Keanne's Pov
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan palayo mula sa apartment ni krezia.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti pag naalala ko ang itsura ng secretarya ko.
Nanginginig siya kapag nagsasalita at nagtatanong ako.
"Katakot takot ba ang itsura ko?
eh gwapo naman ako ah" aniya sa sarili sabay ngiti.
Mahigit isang taon na rin siyang walang babaeng umaaligid sa kanya. Simula nung iniwan siya ni angelica na girlfriend niya dati.
Mas pinili ni angelica ang career niya kesa sa kanya bilang isang model sa ibang bansa.
Gayun pa man kahit na matagal na panahon na siyang nasasaktan dulot ng pagiwan sa kanya ng girlfriend niya, hindi nababawasan ang pagmamahal niya dito. Palagi niyang sinasabi na kailangan niyang suportahan ang girlfriend niya sa career nito.
Subalit ng makita niya si krezia, parang nag iba ang ihip ng hangin.
Gusto niya itong makita lagi kahit bago pa lang ito sa kompanya niya. Gusto niyang masiguro na safe ito lagi.
kaya Kanina habang pauwi na siya sa condo napagdesisyon niya munang dumaan sa paaralan kung saan nagaaral si krezia.
Mabilis siyang nakarating sa paaralan, malayo paman sa mismong gate natanaw na niya si krezia na nagaantay ng masasakyan. kaya mabilis ang pagtakbo niya at pumarada sa may direksiyon nito.
" Hoy lalake papatayin moba ako? " Bakit bigla bigla kana lang pumaparada sa direksyon ko.
Bulag ka ba ha?!"
"Hop in". tanging sambit niya.
napapangiti na lang siya sa naging reaksiyon nito kanina.