
"Iba na pala ang type ngayon ni Mat"
"I mean ibang taste sa mga babae" knowing keanne Mathew hindi siya pumapatol sa isa lng vocalista".
Mga katagang naririnig ni Krezia sa mga ibang kababaihang nasa harapan niya.
She expect it, when it comes to keanne. He's well known in this society. Hindi na siya magtataka kung maraming nagkakagusto sa lalaki.
Bumaba na ako sa stage, agad naman akong inalalayan nina bea. Masaya ako at least natapos rin. Ang gusto ko ngayon ay umuwi na. Nakaramdam ako ng pagod. And its 12 midnight already. Maaga pa ako bukas i need to hurry.